Barangay Zone IV Public Information Office

Barangay Zone IV Public Information Office Public Service

Paalala: Kasalukuyang dinidinig pa lamang sa Senado ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2067 at 2387 na maaaring mag-pos...
04/09/2026

Paalala: Kasalukuyang dinidinig pa lamang sa Senado ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2067 at 2387 na maaaring mag-postpone ng November 2026 BSKE at magtakda ng termino ng mga Barangay Officials at Miyembro ng Sangguniang Kabataan. Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin naman ang paghahanda ng Commission on Elections hangga't walang batas na magtatakda ng postponement. Maraming salamat, mga ka-Barangay!

CTTO: COMELEC

Mga Ka-Barangay! Yoohoo, dito ang tingin!

Narito na ang mga forms para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Elections.

I-scan lamang ang QR code para ma-download ang COC form ng nais mong posisyon.

Period of Filing Candidacy:
📆 September 28 to October 5, 2026

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official COMELEC website: https://www.comelec.gov.ph/?r=2026BSKE/Resolutions/com_res_11270


🎉💚 ISANG MALAKING PAGBATI, BARANGAY ZONE IV! 💚🎉Buong puso at buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang muli nating pag...
04/09/2026

🎉💚 ISANG MALAKING PAGBATI, BARANGAY ZONE IV! 💚🎉

Buong puso at buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang muli nating pagkakasama sa GREEN BANNER SEAL OF COMPLIANCE AWARD sa MELLPI 2025 at ang pagkilala bilang HAPAG BEST IMPLEMENTER 2025! 🏆✨

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa isang programa o grupo—ito ay tagumpay ng buong Barangay Zone IV. Patunay ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan, patuloy nating naipapatupad ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa ikabubuti ng bawat pamilya at kabarangay.

Maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa ating Barangay Nutrition Council (BNC), sa pangunguna ni Punong Barangay Alexander Geneveo , katuwang si Kagawad on Health Ian Mark Mendoza , at ang lahat ng bumubuo ng ating Barangay Council.

Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating masisipag at dedikadong BNS, Ester Dizon at Mildred Loria Pb , sa kanilang walang sawang paglilingkod at buong pusong pagtupad sa kanilang tungkulin. Maraming salamat din sa ating mga BHW, Mhaann Feererr at Michelle Agape Torres Javier , sa kanilang patuloy na malasakit at pakikiisa sa pangangalaga sa kalusugan ng ating komunidad. Maraming salamat po sa Dasmariñas City Nutrition Unit sa parangal at recognition na ito

Higit sa lahat, maraming salamat sa bawat KABARANGAY na patuloy na nakikiisa, sumusuporta, at nakikibahagi sa mga programa ng ating barangay. Ang tagumpay na ito ay para sa ating lahat! 💚

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa at malasakit para sa isang mas malusog, mas masigla, at mas maunlad na Barangay Zone IV.

Muli, congratulations at mabuhay ang Barangay Zone IV! 🎉🏆💚

03/09/2026
ANUNSYO:Kung Sino nmn po ang  nakakaaalam o kilala ang may ari ng susing ito mang yari lng po na magtungo sa BARANGAY ZO...
03/09/2026

ANUNSYO:

Kung Sino nmn po ang nakakaaalam o kilala ang may ari ng susing ito mang yari lng po na magtungo sa BARANGAY ZONE IV salamat po.

@topfans

FYI
02/09/2026

FYI

📣 ANUNSYO PUBLIKO

Nagbibigay po ang aming tanggapan ng libreng dental service para sa pagbunot ng ngipin mula 6years old pataas.

📌 Mahalagang Paalala:
Walk-in Client po ang aming tinatanggap para sa dental check-up.

Schedule: Monday-Friday (8am-5pm)

Kailangan munang ma-assess ng aming Dentist ang kondisyon ng inyong ngipin bago kayo ma-schedule para sa pagbunot.

Narito po ang mga Barangay na maaring magtungo sa aming facility para sa Dental Services:

📍Burol Main
📍Langkaan 1 & 2
📍Sabang
📍Salitran 1, 2, 3, & 4
📍San Agustin 1, 2, & 3
📍Sampaloc 1, 2, 3, 4, & 5
📍San Jose
📍Zone 1A
📍Zone 1, 2, 3, & 4
📍Salawag
📍Paliparan 1, 2, & 3

Para naman sa mga hindi nakatira sa mga Barangay na nabanggit, maari po kayong makipag-ugnayan sa Dental Department ng Pagamutan ng Dasmariñas.

REQUIREMENTS

For Adult
1. Voter's ID
- Kung wala po, maari po kayong kumuha ng Voter's List sa inyong Barangay (original & photocopy)
2. Karagdagang Government Issued ID (original & photocopy)

For Minor
1. Voter's ID ng magulang
-Kung wala po, maari po kayong kumuha ng Voter's List sa inyong Barangay (original & photocopy)
2. Birth Certificate (photocopy)
3. Authorization letter kung hindi kasama ang magulang (original)
4. Karagdagang Government Issued ID ng magulang o guardian (original & photocopy)

Regular Operation: Monday to Friday, 8:00 AM to 5:00 PM
Sarado po kami tuwing Saturday, Sunday at Holiday.

📍 CHO-1 Address: D. Mangubat St., Brgy. Zone II (Dasma-Bayan)
📍 Landmark: Malapit sa Dasca Cable Main Office at Alcantara Subdivision



01/09/2026

Ang inyong sobrang gatas ay makakatulong sa mga sanggol na nangangailangan.
Magmessage sa amin para sa gustong magdonate o kung kayo ay may katanungan.

Congratulations to our Congresswoman Jennifer Mayor Jenny Austria-Barzaga 🥳🎊🎉
30/08/2026

Congratulations to our Congresswoman Jennifer Mayor Jenny Austria-Barzaga 🥳🎊🎉

magandang umaga!!Tuloy po ang ating dental mission libreng bunot! nandito po kami sa DASMARINAS ELEMENTARY SCHOOL -DES s...
30/08/2026

magandang umaga!!

Tuloy po ang ating dental mission libreng bunot! nandito po kami sa DASMARINAS ELEMENTARY SCHOOL -DES sa harap ng Immaculate xonception parish church

pumunta na po kayo cut off until 2pm

29/08/2026

PABATID:

Ang voting para sa special election ay extended hanggang 5:00pm ngayong araw na ito.

maraming salamat po at magingat po

Pabatid :Bilang pagpapahalaga at priyoridad sa ating mga Senior Citizens, PWD at mga buntis mas maaga ng botohan para sa...
28/08/2026

Pabatid :

Bilang pagpapahalaga at priyoridad sa ating mga Senior Citizens, PWD at mga buntis mas maaga ng botohan para sa kanila sa darating August 29, 2026 para sa representante sa Kongreso ng ika 4 na distrito ng Lungsod ng Dasmariñas Cavite ay magsisimula ng 5:00 hanggang 7:00 ng umaga.
Samantala ang regular na botohan para karamihan ay magsisimula ng 7:00 ng Umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ang LAHAT ay pinayapuhan na bumoto at gumanap sa karapatang mamili ng lider ng ating siyudad ng Dasmariñas. Sa mga botante tayo po ay may piling lugar na malapit sa Dasmariñas Elementary School para ano mang katanungan hinggil sa precint number, lokasyon at ano mang tulong na maaari po maibigay ay magtungo lamang sa ating help desk na nakalocate sa near 7/11 beside old cityhall bukas sa Araw ng botohan. Mayroon pong mga mag aassist sa inyo.

At para Naman Po sa mga nais bumoto ngunit walang mapagiwanan ng kanilang mga anak ang Child Development Center o Iris daycare center ng Barangay ay BUKAS upang mapagiwanan ng inyong mga anak. Mangyaring mag dala lamang Po ng valid id para sa pagkakakilanlan at hanapin lamang po Ang BNS Ester Dizon at teacher Glo Infante Mantele

Pakitingnan na lamang Po sa ibaba Ang lokasyon ng mga precint ninyo

Address

Camerino Avenue Zone 4
Dasmariñas
4114

Telephone

+639625329726

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Zone IV Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Zone IV Public Information Office:

Shortcuts

Share

Category