20/07/2026
๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ (๐๐๐๐ฌ) ๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐จ ๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ
Matagumpay na naisagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office XI sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang Gender and Development (GAD) Training para sa mga Indigenous Peoples Organizations (IPOs) sa rehiyon noong Hulyo 16โ17, 2026. Ang naturang pagsasanay ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Davao City, na nagsilbing resource institution sa nasabing aktibidad.
Dinaluhan ang pagsasanay ng mga Tribal Leaders, mga kinatawan ng kababaihan, kalalakihan, at kabataan mula sa iba't ibang Indigenous Peoples Organizations (IPOs). Sa loob ng dalawang araw, tinalakay ni Sir. Emmanual N. Crismas, RSW ang mga pangunahing konsepto ng Gender and Development (GAD).
โDako na tabang na mapasabot sa amua, specially to our Elders para mahimong Gender responsive ang atung services.โ โ Remealyn Tatad Lubos na nagpapasalamat ang Department of Agriculture Regional Field Office XI โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng Gender and Development (GAD) Training.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang comment section.