DepEd Pag-asa National High School - Dasmariñas City

DepEd Pag-asa National High School - Dasmariñas City Pag-asa National High School envisions itself as an institution with high aspirations for product

𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉: 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐔𝐍𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐀𝐍 | 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐6Opisyal nang sinimulan ng Pag-asa National High School...
03/08/2026

𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉: 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐔𝐍𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐀𝐍 | 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐6

Opisyal nang sinimulan ng Pag-asa National High School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng pambukas na palatuntunan na may temang: "𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧."

Nawa'y maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit nating pahalagahan ang ating Wikang Filipino bilang puso ng ating pagkakakilanlan at mahalagang kasangkapan sa pagkatuto, pananaliksik, at responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika, kultura, at pagkakaisa bilang mga Pilipino.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!

🍎 BUWAN NG NUTRISYON 2026 🍎“Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat! Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalag...
31/07/2026

🍎 BUWAN NG NUTRISYON 2026 🍎

“Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat! Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan”

🥗🍎 NUTRITION FACTS AT TRIVIA 🍎🥗
"Ang tamang nutrisyon ay susi sa malusog, masigla, at matagumpay na buhay."
Alamin ang kahalagahan ng wastong pagkain at tamang nutrisyon. Tandaan na ang balanseng pagkain, sapat na pag-inom ng tubig, at regular na ehersisyo ay malaking tulong para mapanatili ang malusog na katawan at isipan.
🥦 Kumain ng masustansyang pagkain
💧 Uminom ng sapat na tubig
🏃 Mag-ehersisyo araw-araw

📚 Sama-sama nating isulong ang tamang nutrisyon para sa mas malusog na kinabukasan!

‎📝 Kagawaran ng Araling Panlipunan



PAGBABAGO NG KATAWAN SA ADOLESCENCE: ALAGA SA SARILI, SIMULA SA TAMANG NUTRISYON 🌱✨‎‎“Paglaki at Pagbabago: Tanggapin an...
22/07/2026

PAGBABAGO NG KATAWAN SA ADOLESCENCE: ALAGA SA SARILI, SIMULA SA TAMANG NUTRISYON 🌱✨

‎“Paglaki at Pagbabago: Tanggapin ang Katawan, Alagaan ang Kalusugan!”

‎Ang pagbibinata at pagdadalaga ay isang mahalagang yugto ng paglaki kung saan maraming pagbabago ang nararanasan ng katawan. Sa panahong ito, mahalagang matutuhan ang wastong pangangalaga sa sarili sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, mabuting kalinisan, at malusog na pamumuhay.

‎Ang pagkain ng masustansyang pagkain, sapat na pag-inom ng tubig, regular na pangangalaga sa katawan, sapat na pahinga, at positibong pagtanggap sa sarili ay makatutulong upang maging malusog, malakas, at handa sa bawat pagbabago.

‎💚 Sama-sama nating yakapin ang pagbabago at gawing bahagi ng araw-araw na buhay ang wastong nutrisyon at kalinisan para sa mas malusog na kinabukasan!

‎HEALTH & HYGIENE TIPS PARA SA KABATAAN:

‎1. 🥗 Piliin ang Masustansyang Pagkain
‎ • Kumain ng balanseng pagkain na may gulay, prutas, protina, at iba pang pagkaing nagbibigay ng mahahalagang sustansya.
‎ • Piliin ang pagkaing makatutulong sa paglaki at pagpapanatili ng malakas na katawan.

‎2. 💧Panatilihin ang Sapat na Hydration
‎ • Uminom ng sapat na tubig araw-araw upang suportahan ang maayos na paggana ng katawan.
‎ • Limitahan ang sobrang matatamis na inumin.

‎3. 🧼 Ugaliin ang Wastong Kalinisan
‎ • Panatilihin ang regular na paliligo at wastong pangangalaga sa katawan.
‎ • Ugaliing maghugas ng kamay upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan.

‎4. 🌱 Tanggapin ang Natural na Pagbabago ng Katawan
‎ • Bawat isa ay may kani-kaniyang bilis ng paglaki.
‎ • Tanggapin at pahalagahan ang sariling katawan habang dumaraan sa pagbabago.

‎5. 😴 Alagaan ang Katawan at Isip
‎ • Matulog nang sapat at magkaroon ng oras para sa pahinga.
‎ • Matutong pamahalaan ang stress at panatilihin ang positibong pananaw.

‎TANDAAN!

‎🌟 Tamang Nutrisyon + Wastong Kalinisan + Positibong Pagtanggap sa Sarili = Malusog at Kumpiyansang Kabataan

‎📝 Kagawaran ng Araling Panlipunan






🎉 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 🎉Pag-asa National High School proudly celebrates the 𝐰𝐞𝐥𝐥-𝐝𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝 𝐚𝐩𝐩𝐫𝐨𝐯𝐞𝐝 𝐫𝐞𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐌𝐚'𝐚𝐦 ...
17/07/2026

🎉 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 🎉

Pag-asa National High School proudly celebrates the 𝐰𝐞𝐥𝐥-𝐝𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝 𝐚𝐩𝐩𝐫𝐨𝐯𝐞𝐝 𝐫𝐞𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐃𝐚𝐧𝐢𝐞𝐥𝐚 𝐓. 𝐏𝐚𝐬𝐜𝐮𝐚 through the 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐄𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐫𝐞𝐞𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐄𝐂𝐏) 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬.

Your dedication, passion, and commitment to quality education continue to inspire learners and fellow educators.

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐨𝐧 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐫𝐞𝐦𝐚𝐫𝐤𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐜𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭!

🎊👏
Your 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 𝐍𝐇𝐒 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 is truly proud of you! 💙💛

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 Thank you, 𝐃𝐫. 𝐑𝐮𝐝𝐨𝐥𝐟 𝐂. 𝐂𝐚𝐥𝐢𝐦𝐚𝐠! 🎉❤️Congratulations on your well-deserved designation as  𝐎𝐈𝐂–𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬...
17/07/2026

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 Thank you, 𝐃𝐫. 𝐑𝐮𝐝𝐨𝐥𝐟 𝐂. 𝐂𝐚𝐥𝐢𝐦𝐚𝐠! 🎉❤️

Congratulations on your well-deserved designation as 𝐎𝐈𝐂–𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐈. Your leadership and dedication have greatly contributed to the success of Pag-asa National High School.

As you begin this new chapter, we also bid you a heartfelt farewell. Thank you for your invaluable service and lasting legacy at Pag-asa NHS. We wish you continued success and God's guidance in your new assignment.

You are always a part of Pag-asa NHS family. 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬!🎉❤️

🍎 BUWAN NG NUTRISYON 2026 🍎“Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalaga...
16/07/2026

🍎 BUWAN NG NUTRISYON 2026 🍎

“Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!
Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan”

Sama-sama nating palaganapin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay. Ang tamang pagkain, sapat na tulog, regular na ehersisyo, at mabuting kalinisan ay susi sa isang malusog at produktibong buhay.

💪 Simulan natin sa ating mga sarili ang mga simpleng hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan!

HEALTH TIPS

1. 🥗 Kumain ng Masustansyang Pagkain

• Kumain ng gulay at prutas araw-araw.
• Sundin ang Pinggang Pinoy.
• Iwasan ang sobrang maalat, matamis, at matabang pagkain.

2. 💧 Uminom ng Sapat na Tubig

• Uminom ng anim hanggang walong (6-8) basong tubig sa bawat araw.
• Piliin ang tubig kaysa matatamis na inumin.

3. 🏃 Maging Aktibo

• Mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto araw-araw.
• Makilahok sa mga gawaing pampalakasan.

4. 🌱 Pangalagaan ang Kalikasan

• Magtanim ng gulay at puno.
• Bawasan ang paggamit ng plastik.
• Panatilihing malinis ang kapaligiran.

5. 😴 Matulog nang Sapat

• Matulog ng pito hanggang siyam (7-9) na oras bawat gabi.
• Iwasan ang labis na paggamit ng gadgets bago matulog.

TANDAAN!

Masustansyang Pagkain + Malinis na Kapaligiran + Aktibong Pamumuhay = Malusog na Kinabukasan

📝 Kagawaran ng Araling Panlipunan

🥦🍎 MALUSOG NA PAMILYA, MATATAG NA KINABUKASAN! 💚 🌿 Nakikiisa ang  Pag-asa National High School  sa pagdiriwang ng Nutrit...
08/07/2026

🥦🍎 MALUSOG NA PAMILYA, MATATAG NA KINABUKASAN! 💚 🌿

Nakikiisa ang Pag-asa National High School sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026! 🌿

Hindi lamang sa paaralan nagsisimula ang wastong nutrisyon kundi sa ating mga tahanan. Kaya naman inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang at tagapangalaga ng ating mga mag-aaral na makiisa sa pagtataguyod ng tamang pagkain gamit ang "PINGGANG PINOY" bilang gabay sa paghahanda ng masustansya at balanseng pagkain. Ang bawat masustansyang pagkain na ating inihahain ay isang hakbang tungo sa mas malusog, mas masigla, at mas matagumpay na kinabukasan ng ating mga anak.

Ngayong Nutrition Month, isabuhay natin ang temang "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan. Magsimula tayo sa simpleng hakbang tulad ng pagkain ng tama, piliin ang masustansyang pagkain, suportahan ang mga lokal na ani, at pangalagaan ang ating kalikasan. Sa sama-samang pagkilos ng pamilya, paaralan, at komunidad, makakamit natin ang isang henerasyong malusog, responsable, at handa sa mas magandang kinabukasan. Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon para sa bawat bata, bawat pamilya, at bawat pamayanan! 💚🇵🇭

✍️ Kagawaran ng Araling Panlipunan





TINGNAN | Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyal ng SPTA para sa Taong Panuruan 2026–2027Matagumpay na is...
08/07/2026

TINGNAN | Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyal ng SPTA para sa Taong Panuruan 2026–2027

Matagumpay na isinagawa sa Pag-asa National High School ngayong Hulyo 8, ang Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Ang seremonyang ito ay sumisimbolo sa kanilang pagtanggap sa responsibilidad at pangakong maglilingkod nang may integridad, dedikasyon, at malasakit para sa kapakanan ng mga mag-aaral at sa patuloy na pag-unlad ng paaralan.

Binabati ng Pag-asa National High School ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA. Nawa'y maging mabunga ang inyong panunungkulan at magsilbing daan sa mas matatag na ugnayan ng paaralan, mga magulang, at komunidad para sa dekalidad na edukasyon.

Pagbati at mabuhay ang ating mga bagong opisyal ng SPTA!


𝐒𝐚 𝐏𝐏𝐀𝐍: 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭! 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧.Ang pagdiriwang ng Nutri...
07/07/2026

𝐒𝐚 𝐏𝐏𝐀𝐍: 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭! 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧.

Ang pagdiriwang ng Nutrition Month ay naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga g**o at mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan. Hinihikayat din nito ang lahat na isabuhay ang wastong gawi sa pagkain at suportahan ang napapanatili at matatag sa pagbabago ng klima na mga sistema ng pagkain.

Sa sama-samang pagkilos, makakamit natin ang mas malusog na pamayanan at mas ligtas na kinabukasan para sa lahat.



✍️ Franie Jallorina

𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 | 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦 𝐂𝐥𝐮𝐛 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐒𝐢𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 (𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐏𝐚𝐩𝐞𝐫)𝐑𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐩𝐞 (𝐄𝐧𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐏𝐚𝐩𝐞𝐫)Naghahana...
07/07/2026

𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 | 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦 𝐂𝐥𝐮𝐛 𝐇𝐮𝐧𝐭

𝐒𝐢𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 (𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐏𝐚𝐩𝐞𝐫)
𝐑𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐩𝐞 (𝐄𝐧𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐏𝐚𝐩𝐞𝐫)

Naghahanap ang Sinag ng Pag-asa at Ray of Hope ng mga mag-aaral na handang maging tinig ng katotohanan, pagkamalikhain, at pagbabago.

Kung ikaw ay may hilig sa pagsusulat, pag-eedit, page layout, photojournalism, cartooning, o broadcasting, ito na ang iyong pagkakataong maging bahagi ng ating School Journalism Club.

🖋️ Isulat ang katotohanan.
🎙️ Gamitin ang iyong boses upang magbigay ng inspirasyon.

📢 Sumali na at tuklasin ang mamamahayag na nasa iyo!

🔗 Magparehistro rito:
https://forms.gle/gbEE5UyqjALGFCtS7

Sinag ng Pag-asa | Ray of Hope
One Campus. Two Languages. One Voice for Truth.

Address

Pag-asa
Dasmariñas
4114

Opening Hours

Monday 6am - 7:30pm
Tuesday 6am - 7:30pm
Wednesday 6am - 7:30pm
Thursday 6am - 7:30pm
Friday 6am - 7:30pm

Telephone

+63465066267

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pag-asa National High School - Dasmariñas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Pag-asa National High School - Dasmariñas City:

Shortcuts

Share

Category