12/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐
๐งโ๐คโ๐ง๐๐ก
Noong ika-09 ng Hunyo 2026, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang Capacity Building Seminar sa Socioeconomic Building AVR, na pinangunahan ng City Health Office katuwang ang Adolescent Health and Development Program (AHDP) Coordinators mula sa Provincial Health Office (PHO) at CHD IV-A CALABARZON. Ito ay may temang โ๐๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ๐๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก: ๐๐๐๐, ๐๐๐ฉ๐ข๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐๐ญ๐๐ฌ,โ na layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga frontliners sa pagtugon sa lumalalang isyung pangkalusugan ng kabataan.
Dinaluhan ang nasabing seminar ng mga Barangay Nurses, Midwives, Department of Health Human Resource for Health (DOH-HRH) Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at kinatawan mula sa Local Youth Development Officeโmga pangunahing katuwang sa pagpapatupad ng adolescent-responsive health services sa komunidad.
Nagbigay inspirasyon din sa programa sina SPM Dr. Kevin Tapawan, Chairman ng Committee on Health and Sanitation, at si Sir Jedrick Narvaez, SK Federation President, na kapwa nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang tugunan ang kasalukuyang hamon sa kalusugan ng kabataan.
Sa daloy ng seminar, tinalakay ni Ms. Lyra Equipaje, Health Education and Promotion Officer at AHDP Focal Person, ang ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐
๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ญ๐ฎ๐๐ฒ (๐๐๐
๐โisang mahalagang batayan ng mga datos ukol sa kalagayan ng kabataan sa bansa. Ibinahagi ang mga kritikal na isyu tulad ng pagtaas ng kaso ng STI/HIV, teenage pregnancies, at mga suliranin sa mental health, na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mas angkop at epektibong programa para sa adolescent population. Kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang recording at reporting bilang pundasyon ng evidence-based interventions. Tinalakay rin ang pinagsamang polisiya at mga interbensyon ng DOH at Commission on Population and Development (CPD) bilang gabay sa mas pinalakas na pagtugon sa mga isyu ng kabataan. Bukod dito, ibinahagi ang short-film na โ๐๐๐๐๐๐๐๐โ bilang isang makabuluhang material para sa information dissemination na maaaring gamitin sa mga Teen Symposium at iba pang youth-centered activities upang mas epektibong maipaabot sa mga health workers at kabataan ang mahahalagang usapin sa adolescent health.
Sinundan ito ni Dr. Zyril Surtido, CHO Doctor, na nagbigay ng komprehensibong ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง at ang mahalagang papel nito sa holistic na pag-unlad at proteksyon ng kabataan.
Ibinahagi naman ni Mr. Randy Figueras, TEENDIG Nurse ng Provincial DOH Office ang ๐๐๐ฉ๐ข๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ assessmentโisang mahalagang tool sa pag-unawa sa psychosocial status ng mga kabataanโkasabay ng presentasyon ng mga accomplishments ng ๐๐๐๐๐๐ข๐ facility sa pagbibigay ng adolescent-friendly services. Natutunan ng mga dumalo kung paano ang initial na screening at counselling para sa mga kabataan at referral pathyway sa bawat kaso.
Samantala, ipinaliwanag ni Dr. Eunice De Sagun, AHDP Program Coordinator at CHO I OIC ang ๐๐๐๐ ๐จ ๐๐๐ฒ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ, na naglalayong magbigay ng agarang suporta at interbensyon sa mga kabataang nangangailangan ng mas masusing gabay at pangangalaga sa tamang standards ng programang ito.
Dagdag pa rito, tinalakay ni Ms. Marie Grace Dalmacio, Assistant AHDP Program Coordinator ng Provincial
Health Office (PHO), ang proseso ng ๐๐๐ญ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ๐๐๐ง๐ญ-๐
๐ซ๐ข๐๐ง๐๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐
๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ (AFHF) upang masigurong ligtas, accessible, at tumutugon sa pangangailangan ng kabataan ang mga health facilities. Katuwang pa rin natin mula din sa PHO sina Ms. Christine Perey ng Child Health Cluster at Mr. Dominic Carl Macalalag, AHDP Program Coordinator, na nagbigay-linaw sa ๐๐๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฎ๐ข๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐
๐๐
โisang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kalidad, standard, at sustainability ng serbisyong pangkabataan.
Sa kabuuan, ang capacity building na ito ay nagsilbing isang mahalagang hakbang tungo sa mas pinalakas at mas handang health workforce. Sa pamamagitan ng datos, kaalaman, at kolaborasyon, mas napagtitibay ang layunin na maprotektahan at mapaunlad ang kalusugan ng kabataanโpara sa isang mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito para sa mga kabataan. Patuloy lamang tayo sa pagsusulong ng kalusugan para sa lahat lalong-lalo na ang mga kabataan.