17/08/2026
📢 Work at Class Adjustments sa Cavite sa darating na August 18, 2026 (Tuesday)
Batay sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Office of the President ngayong August 17, 2026, ang Cavite ay kabilang sa mga lugar na sakop ng direktiba dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at Heavy Rainfall Warnings ng PAGASA.
🏢 PARA SA GOVERNMENT OFFICES
Sa August 18, 2026, ang mga government offices sa Cavite ay inaatasang magpatupad ng appropriate alternative work arrangements.
Gayunpaman, ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services ay kinakailangang magpatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo.
🏫 PARA SA MGA PAARALAN
Para naman sa mga public at private schools sa Cavite, WALANG PASOK pero ipatutupad ang alternative learning modes para sa lahat ng antas.
Samantala, ang suspension of work o alternative work arrangements sa private sector ay nasa discretion ng management.
Patuloy nating unahin ang kaligtasan ng bawat Caviteño. Manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng inyong LGU at PAGASA.
💙 Mag-ingat po tayong lahat!