26/01/2024
Hindi po kami basta AHENTE LAMANG..βΊοΈ
βοΈ SUPERMAN - nagiging superman kasi nililipad namin kung saan ang location na ittripping ng kliyente. One call away.
βοΈ ENGINEER - nagiging engineer bigla kakasukat ng lupa lalo na ang frontage. Kahit hakbang hakbang yan okay na. May dalang metro na akala mo talaga e geodetic.
βοΈ LAWYER - sinasagot namin lahat ng tanong na may kinalaman sa lupa, legal process at legal advice na akala mo talaga e abogado.
βοΈ PHOTOGRAPHER - picture dito picture dun, may point zero five effect pang nalalaman.
βοΈ VIDEOGRAPHER- bidyo dito bidyo dun kahit blurred ayos na.
βοΈ WRITER/EDITOR - Lahat ng detalye ng lupa nilagay na sa caption ng binebenta kahit wrong spelling with matching initial pa ng pangalan ng ahente at smiley sa dulo.
βοΈ CASHIER - taga bilang ng bayad ng buyer, may bantay sa tabi taga double check kung may binulsa, binarat na nga may trust issue pa..π
βοΈ CUSTOMER SERVICE- Tagasagot sa mga issue and concern ng clients about sa property.
βοΈ TEACHER - lahat sila, maam at sir ang tawag sa amin.
βοΈ FAMOUS - RD, Capitolyo, munisipyo, Brgy at Cenro kilala na kami kakakuha ng verification Docs para sa client.
βοΈ LENDING COMPANY - akala nila rich kid kami, mayaβt maya may nagmemessage ng pautang ate, pautang mare..
βοΈ KUYA KIM- kailangan alam namin kung kelan ang tag ulan, tag tuyot at bagyo. Kasi pag namali, galit si client na akala mo e control namin ang weather.
βοΈ MAPA - isa kaming mapang gumagalaw kakagoogle ng location.
βοΈ ANNOUNCER - inaanounce sa peysbuk yung kapwa ahente na bypasser.
βοΈ ZOMBIE - di natutulog kakareply sa client, tapos di bibili. π
Just for fun lang po. We are all giving an excellent service to all our dear clients, bibili man sya or hindi, we are all trying our best.
Salute to all Real Estate Agents!π
CTTO