31/08/2026
📢𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐁𝐨𝐬𝐞𝐬, 𝐌𝐚𝐲 𝐀𝐦𝐛𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐮𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲
Isinagawa noong Agosto 30, 2026 ang 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa Barangay San Mateo.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs), mga empleyado ng Barangay, at mga residente, na aktibong nakilahok sa talakayan at nagbahagi ng kanilang mga pananaw, mungkahi, at komento hinggil sa mga panukalang batas pambarangay.
Layunin ng pampublikong pagdinig na matiyak na ang bawat panukalang ordinansa ay dumaraan sa makabuluhang konsultasyon, pakikilahok ng mamamayan, at masusing pagtalakay bago ito tuluyang maisabatas.
📌 Narito ang mga panukalang ordinansang tinalakay:
1️⃣ Proposed Regular Barangay Ordinance No. 2-S-2026
Inihain ni PB Villanueva
📍 Kautusang Nagbabawal sa Paglalagay o Paggamit ng Pangalan, Larawan, Logo, Insignia, o Anumang Uri ng Personal na Pagkakakilanlan ng mga Opisyal sa mga Dokumento, Proyekto, Pasilidad, mga Ari-Arian, at mga Sasakyan sa Nasasakupan ng Barangay San Mateo, at Nagtatakda ng mga Kaukulang Parusa sa mga Lalabag Dito.
2️⃣ Proposed Regular Barangay Ordinance No. 3-S-2026
Inihain ni SBM Miguel
📍 Kautusang Nagbabawal sa Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo sa mga Menor de Edad at Nagtatakda ng Kaukulang Multa sa mga Tindahang Lalabag sa Ordinansa at Kaparusahan sa mga Kabataan at Magulang.
3️⃣ Proposed Regular Barangay Ordinance No. 4-S-2026
Inihain ni SBM Gabin
📍 Kautusang Nagtataguyod ng Isang Ligtas, Inklusibo at Magalang na Pamayanan ng Barangay San Mateo at Naglalayong Pigilan ang Pangbubully, Cyberbullying, Panliligalig, at Iba Pang Anyo ng Pananakot.
4️⃣ Proposed Special Ordinance No. 1-S-2026
Inihain ni SBM Pelle
📍 Kautusang Nagtatatag ng Programang Libreng Maintenance Medicines para sa Kwalipikadong Residente ng Barangay San Mateo at Naglalaan ng Pondo para sa Pagpapatupad Nito.
🤝 Ang isang mabuting ordinansa ay nabubuo sa pakikinig. Sa pamamagitan ng ganitong pampublikong konsultasyon, binibigyang-halaga natin ang boses ng bawat sektor at residente upang makabuo ng mga patakarang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng ating pamayanan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang Barangay San Mateo na bukas, inklusibo, responsable, at para sa lahat.