06/07/2026
🏐 INTER-COLOR VOLLEYBALL TOURNAMENT 2026 🏐
Handa na ba ang inyong kulay na ipaglaban ang karangalan? 💪🔥
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Barangay Linggo ng Kabataan 2026, inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay New Casay na lumahok sa ating “Inter-Color Volleyball Tournament”!
📌 Dalawang Kategorya:
👨 Men's Division
👩 Women's Division
📍 Registration Date - Ngayong Araw hanggang August 02, 2026.
📌 MECHANICS
🏐 Residente ng Barangay New Casay (min. of 6 months). Naka follow sa SK page.
🏐 Ang lahat ng kalahok ay kailangang magpalista sa opisina ng SK. Kung saan bubuohin ang kani-kanilang Inter-Color Teams para sa Men's at Women's Category.
🏐 Ang mga koponan sa bawat kategorya ay hahatiin sa pamamagitan ng official draw.
🏐 Gagamitin ang Round Robin Format, kung saan ang bawat team ay makakaharap ang lahat ng koponan sa kanilang bracket.
🏐 Best of 31 points para sa Elimination Round. Best of 3 sets naman para sa Best 4 at Fighting for Bronze. Best of 5 sets naman para sa Fighting for Gold.
🏐 Ang mga koponang may pinakamagandang win-loss record ang mag-aadvance sa susunod na yugto ng kompetisyon hanggang sa Championship.
📌 STANDARD RULE
✅ Susundin ang Official FIVB Volleyball Rules, maliban kung may house rules na ipatutupad ng Tournament Committee.
✅ 7 players bawat grupo
✅ 6 players lamang ang maaaring nasa loob ng court sa bawat laro.
✅ Walang limitasyon sa edad ng mga kalahok.
✅ Ang referee at Tournament Committee ang may pinal na desisyon sa lahat ng usapin sa loob ng laro.
✅ Ang anumang unsportsmanlike conduct, pananakit, o paggamit ng hindi angkop na pananalita ay maaaring magresulta sa sanction, ejection, o disqualification.
✅ Inaasahan ang lahat ng koponan na dumating bago ang nakatakdang oras ng kanilang laban. Ang hindi pagdalo o labis na pagkaantala ay maaaring magresulta sa default o forfeiture.
🎉 WALANG ENTRANCE FEE!
🏆 Ang mga kampeon sa bawat kategorya ay mag-uuwi ng CASH PRIZE AT PLAQUE!
Magtipon ng inyong kulay, bumuo ng matatag na koponan, at ipakita ang husay, disiplina, at sportsmanship sa loob ng court. Sama-sama nating gawing mas masigla at makabuluhan ang pagdiriwang ng “Barangay Linggo ng Kabataan 2026”!