31/08/2026
📢 WALANG PASOK | SEPTEMBER 01, 2026 | MARTES
BOBONOY ELEMENTARY SCHOOL
📍 Bobonot, Dasol, Pangasinan
Alinsunod sa DepEd Order No. 14, Series of 2026, at bilang pakikiayon sa Municipality of Dasol Executive Order No. 71, Series of 2026 at Malacañang Memorandum Circular No. 133, suspendido ang face-to-face classes ngayong September 01, 2026 (Martes) dahil sa patuloy na masamang panahon dulot ng Southwest Monsoon (HABAGAT) na pinalalakas ng Tropical Depression PILANDOK. 🌧️🌪️
📚 ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM) OF LEARNING
Sa kabila ng suspensiyon ng face-to-face classes, magpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng angkop na Alternative Delivery Modes gaya ng printed modules, online learning, at iba pang learning resources, ayon sa gabay ng paaralan.
⚠️ MGA PAALALA: 🔸 Unahin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at pamilya.
🔸 Iwasan ang hindi kinakailangang paglalakbay at pagpunta sa mga delikadong lugar.
🔸 Mag-ingat sa pagbaha, malakas na ulan, at posibleng landslide.
🔸 Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan, DepEd, at LGU.
🔸 Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga learning activities habang nasa bahay.
🔸 Manatiling alerto at maging handa sa anumang pagbabago ng sitwasyon.
💛 HINAY (Ease In)
Learning continues… even beyond the classroom! 📚✨
Kaligtasan muna. Mag-ingat tayong lahat! 🙏💛