19/06/2026
๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐จ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐๐๐ข๐๐ , ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ง ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฎ๐ช๐ข๐ช๐ฎ๐ช๐ ๐ค ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃโ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐.
๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ 43๐ฟ๐ฑ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ฒ๐ป๐!
Sa gitna ng lumalalang krisis na patuloy na dinaranas ng mamamayang Pilipino, hindi kailanman hiwalay ang laban ng mga estudyante sa laban ng bayan. Habang pinipiga ng bulok na sistema ang kabataan sa pamamagitan ng kakulangan sa suporta, patuloy na pagtaas ng gastusin, at pagsikil sa mga karapatan, nananatiling hamon ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isang Iskolar ng Bayan.
Hindi malaya ang isang bansang patuloy na ginagapos ng interes ng iilan. Makikita ito sa bawat sektor na pinagkakaitan ng tunay na serbisyo, sa ekonomiyang nagsisilbi sa makapangyarihan, at sa pamahalaang inuuna ang kontrol kaysa kapakanan ng mamamayan. Sa loob mismo ng pamantasan, ramdam ang represyon--mula sa presensya ng militar sa akademikong espasyo, panggigipit sa mga kritikal na boses, hanggang sa patuloy na banta ng red-tagging laban sa mga nagsusulong ng karapatan at katotohanan.
Sa ganitong panahon, kailangan natin ng Student Regent na hindi uurong sa harap ng panunupil. Kailangan natin ng lider na hindi lamang kumakatawan sa pangalan, kung hindi tunay na magiging boses ng sangka-estudyantehan. Kailangan natin ng isang mapangahas na lider.
Kaya buong pusong sinusuportahan ng Liga si ๐๐๐ง๐ค๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ฏโisang lider-estudyante, komunikador, artista, at anti-imperyalista. Isang kasama na hindi natutong manahimik sa harap ng inhustisya, bagkus ay patuloy na kumikilos upang hamunin ang mga istrukturang matagal nang alipin at tuta na siya ring nagpapahirap sa estudyante at sa masa.
Sa kaniyang paninindigan bilang bahagi ng ๐๐๐๐๐ช๐ ๐ค๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ - ๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ค, ipinakita ni Heroine ang pamumunong nakaugat sa kolektibong pagkilos. Sa ilalim ng kaniyang mga inisyatiba at pakikibaka, naiangat ang mga usapin ng sangka-estudyantehanโmula sa panawagan laban sa militarisasyon sa pamantasan hanggang sa pagsusulong ng akademikong kalayaan at karapatan ng mga Iskolar ng Bayan.
Maalala ring sa kaniyang termino bilang bahagi ng ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐พ๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ก, naiangat sa House of Representatives ang usapin hinggil sa presensya ng 11th RCDG sa loob ng pamantasanโisang patunay ng kaniyang kakayahang dalhin ang panawagan ng mga estudyante sa mas malawak na espasyo.
Ngunit ang kaniyang paglilingkod ay hindi nagtapos sa isang posisyon o termino. Nananatili siyang kasama ng mga estudyante at ng sambayanan. Dahil para kay Heroine, ang liderato ay pananagutan. Patuloy pa rin siyang nakikita sa mga talakayan, nakikibahagi sa kapwa estudyante, at nakikinig sa hinaing ng masa.
Sa pagpili ng susunod na Student Regent, piliin natin ang lider na may tapang humarap sa mga hamon, may paninindigang labanan ang represyon, at may pusong hindi nakakalimot kung sino ang tunay na pinaglilingkuran.
๐ฟ๐๐ฉ๐ค ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐ช๐จ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ข๐๐จ๐.
๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐-๐๐ง๐๐ก, ๐ข๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ค๐, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ ๐.
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐, ๐๐ฉ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐ช๐จ๐ช๐ ๐ก๐๐ข ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฎ๐๐ก๐๐จ๐ข๐คโ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ง๐ค๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค!
!