Manong Pulong Duterte

Manong Pulong Duterte This Fan Page was created for Davao City 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte's activities. Pulong Duterte News (Rep. Paolo Duterte)

31/08/2026

Ayon sa aming mga tweety birds, isang government agency na may mga isyung kinakaharap sa integridad ng pamumuno ang nag-utos sa Investigation Division for Public Corruption na imbestigahan ang aming mga ari-arian.

Excuse me, Mr. Matibay. Huwag ninyo kaming itulad sa mga amo ninyong nuknukan ng korap.
Ano ba ang tingin ninyo sa mga bahay namin? Nasa Forbes Park? Corinthians? Valle Verde?

Kung trabaho ang gusto ninyong gawin, gawin ninyo nang maayos at patas para magkaroon naman ng dahilan ang publiko na maniwala sa inyo.

At kung talagang nagka-case build-up kayo laban sa amin, walang problema. Pero siguraduhin ninyong meron din kayo laban sa mga sangkot sa flood control controversy—kasama ang amo ninyo.

Kung hindi, mahirap hindi isipin na isa na naman itong desperation move para gipitin ang aming pamilya.

At tandaan ninyo ang sinabi ni Inday:
“Di puwedeng walang managot.”

Pero kung mananagot, dapat lahat. Hindi iyong pipili lang kayo ng iimbestigahan habang pinoprotektahan ang mga tunay na dapat managot.

At sa mga nag-aakalang madadaan sa pananakot, harassment o political persecution ang lahat, hindi kami matatakot.

Yan ang mahirap sa mga spoiled brats na takot mawalan ng kapangyarihan at takot sa halalan—kapag nararamdaman nilang nawawala ang kontrol, ginagawa ang lahat para manakot at mangipit.

And for your information mga dodong, wa pa mo supply sa drugs naa na na akong balay natukod. Loslos ninyo, nangliki naman gani pareha sa inyong utok.

Kung gusto ninyo ng kaso, siguraduhin ninyong ebidensya—hindi pulitika—ang basehan.

At sino papanagutin mo sa flood control corruption sa distrito niyo? Davao rin? Duterte rin? Mr. matibay katabi mo matulog kongresista dyan di ba?

Today, we honor the men and women who gave their lives, courage, and sacrifices for the freedom we enjoy today.Our heroe...
31/08/2026

Today, we honor the men and women who gave their lives, courage, and sacrifices for the freedom we enjoy today.

Our heroes of the past fought with courage when our country needed them most. They stood against oppression, defended our dignity, and believed in a Philippines that future generations could call their own.

But heroism did not end with them.

Today, our modern-day heroes continue to carry that spirit. Our OFWs leave their families and homeland to work abroad, making sacrifices so their loved ones can have better lives. Our teachers, soldiers, police officers, health workers, farmers, workers, volunteers, and countless ordinary Filipinos who serve others also embody the same courage and patriotism.

And there are heroes still waiting to be recognized—the young Filipinos of today who will become the leaders, workers, educators, innovators, and reformers of tomorrow.

They are our future heroes.

Their challenge is not necessarily to fight the same battles our ancestors fought. Their challenge is to continue the unfinished work of building a nation where freedom is protected, dignity is respected, and every Filipino has the opportunity to live a better life.

The fight for freedom continues in every generation.

May we never forget the sacrifices of those who came before us. May we honor our modern-day heroes by supporting and respecting their sacrifices. And may we inspire our young people to carry forward the values our heroes fought for.

Freedom was their legacy. Protecting it is our responsibility. Passing it on is our duty to the next generation.

Happy National Heroes Day to all Filipinos—past, present, and future heroes of our beloved Philippines.

Mabuhay ang mga bayaning ating bayan.
Mabuhay ang Pilipinas!

Boying Remulla, bago ninyo ideklara na Davao City ang “epicenter” ng flood control corruption noong Duterte administrati...
25/08/2026

Boying Remulla, bago ninyo ideklara na Davao City ang “epicenter” ng flood control corruption noong Duterte administration, baka puwedeng silipin muna ninyo ang mismong records ng DPWH.

Nang maupo ako bilang Congressman ng 1st District of Davao City noong 2019, DPWH XI furnished me a copy of its list of completed projects covering 2020–2022. I have my copy.

Kung wala kayo, sabihin ninyo at padadalhan ko kayo. Para pareho tayong may binabasang dokumento bago magbitiw ng mabibigat na akusasyon.

At kung imbestigahan niyo ang Davao dapat hindi lang during my term po ha, 2019 lang po ako naupo na congressman sa aming lugar. Long before I became congressman, Nograles po ang congressman sa aming distrito.

Kung seryoso tayo sa paghahanap ng katotohanan, walang dapat piliing taon, pangalan, partido, o administrasyon. Kung may anomalya, imbestigahan. Kung may ebidensya, ilabas. Pero huwag gawing shortcut ang political narrative para makabuo ng konklusyon.

Malaki pa rin ang tiwala ko sa Ombudsman bilang bantay ng kaban ng bayan. Hindi lang naman kayo ang Ombudsman. Naniniwala akong marami pa ring opisyal at empleyado diyan na may malasakit, integridad, at konsensya para sa bayan.

Kaya sana, Jesus Crispin Remulla, huwag sana tayong pa dalos dalos sa pag bitiw ng mga salita at baka ikasisira lang ito sa kredibilidad ng institusyon lalu na at nasa pag iimbestiga pa lang kayo na stage. Ang Ombudsman ay dapat naghahanap ng katotohanan—not convenient villains.

At kung Davao ang tinutukoy ninyong “epicenter,” then show us the complete records. Lahat ng taon. Lahat ng proyekto. Lahat ng pangalan. Walang pili. Walang exempted.

Kumusta na pala yung imbestigasyon nyo sa trilyon pisong flood control corruption mula 2023 hanggang kasalukuyan? May listahan din ba sila ng nakumpletong mga infra projects tulad ng sa Davao City 1st District?

And speaking of baha, parang ilang linggo na yata ang baha sa ibat-ibang bahagi nga Luzon na hindi pa rin humuhupa, mukhang mas malubha pa yata ang mga yan kesa sa flood control epicenter na bansag niyo sa mahal kong Dabaw.


19/08/2026

Atty. Kapunan, tama na ang pagiging Maritess ng impeachment.

Huwag nating gamitin ang isang malagim na trahedya para pilit na isingit ang luma at gasgas mong anti-Duterte narrative.

Ang nangyari sa Ateneo de Zamboanga ay isang krimen na kailangang imbestigahan at panagutin ang mga responsable—not another episode ng impeachment propaganda.

At tungkol sa impeachment, alam naman ng taumbayan kung sino ang ilang buwan nang puro press conference, puro dada, at puro narrative. Parang teleserye na matagal nang na-cancel pero pilit pa ring naghahanap ng bagong season.

Kung may ebidensiya, ilabas. Kung may kaso, patunayan. Pero kung puro salita lang, baka panahon na para tanggapin na laos na ang Maritess narrative at hindi na kailangang piliting maging relevant.

Trabaho ng abogado ang maglatag ng ebidensiya. Hindi maghanap ng bagong tsismis kada may trahedya.

At tungkol naman sa panibagong script mula sa Akbayan na “kung gusto ni Sara ng speedy trial, show up.”

Simple lang ang sagot—speedy trial does not mean speedy surrender to a predetermined narrative.

Ang impeachment, kagaya ng mga ordinaryong kaso, ay ang paglalatag ng mga ebidensya na naaayon sa complaint o depensa ng mga partido. Alam ng bawat abogado na hindi kailangan ang araw-araw na presensya ng ating VP sa impeachment trial unless kung gusto niyo lang siyang ipahiya.

Kung gusto nilang marinig ang depensa, hayaan natin na gawin ng mga abogado ni VP ang trabaho nila.

Hindi porke’t hindi siya nakaupo sa hearing room ay maaari nang sabihing umiiwas siya sa accountability.

Ang mahalaga ay ang ebidensiya, ang due process, at ang patas na pagdinig.

Pagtarong mo diha kay pasagad ra mog yawit.

16/08/2026

Happy Kadayawan! 🤙
16/08/2026

Happy Kadayawan! 🤙

14/08/2026

Nagulat pala kayo? Nagulat nga din kami nung nalaman namin na marami pala substandard projects sa lugar niyo,totoo kaya ito? Nagtatanong ang taumbayan.



(CTTO: Tamby Alberca)

07/08/2026

Happy Kadayawan! 🤙

05/08/2026

Hoy Tarriela...kung nag-aral ka ba naman nang mabuti sa PMA, alam mo sigurong may tinatawag tayong diplomatic channels.

Hindi lahat ng usapin sa pagitan ng mga bansa ay dinadaan sa media interviews at sound bites. May diplomacy. May statecraft. May tamang paraan ng pagprotekta sa pambansang interes.

Ang sinabi kong huwag i-demonize ang China ay hindi ibig sabihin niyan na kinakampihan ko ang China o isinusuko ang ating soberanya sa West Philippine Sea.

Magkaibang bagay ang pagiging matatag at ang pagiging padalos-dalos.

Kaya ang tanong ko sa'yo Tarriela, bakit parang mas interesado kang gumawa ng sarili mong interpretasyon kaysa sagutin ang tunay kong sinabi?

Huwag mong isipin na ang pinakamalakas sumigaw ang siyang pinakamakabayan. Hindi rin sukatan ng patriotismo ang paulit-ulit na pagpapainit ng sitwasyon kung ang maaaring magsakripisyo ay ang ating mga sundalo, Coast Guard, at mga mangingisdang Pilipino.

Ang tunay na serbisyo sa bayan ay hindi paramihan ng headline o viral na pahayag. Ang tunay na serbisyo ay ang pagprotekta sa interes ng Pilipinas—sa pamamagitan ng tapang, talino, at diplomasya.

Ito mahirap sa ibang taga gobyerno, nakakalimutan na ang kanilang mga trabaho. Kelan ba naging trabaho ng Coast Guard ang makialam sa foreign relations? Gawin niyo ang inyung trabaho at bantayan ang ating mga karagatan, yan lang alalahanin niyo.

Huwag kayong magpagamit dahil lang sa pulitika,wala kayong pakialam dito.

KUMUSTA ANG MONTHLY AYUDA NATO NGA 10M? Huwag mag-alala, kukwestyunin rin yan balang araw.

Para Bansa..Para sa Tao. Para sa Mamamayan.   👊
04/08/2026

Para Bansa..Para sa Tao. Para sa Mamamayan. 👊

Address

Davao City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manong Pulong Duterte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share