08/11/2025
PAALALA SA MGA TAGA-SALITRAN IV
Mag-ingat po tayong lahat habang dumadaan ang bagyo sa ating bansa. Narito ang ilang simpleng hakbang para sa kaligtasan ng bawat pamilya:
✅ Siguraduhing nakasara at matibay ang mga bintana at pintuan.
I-secure din ang mga yero o anumang maaaring liparin ng malakas na hangin.
✅Ihanda ang mga emergency supplies.
Tulad ng flashlight, baterya, kandila, gamot, tubig, at pagkain na hindi madaling masira.
✅I-charge ang cellphone at powerbank habang may kuryente pa.
✅Ilagay sa mataas na lugar ang mga gamit kung posibleng bahain ang inyong lugar.
✅I-secure din ang inyong mga alagang hayop at huwag silang pabayaan sa labas.
✅ Tumulong at mag-abiso sa mga kapitbahay, lalo na sa mga senior citizens at PWDs na nangangailangan ng tulong sa pag-iimpake o pag-likas.
✅ Makinig sa opisyal na anunsyo ng LGU o barangay.
Huwag maniwala agad sa mga tsismis o hindi beripikadong balita.
✅ Manatiling kalmado at magdasal.
Sama-sama nating malalampasan ang unos na ito.