Barangay Salawag Secretary

Barangay Salawag Secretary Secretary of Barangay Salawag, City of Dasmarinas, Province of Cavite
Office Hotline: 0975-360-6907
Office Email: [email protected]

01/06/2026

๐Ÿ’ง UPDATE: NWRB Preliminary Conference on the San Marino Water Crisis

Maraming salamat po sa lahat ng residents ng San Marino City at San Marino Classic na dumalo at nagbigay ng kanilang mga reklamo at concerns.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga ordinaryong residente ng SMC at Classic, mga kinatawan ng NWRB, Engr. Dumo ng PrimeWater, at kinatawan ng Barangay.

Sa fairness naman po, halos lahat ng concerns ay napag-usapanโ€”mula sa maliliit hanggang sa malalaking isyu, kabilang na ang problema sa billing.

๐Ÿ“Œ BILLING CONCERNS
Ang mga concern tungkol sa billing ay hindi pa nabigyan ng pinal na sagot dahil kailangan pa itong talakayin ni Engr. Dumo sa kanilang Billing and Collections Department Head. Nakabinbin pa ang kanilang opisyal na paliwanag at aksyon tungkol dito.

๐Ÿ“Œ MGA PALIWANAG (Reason/Explanation)
Ayon sa PrimeWater, nagkaroon ng mga pagkaantala dahil sa naganap na transition ng ownership mula sa Villar Group patungo sa bagong may-ari na si Mr. Lucio Co.

๐Ÿ“Œ MGA NAKAPLANONG AKSYON (Action Plans)
โ€ข Rehabilitasyon ng iba pang water tanks, katulad ng ginawa sa South 2 Tank.
โ€ข Pag-drill ng mga bagong balon (wells) upang madagdagan ang suplay ng tubig.
โ€ข Patuloy na paggamit ng "Ponla" o libreng water delivery bilang alternatibong solusyon (subject for approval).

๐Ÿ“Œ TIMELINE
Target ng PrimeWater na maisakatuparan ang mga hakbang na ito sa loob ng susunod na anim (6) na buwan.

โœ… GOOD SIDE
Sa ilalim ng bagong may-ari ng PrimeWater, ipinahayag nila ang kagustuhang maresolba ang mga problema sa tubig sa lalong madaling panahon. Nagsimula na rin umano ang ilang improvements sa San Marino South. Ayon kay Engr. Dumo, mas mabilis na raw ngayon ang proseso ng pag-apruba ng mga proyekto at kinakailangang interventions.

โš ๏ธ MGA NAIIWANG TANONG AT CONCERNS
Personal kong naitanong kung "Kaya pa ba ng PrimeWater?" ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito direktang nasagot.

Bukod dito:
โ€ข Patuloy pa rin tayong inoobligang bayaran ang minimum bill.
โ€ข Gayunpaman, tiniyak nila na walang magaganap na disconnection.
โ€ข Wala pa ring konkretong sagot kung magkakaroon ba ng maayos at nakatakdang schedule ng water supply para sa South 1 at South 2.
โ€ข Nakababahala rin na may mga ulat na kahit katatapos lamang ng rehabilitasyon sa South 2 Tank, muli na namang nawalan ng tubig ang ilang residente.

Hindi pa po ito ang katapusan.

Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng kanilang complaints, ebidensya, at saloobin. Ang mga boses ninyo ang naging dahilan upang makarating ang ating hinaing sa tamang ahensya.

Patuloy po tayong magiging mapagmatyag at hindi titigil sa paghingi ng pananagutan at konkretong solusyon hanggang sa tuluyang maresolba ang problema sa tubig sa ating komunidad.

Original post from SMC Group: Krista Mores Espiritu




Attended the preliminary conference as Barangay Representative, hosted by NWRB, for the case of SMC Residents (Complaina...
01/06/2026

Attended the preliminary conference as Barangay Representative, hosted by NWRB, for the case of SMC Residents (Complainants) vs. PrimeWater (Respondents).

SAN MARINO UPDATE: Sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng lahat sa pamunuan ng primewater, sila ay nakapag install na sa...
31/05/2026

SAN MARINO UPDATE:

Sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng lahat sa pamunuan ng primewater, sila ay nakapag install na sa south 2 based na din sa kanilang commitment, ayon na din sa pag uusap noong nakaraang linggo

For Central A, tayo ay babalitaan ngayong araw hanggang bukas. Maraming salamat

28/05/2026
27/05/2026
Meralco maintenance schedule.
26/05/2026

Meralco maintenance schedule.

26/05/2026

๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐“๐”๐‹๐ˆ | Dahil sa malaking bilang ng mga nais magpatuli, nagbubukas po tayo ng ๐Ÿ๐๐ƒ ๐๐€๐“๐‚๐‡! โœ‚๏ธ

Location: Barangay Hall Annex, San Marino City

๐Ÿ“‹: Para makapagpalista, i-message si Karz Maturz, isa sa ating mga Barangay Staff.
๐Ÿ”—: https://www.facebook.com/expose.expose


23/05/2026

Ngayong araw ay natunghayan natin ang pagtitipon ng ilang mga residente ng San Marino,Classic at Heights sa panawagan nila sa na magkaroon ng maayos ng supply ng tubig ang kanilang subdivision. Ayon sa kanila, ito ay mahabang taon na nilang daing at pahirap sa kanilang araw araw na pamumuhay.

Patuloy ang pagmomonitor ng Pamahalaang Barangay sa sitwasyon at estado ng usaping primewater sa San Marino City upang lahat ito ay maiparating sa pamunuan ng Primewater.

Sigaw nila: HINDI RASYON ANG SOLUSYON, MAAYOS NA TUBIG NGAYON.

ANO ULIT YUN?
21/05/2026

ANO ULIT YUN?

Bawal pang mangampanya! โ€ผ๏ธ

issues warning vs premature campaigning for Barangay, SK polls.

Take note, the campaign period for is scheduled from October 22-31, 2026.

Address

Golden City Dasma 3 Barangay Salawag
Dasmariรฑas
4114

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Salawag Secretary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share