Barangay Burol Tres B3B

Barangay Burol Tres B3B OFFICIAL PAGE OF BARANGAY BUROL III

🌸✨ SUCCESSFUL FLORES DE MAYO 2026 ✨🌸Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi, at sumuporta sa ...
30/05/2026

🌸✨ SUCCESSFUL FLORES DE MAYO 2026 ✨🌸
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi, at sumuporta sa ating matagumpay na pagdiriwang ng Flores De Mayo 2026.

Ang inyong oras, dedikasyon, at pakikiisa ang naging daan upang maging makabuluhan, masaya, at matagumpay ang ating programa. Mula sa ating mga kalahok, hurado, sponsors, volunteers, barangay officials, at sa lahat ng dumalo, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta.

Nawa'y patuloy nating mapanatili ang diwa ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahalan sa ating komunidad.
Muli, maraming salamat at mabuhay ang Barangay Burol III!
🌸💐🌷

Magandang balita po sa ating mga kabarangay!Sa kasalukuyan ay narito na po ang mga tauhan ng Meralco at nagsasagawa na n...
30/05/2026

Magandang balita po sa ating mga kabarangay!

Sa kasalukuyan ay narito na po ang mga tauhan ng Meralco at nagsasagawa na ng kaukulang aksyon upang matugunan ang problema sa kuryente sa ating lugar.

Maraming salamat po sa inyong mahabang pasensya at pang-unawa habang hinihintay ang pagdating ng kanilang mga personnel.

Patuloy po nating ipagdasal na agad na maibalik sa normal ang serbisyo ng kuryente sa lalong madaling panahon.
Muli, maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

29/05/2026

Muli po kaming nagsagawa ng follow up sa Meralco kaugnay ng problema sa kuryente sa ating lugar. Sa kasalukuyan ay pinag-aantay pa rin po tayo ng kanilang aksyon at wala rin po kaming ibang magagawa kundi ang patuloy na makipag-ugnayan at mag follow up upang maayos ito sa lalong madaling panahon.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at mahabang pasensya sa abalang dulot nito. Makakaasa po kayo na patuloy naming mino-monitor at ipinapaabot sa Meralco ang hinaing ng ating mga kabarangay.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon.

29/05/2026
Muling nakipag-ugnayan at nag follow up ang ating Barangay Burol III kaugnay sa problema sa kuryente na naranasan ng ati...
29/05/2026

Muling nakipag-ugnayan at nag follow up ang ating Barangay Burol III kaugnay sa problema sa kuryente na naranasan ng ating mga kabarangay kagabi.

Noong May 28, 2026 bandang 11:48 PM, agad pong nai-report ng ating barangay ang insidente sa Meralco. Napuntahan naman po ito kagabi ng kanilang personnel, subalit hindi agad naisagawa ang pagkukumpuni dahil kinakailangan pa umano ng pagpapalit ng ilang materyales.

Ngayong umaga, May 29, 2026, muli pong nagsagawa ng follow up ang ating barangay upang agarang matugunan ang reklamo at maibalik ang maayos na serbisyo ng kuryente sa ating lugar.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa abalang dulot ng pagkawala ng kuryente.

Nais po naming ipaunawa na ang ganitong sitwasyon ay wala na po sa saklaw ng kakayahan ng ating barangay at tanging Meralco lamang ang may awtoridad at kakayahang magsagawa ng kinakailangang pagkukumpuni.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

29/05/2026

📢 ANNOUNCEMENT MGA KABARANGAY! 📚🎒

Ang pamimigay ng SCHOOL SUPPLIES ay gaganapin bukas, May 30, 2026, simula 7:00 AM.

📌 Paalala: ✔️ Dalhin po ang inyong stub upang makakuha ng school supplies. ✔️ Mahigpit pong ipatutupad ang isang set lamang bawat stub. ✔️ Sumunod sa maayos na pila.

Maraming salamat po at nawa’y makatulong ito sa paghahanda ng ating mga kabataan para sa nalalapit na pasukan. ❤️

26/05/2026

📢 MAGANDANG ARAW MGA KABARANGAY! 📚✏️

Ang pamimigay ng STUB para sa school supplies ay magsisimula bukas ng 8:00 AM.
⏰ First come, first serve basis po tayo hanggang may available na stub supplies.

📌 Paalala: ✔️ Pakidala po ang SCHOOL ID ng mga bata bilang requirement.
✔️ Isang stub lamang po bawat household upang mas marami po tayong mabigyan at makinabang.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. ❤️
Sama-sama nating suportahan ang edukasyon ng ating mga kabataan! 🎒📖

ANNOUNCEMENT FROM DASMARIÑAS WATER DISTRICT
24/05/2026

ANNOUNCEMENT FROM DASMARIÑAS WATER DISTRICT

Address

Burol 3
Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Burol Tres B3B posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share