05/07/2026
"𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘴𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝘢𝘺 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯." 🎒⛑️
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔 na may temang "𝑵𝒂𝒈𝒉𝒂𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒂𝒕 𝑲𝒖𝒎𝒊𝒌𝒊𝒍𝒐𝒔 𝑻𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔", matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Mateo ang Disaster Preparedness Orientation at Pamamahagi ng 50 sets Disaster Preparedness Kits nitong Hulyo 5, 2026 sa Multi-Purpose Hall.
Bago ang pamamahagi ng mga kit, nagkaroon muna ng 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐞𝐝𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng kalamidad, ang tamang paghahanda ng Go Bag, at ang wastong paggamit ng mga kagamitang nakapaloob sa bawat kit.
Kasabay rin ng programa, nagkaroon ng talakayan kaugnay ng 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at pagkakaroon ng sapat na pagkain bilang mahalagang bahagi ng paghahanda sa panahon ng kalamidad. Ipinaalala rin na 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐮𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐲𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚.
Layunin ng programang ito na hindi lamang mamahagi ng kagamitan kundi higit sa lahat ay mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng bawat benepisyaryo sa kahalagahan ng kahandaan sa sakuna.
Sa kabuuang 50 Emergency Preparedness Kits, 10 ang inilaan para sa mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng ating barangay, tulad ng Barangay Tanod, Solo Parent, BCPC, Tau Gamma, PRIDE, at iba pang sektor na nagsisilbing pangunahing katuwang sa pagtugon at pagresponde sa oras ng kalamidad. Samantala, ang natitirang 40 ay ipinamahagi sa mga piling sambahayan mula sa pitong (7) zone.
Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga Zone Leaders at ibinatay sa 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛 (𝐫𝐢𝐬𝐤 𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥) 🚨 at 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 (𝐫𝐢𝐬𝐤 𝐞𝐱𝐩𝐨𝐬𝐮𝐫𝐞) ⚠️ upang matiyak ang patas, maayos, at makabuluhang pamamahagi ng mga kit.
Taos-pusong pasasalamat sa ating 𝐫𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐬𝐩𝐞𝐚𝐤𝐞𝐫 mula sa Barangay Health Center 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐧𝐚 𝐆. 𝐑𝐨𝐦𝐞𝐫𝐚, sa mga 𝐙𝐨𝐧𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬, sa mga kinatawan ng iba't ibang sektor, sa Barangay San Mateo Council, at sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.
Patuloy nating isabuhay ang kultura ng kahandaan, wastong nutrisyon, pagtutulungan, at katatagan upang maging mas ligtas at mas handa ang bawat pamilya at ang buong pamayanan.
🎒 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮
🛡️ 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀
💪 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴