01/06/2026
|| Dumalo ang 25 kalahok sa Accredited Safety Dispenser (ASD) Training na isinagawa ng FPA Davao Region noong Mayo 20โ21, 2026 sa Don Marcelino, Davao de Oro.
Tinalakay sa pagsasanay ang tamang pag-iimbak ng abono, ligtas at responsableng paggamit ng pestisidyo, soil health, at mga paunang lunas sa pagkalason. Ipinaliwanag din ang Drones4Rice Program at FPA Memorandum Circular No. 25 kaugnay sa regulasyon ng drone spray operations.
Sa mga ganitong pagsasanay, patuloy na pinalalawak ng FPA Davao Region ang tamang kaalaman at kamalayan sa ligtas at responsableng paggamit ng abono at pestisidyo sa rehiyon.