Land Transportation Office Region XI

Land Transportation Office Region XI The official page of LTO Region XI (Davao)

15/08/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐€๐†๐€๐ƒ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐Š ๐€๐“ ๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Œ๐๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐’๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐๐€๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐•๐„๐‡๐ˆ๐‚๐‹๐„ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‚๐Ž๐”๐๐“๐„๐‘๐…๐‹๐Ž๐– ๐€๐“ ๐“๐‘๐€๐…๐…๐ˆ๐‚ ๐Ž๐๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐’๐€ ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng Show Cause Order at kautusan para sa pagsibak at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa isang itinalagang drayber ng ahensya matapos kumalat sa social media ang video na nagpapakita ng paglabag nito sa batas-trapiko habang nagmamaneho ng sasakyan ng LTO sa Santiago City, Isabela.

Batay sa paunang pagsusuri sa viral video, makikitang ang naturang sasakyan ay pumasok sa maling direksyon ng kalsada, na nagresulta sa counterflow at nakaabala sa daloy ng trapiko sa labas ng XentroMall sa Santiago City, Isabela noong Agosto 12, 2026.

Agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakalinalan ng itinalagang drayber ng sasakyan na pagmamay-ari ng ahensya.

Nang matukoy ang pagkakakilanlan ng drayber, naglabas ang ahensya ng SCO at inatasan itong humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng kanyang paliwanag, kasama ang mga kinakailangang dokumento, upang ipaliwanag ang paglabag sa Obstruction of Traffic sa ilalim at Disregarding Traffic.

Sinisiyasat din ng LTO kung may sapat na batayan upang siya ay mapanagot dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle pati na rin sa iba pang posibleng pananagutan na matutukoy sa imbestigasyon.

Bilang bahagi ng umuugong na imbestigasyon, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang lisensya ng itinalagang drayber. Inatasan ding isuko ang kanyang lisensya sa IID para mailagay sa alarm status habang nagpapatuloy ang kaso.

โ€œPinasisibak ko ang nasabing drayber at inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya. Walang sinuman ang higit sa batas, kabilang ang ating mga sariling tauhanโ€, ani Chief Lacanilao.

Tinitiyak ng ahensya na pantay para sa lahat ang pagpapatupad ng batas-trapiko at hindi nito kukunsintihin ang anumang paglabag, lalo na mula sa sarili nitong mga tauhan.



https://www.facebook.com/share/v/1BTvB8CAx9/

14/08/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐€๐†๐€๐‘๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐๐€๐Š ๐€๐“ ๐๐€๐†๐’๐€๐Œ๐๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐’๐Ž ๐’๐€ ๐„๐Œ๐๐‹๐„๐˜๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐๐€๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐”๐๐ƒ๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐Š๐‹๐ˆ๐’๐“๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐๐ƒ๐€๐”๐„, ๐‚๐„๐๐”

Bilang bahagi ng kampanya ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, laban sa anumang uri ng iregularidad at paglabag na kinasasangkutan ng mga tauhan ng ahensya, ipinag-utos ang agarang pagsibak at paghahain ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang deputized agent matapos masangkot sa insidente sa Mandaue City, Cebu noong Agosto 12, 2026, na kinasangkutan ng isang siklista.

Batay sa paunang impormasyon, nasagi ng sasakyan ng ahensya ang biktima habang nakasakay ito sa bisikleta. Naganap ang insidente habang pabalik sa tanggapan ang deputized agent matapos magsagawa ng roadside inspection sa lugar.

Agad namang ipinag-utos ni Asec. Lacanilao sa LTO Region VII ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari, kabilang ang eksaktong pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan at kung may naganap na kapabayaan, reckless driving, o iba pang paglabag sa umiiral na batas at mga patakaran.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, sinuri ang CCTV footage sa lugar. Lumalabas sa paunang pagsusuri na dalawang bisikleta muna ang nagkaroon ng banggaan bago napunta o naitulak ang biktima sa daraanan ng paparating na sasakyan. Patuloy ang pagsusuri sa footage upang matukoy ang eksaktong posisyon at galaw ng mga sangkot bago, habang, at matapos ang insidente.

Kasunod nito, naglabas ang LTO Region VII ng SCO laban sa deputized agent kaugnay ng posibleng pananagutan sa Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Bilang agarang hakbang habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, preventively suspended sa loob ng 90 araw ang driverโ€™s license ng deputized agent, epektibo agad matapos matanggap ang kautusan. Inatasan din siyang humarap sa Operations Division ng LTO Region VII sa Agosto 17, 2026 at magsumite ng sinumpaang salaysay, kasama ang mga kaukulang dokumento at ebidensya.

Samantala, relieved from duty din ang sangkot na enforcer habang nagpapatuloy ang administrative investigation.

โ€œHindi porke empleyado ng LTO, exempted na sa batas. Kapag may paglabag, mananagot, walang palakasan, walang pagtatakip,โ€ pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang kampanya nito laban sa anumang uri ng iregularidad, kabilang ang mga paglabag na kinasasangkutan ng mga tauhan ng ahensya. Malinaw ang paninindigan ng ahensya, walang sinuman ang higit sa batas, at ang sinumang mapatunayang lumabag ay haharap sa kaukulang pananagutan.



https://www.facebook.com/share/v/1duH65ZaEf/

14/08/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐€๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐€๐“ ๐๐„๐†๐Ž๐’๐˜๐€๐๐“๐„๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐’๐”๐๐„๐‘๐‚๐€๐‘ ๐๐€ ๐†๐”๐Œ๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐๐„๐Š๐„๐๐† ๐๐‹๐€๐Š๐€; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ-๐ˆ๐Œ๐๐Ž๐”๐๐ƒ

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng isang supercar matapos matukoy na gumagamit ito ng pekeng plaka habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada.

Sa isinagawang beripikasyon ng LTO, natukoy na ang plate number na ginagamit ng naturang sasakyan ay may ibang alphanumeric combination kumpara sa orihinal na motor vehicle license plate number na nakatalaga rito. Kaugnay nito, inatasan ang rehistradong may-ari at itinalagang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng beripikado o sinumpaang paliwanag kaugnay ng posibleng paglabag sa Use of Number Plates, gayundin upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang lisensya dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driverโ€™s license ng itinalagang drayber at inatasang isuko ito sa IID. Ang naturang supercar ay inilagay rin sa alarm status, at inatasan ang Law Enforcement Service (LES) na ipatupad ang pag-impound sa nasabing sasakyan.

โ€œWalang VIP sa pagpapatupad ng batas. Kahit sino pa ang sangkot, kapag napatunayang lumabag, haharap sa kaukulang pananagutan. Hindi magdadalawang-isip ang LTO na kumilos laban sa sinumang lalabag sa ating mga patakaran. Walang palakasan, walang palusot, at walang exemption. Ang paggamit ng pekeng plaka at pag-iwas sa mga obligasyong dapat tuparin ay hindi pinapalampas ng LTO,โ€ pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista at rehistradong may-ari na tiyaking lehitimo ang kanilang mga dokumento, plaka, at rehistrasyon at tuparin ang lahat ng kaukulang obligasyon bago gamitin ang kanilang mga sasakyan sa pampublikong kalsada. Hindi magiging dahilan ang katayuan, pangalan, o halaga ng sasakyan upang makaiwas sa pagpapatupad ng mga patakaran. Tinitiyak ng LTO na mahigpit nitong susuriin at aaksyunan ang mga paglabag upang mapanatili ang integridad ng sistema ng pagpaparehistro ng mga sasakyan at mapanagot ang sinumang mapatutunayang lumabag.



https://www.facebook.com/share/v/195Zquw5jK/

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: 15 FIXERS, NADAKIP SA MATAGUMPAY NA ENTRAPMENT OPERATION NG LTO; KAMPANYA LABAN SA FIXING, PINAIIGTINGSa pagpap...
12/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: 15 FIXERS, NADAKIP SA MATAGUMPAY NA ENTRAPMENT OPERATION NG LTO; KAMPANYA LABAN SA FIXING, PINAIIGTING

Sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, labinlimang (15) fixers ang arestado sa isinagawang entrapment operation ng ahensya.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng LTO na pinangunahan nina Ret. PBGen Allan C. Nobleza, Director ng Law Enforcement Service (LES), at Ret. PBGen Celso L. Bael, katuwang ang mga enforcer ng LES, Kamuning Police Station 10 sa pangunguna ni Station Commander Lt. Col. Aljun Belista, Quezon City District Police Office, at Philippine Coast Guard (PCG).

Kasabay nito, nagsagawa rin ng clearing operation ang Quezon City Department of Public Order and Safety at LTO sa paligid ng compound upang maalis ang mga walang permit na side vendors na maaaring mag-alok ng ilegal na serbisyo o magsilbing fixer sa mga kliyente ng ahensya.

Matapos makalap at maproseso ang kinakailangang impormasyon, ang mga nahuling fixer ay dadalhin sa Kamuning Police Station 10 para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng LTO na sugpuin ang pamemeke, panlilinlang, at iba pang ilegal na gawain ng mga fixer, at matiyak na ang lahat ng transaksyon sa ahensya ay isinasagawa nang maayos, legal, at transparent.

Hindi bibigyan ng LTO ng puwang ang mga fixer at anumang ilegal na transaksyon. Tinitiyak ng ahensya na pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot at patuloy na paiigtingin ang mga operasyon upang maprotektahan ang publiko at mapanatili ang malinis, mabilis, at tapat na serbisyo.



https://web.facebook.com/share/p/1HQzUXLZh1/

๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ ๐—›๐—˜๐—˜๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ: ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ฆ ๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐Ÿ“ ๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” | ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฑโ€“๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ซ๐—œ...
12/08/2026

๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ ๐—›๐—˜๐—˜๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ: ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ฆ ๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜

๐Ÿ“ ๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” | ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฑโ€“๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ซ๐—œ ๐—ถ๐˜€ ๐—ต๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—น ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒโ€”๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐˜† ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—บ๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ.

During the recently concluded ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€โ€™ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ on August 5โ€“7, 2026, LTO XI reaffirmed its commitment to transforming public service through ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ผ๐˜ƒ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ, ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐˜๐˜†.

The active participation of ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—ง๐—ง๐—ฌ. ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—›๐—”๐—˜๐—Ÿ ๐—ฉ. ๐—ฅ๐—ข๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ข and ๐—ข๐—œ๐—– ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—๐—ข๐—˜๐—Ÿ ๐—ง. ๐— ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ฌ๐—” underscored LTO XIโ€™s continuing drive to make government service more accessible, efficient, and meaningful to every community it serves.

๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—”๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก.

At the Conference, LTO XI showcased its major accomplishments and milestone initiatives, particularly the successful establishment and operationalization of new Extension Offices that bring essential LTO services nearer to the people:

๐Ÿ“ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ โ€” Davao City
๐Ÿ“ ๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ž ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ โ€” LGU Laak, Davao de Oro
๐Ÿ“ ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ โ€” LGU Bansalan, Davao del Sur

These milestones were made possible through the ๐—ณ๐˜‚๐—น๐—น ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—จ๐—ฆ ๐—ฉ. ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ข and Executive Director, Atty. Martin P. Ontog, whose leadership continues to champion accessible, efficient, transparent, and road-safety-centered public service.

๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฌ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฆ.

Soon to be inaugurated and operationalized are:

๐Ÿ“ ๐—•๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š๐—” ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ โ€” LGU Baganga, Davao Oriental
๐Ÿ“ ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ก ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ โ€” LGU Lupon, Davao Oriental
๐Ÿ“ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ง๐—จ๐—ž๐—”๐—ก ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ โ€” LGU Pantukan, Davao de Oro

These are more than additional offices. They are ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒโ€”bringing government closer to motorists, drivers, families, businesses, Indigenous Peoples, and communities in geographically isolated and underserved areas.

๐—•๐—จ๐—ง ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ ๐—œ๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ง ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ง ๐—”๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ.

LTO XI is bringing services beyond office walls and into communities through its flagship initiatives:

๐Ÿšฆ ๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ข๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต & ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€

A road safety advocacy partnership with PLGUs, CLGUs, and MLGUs addressing unregistered motor vehiclesโ€”particularly motorcyclesโ€”and unlicensed drivers in far-flung, underserved barangays, GIDA, and IP communities.

๐ŸŽ“ ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜ ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜
๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฐ๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—™๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€

A road safety advocacy partnership with learning institutions, private colleges, and state universitiesโ€”empowering future educators to become champions of responsible road use and road safety.

๐Ÿ›ฃ๏ธ ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐——๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง
๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—บ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€โ€™ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜

A road safety advocacy partnership bringing together government agencies, the private sector, organized communities, and commercial establishments to provide more accessible and responsive assistance to drivers.

๐—ง๐—›๐—˜๐—ฆ๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐— ๐—ข๐—ฅ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง๐—ฆ.

๐—ง๐—›๐—˜๐—ฌ ๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—œ๐—ก๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ.

They represent a fundamental shift in how government servesโ€”๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐˜๐—ผ ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ด๐—ผ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ.

These initiatives embody LTO XIโ€™s commitment to responsive governanceโ€”reaching communities where people live, learn, work, and move, while strengthening road safety, accountability, accessibility, and public trust.

This direction is aligned with the call of ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—™๐—˜๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—— ๐—ฅ. ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐—๐—ฅ., through ๐——๐—ข๐—ง๐—ฟ ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—š๐—œ๐—ข๐—ฉ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ ๐—ญ. ๐—Ÿ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ญ and ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—–๐—›๐—œ๐—˜๐—™ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—จ๐—ฆ ๐—ฉ. ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ข, to bring government services closer to the Filipino people while advancing safer, more accessible, accountable, and responsive public service.

LTO XI expresses its ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ธ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ to ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—จ๐—ฆ ๐—ฉ. ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ข for his unwavering support and exemplary leadership that continues to inspire innovation, collaboration, and a stronger culture of service.

๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—™๐—”๐—ฅ๐—ง๐—›๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌโ€”๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ ๐—œ๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—š.

๐—ก๐—ข๐—ง ๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜โ€”๐—•๐—จ๐—ง ๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—ช๐—›๐—˜๐—ฅ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—˜๐—œ๐—ฅ ๐—ก๐—˜๐—˜๐——๐—ฆ ๐—”๐—ฅ๐—˜.

๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ.
๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐——๐—ฆ.
๐—–๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ข ๐—™๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—ก๐—— ๐— ๐—ข๐—ฅ๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜.

๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ: ๐—›๐—˜๐—˜๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ, ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ช๐—›๐—˜๐—ฅ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—˜, ๐—”๐—ก๐—— ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ช๐—›๐—˜๐—ฅ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐——๐—ฆ.













๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ & ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—™๐—ข ๐—ซ๐—œ: ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š๐—ง๐—›๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ, ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—ข๐—ข๐——, ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—š๐—› ๐—ฃ.๐—”.๐—ฆ.๐—”.๐——.๐—”. !๐——๐—”๐—ฉ๐—”๐—ข ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ | ๐Ÿญ๐Ÿญ ...
12/08/2026

๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ซ๐—œ & ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—™๐—ข ๐—ซ๐—œ: ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š๐—ง๐—›๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ, ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—ข๐—ข๐——, ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—š๐—› ๐—ฃ.๐—”.๐—ฆ.๐—”.๐——.๐—”. !

๐——๐—”๐—ฉ๐—”๐—ข ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ | ๐Ÿญ๐Ÿญ ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€” The Land Transportation Office Region XI (LTO XI) and the Department of Social Welfare and Development Field Office XI (DSWD XI - Davao Region) took another significant step toward stronger inter-agency convergence through a ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด focused on advancing the proposed partnership under the ๐—ฃ.๐—”.๐—ฆ.๐—”.๐——.๐—”. ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ โ€” ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—บ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€โ€™ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜.

The collaboration was pursued with the support and leadership of newly installed DSWD Field Office XI Regional Director ๐——๐—œ๐—ฅ. ๐—•๐—˜๐—ก๐—–๐—›๐—œ๐—˜ ๐—•. ๐—š๐—ข๐—ก๐—ญ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ, ๐—–๐—˜๐—ฆ๐—˜, represented during the forum by:

๐Ÿ”น ๐—š๐—˜๐— ๐— ๐—” ๐——. ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—–๐—ฅ๐—จ๐—ญ โ€” SWO V, Promotive Division Chief

๐Ÿ”นMELISSA S. EULATIC, โ€” PDO II

๐Ÿ”น ๐——๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐— . ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—” โ€” Program Coordinator, Sustainable Livelihood Program

๐Ÿ”น ๐—˜๐—ก๐—š๐—ฅ. ๐—ฆ๐—›๐—”๐—œ๐—ฅ๐—” ๐—”. ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—–-๐—š๐—จ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก, ๐—–๐—˜ โ€” Partnership Officer, Sustainable Livelihood Program

Representing LTO XI were:

๐Ÿ”น ๐—”๐—ง๐—ง๐—ฌ. ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—›๐—”๐—˜๐—Ÿ ๐—ฉ. ๐—ฅ๐—ข๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ข โ€” Regional Director

๐Ÿ”น ๐—๐—ข๐—˜๐—Ÿ ๐—ง. ๐— ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ฌ๐—” โ€” OIC, Assistant Regional Director

๐Ÿ”น ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—จ ๐—ฃ. ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—–๐—”, ๐—–๐—ฃ๐—” โ€” Chief, Administrative Division

๐Ÿ”น ๐—”๐—ง๐—ง๐—ฌ. ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—Ÿ๐—ข๐—จ๐—ฅ๐——๐—˜๐—ฆ ๐— . ๐—Ÿ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—”, ๐—Ÿ๐—ฃ๐—ง, ๐—–๐—ฃ๐—” โ€” Legal Officer

๐Ÿ”น ๐—ข๐—ฆ๐—–๐—”๐—ฅ ๐——๐—ข๐—ก ๐—ญ๐—”๐— ๐—ข๐—ฅ๐—” โ€” District Head, Davao City North District Office

๐—ฃ.๐—”.๐—ฆ.๐—”.๐——.๐—”. ๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ.

It is about bringing essential government services closer to drivers, motorcycle riders, tricycle operators, and other qualified beneficiariesโ€”particularly those who face financial, geographic, or accessibility barriers.

Through the proposed partnership, LTO XI will bring its core frontline services closer to the communities through:

๐Ÿญ. ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฒ (๐—ง๐——๐—–)

๐Ÿฎ. ๐—œ๐˜€๐˜€๐˜‚๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐˜

๐Ÿฏ. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ผ๐—ณ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ

๐Ÿฐ. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐—ฐ๐—น๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—–๐—”๐—ฃ๐—”๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—ฌ.

During the collaboration forum, both agencies ๐—บ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—น๐˜† ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐˜„๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฑ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐——๐—ฟ๐—ฎ๐—ณ๐˜ ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—บ ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ (๐— ๐—ข๐—”), ensuring that the proposed provisions, responsibilities, processes, and interventions are aligned with the respective mandates, policies, and operational capacities of both LTO XI and DSWD FO XI.

This careful review underscores a shared commitment: ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—ต๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—ฏ๐˜‚๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น, ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ, ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ-๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ.

The forthcoming ๐— ๐—ข๐—” ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† will be conducted ๐˜€๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜, marking the formalization of this strengthened partnership and paving the way for the implementation of concrete, accessible, and meaningful interventions for qualified beneficiaries.

๐—”๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—›๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ฃ.๐—”.๐—ฆ.๐—”.๐——.๐—”. ๐—œ๐—ฆ ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—–๐—œ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜:

A driver who gains the opportunity to become properly licensed is safer on the road.

A livelihood vehicle that becomes compliant contributes to safer communities.

A family whose livelihood is protected gains greater stability.

And a community where road safety and social protection converge becomes stronger and more resilient.

๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐——๐—”, ๐—ช๐—˜ ๐—ฆ๐—˜๐—˜ ๐—” ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ข๐—ก.
๐—•๐—˜๐—›๐—œ๐—ก๐—— ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ข๐—ก, ๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ๐—˜ ๐—œ๐—ฆ ๐—” ๐—™๐—”๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ.
๐—”๐—ก๐—— ๐—•๐—˜๐—›๐—œ๐—ก๐—— ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ ๐—™๐—”๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ, ๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ๐—˜ ๐—œ๐—ฆ ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—ข๐—ข๐—— ๐—ช๐—˜ ๐— ๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—›๐—˜๐—Ÿ๐—ฃ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—–๐—ง.

This is the convergence we envision.

This is the partnership we are building.

This is P.A.S.A.D.A.โ€”where road safety meets social protection, compliance meets opportunity, and government service meets the people where they need it most.

๐—ข๐—ก๐—˜ ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก. ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ. ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—œ๐—ง๐— ๐—˜๐—ก๐—ง.
๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐——๐—ฆ. ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—ข๐—ข๐——๐—ฆ. ๐—•๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜.










๐Ÿšจ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐ŸšจMatapos ang isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) Intelligence and Investiga...
11/08/2026

๐Ÿšจ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) Intelligence and Investigation Division (IID), napagdesisyunan ang perpetual revocation ng driverโ€™s license ng pick-up drayber at lifetime ban sa pagkuha ng anumang uri ng driverโ€™s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Bukod dito, napatunayang lumabag ang drayber sa Reckless Driving at Duty of Driver in Case of Accident kaugnay ng insidenteng nakuhanan sa viral video, kung saan nasagasaan at nahila ng naturang sasakyan ang isang batang naglalaro sa loob ng parking area ng isang establisyimento.

Samantala, nanatiling naka-alarm status ang naturang sasakyan alinsunod sa inilabas na Show Cause Order (SCO).

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagpapatupad ng batas laban sa mga driver na nagdudulot ng panganib sa buhay at kaligtasan ng publiko. Sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, titiyakin ng ahensya na mananagot ang mga mapatutunayang lumabag at mapananatili ang kaligtasan at kaayusan sa lansangan.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa unang aksyon ng LTO kaugnay ng insidente, maaaring basahin ang naunang post sa link sa ibaba:

https://www.facebook.com/share/p/1BhWuDnmr5/?mibextid=wwXIfr



https://www.facebook.com/share/p/19Hv6Vu8fB/

๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐† ๐๐ˆ๐‚๐Š-๐”๐ ๐๐€ ๐”๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐’ ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐Œ๐€๐Š๐€๐’๐€๐†๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐“๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐Š๐ˆ๐๐† ๐€๐‘๐„๐€, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐‹๐“๐Ž; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Bilang bahagi ng agarang pagtugon sa mga insidenteng naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko, naglabas ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang driver ng isang Pick-Up na naitalang nakasagasa ng isang batang naglalaro sa loob ng parking area ng isang establisyimento.

Batay sa CCTV footage na nakarating sa ahensya, ang naturang sasakyan ay makikitang pumasok sa parking area at nasagasaan ang batang nakahiga habang naglalaro. Matapos ang insidente, bumaba ang driver, binuhat ang bata at inilagay sa gilid ng lugar bago umalis sa pinangyarihan nang hindi tinitiyak na nabigyan ito ng kinakailangang tulong at hindi rin iniulat ang insidente sa mga kinauukulang awtoridad.

Dahil dito, pinahaharap ng LTO ang rehistradong may-ari at itinalagang driver sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Agosto 10, 2026, at inaatasang magsumite ng beripikado o sinumpaang paliwanag, kalakip ang mga dokumentong magpapatunay sa kanilang mga pahayag, kung bakit hindi sila dapat managot sa mga posibleng paglabag sa Republic Act No. 4136, kabilang ang Reckless Driving, Failure to Perform the Duty of a Driver in Case of Accident, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Ang mga paglabag na ito ay maaaring magresulta sa pagsuspinde o pagbawi ng driver's license ng driver.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng sangkot na driver. Inilagay na rin sa alarm status ang Pick-Up upang matiyak ang pananagutan ng mga sangkot habang dinidinig ang kaso.

"Ang bawat motorista ay may pananagutang unahin ang kaligtasan ng kapwa at kumilos nang naaayon sa batas, lalo na kapag may nangyaring aksidente. Hindi maaaring balewalain ang tungkuling ito. Titiyakin ng LTO na ang sinumang mapatutunayang lumabag ay mananagot sa ilalim ng batas," pahayag ni Asec. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na ang responsableng pagmamaneho ay hindi lamang pag-iwas sa aksidente, kundi pati ang paggawa ng tamang hakbang kapag may nasagasaan o may nasaktan. Mahalagang unahin ang kaligtasan ng kapwa at gampanan ang tungkulin ng bawat driver alinsunod sa batas. Hinikayat din ng LTO ang publiko na patuloy na iulat ang mga paglabag sa batas-trapiko sa pamamagitan ng opisyal na page na Ireport mo kay LTO Chief at sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang agad na maaksyunan ang mga ito at mapanagot ang mga responsable.

#

11/08/2026

๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐๐† ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‡๐ˆ๐“-๐€๐๐ƒ-๐‘๐”๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐‹๐“๐Ž; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at itinalagang driver ng isang sasakyang sangkot sa isang hit-and-run incident matapos makabundol ng tumatawid sa pedestrian lane at tumakas ang naturang sasakyan mula sa lugar.

Batay sa video na nakarating sa tanggapan ng LTO at iniulat sa programang โ€œUnang Rondaโ€ ng GMA News, makikita ang biktima na tumatawid sa pedestrian lane nang mabundol ng naturang sasakyan. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima nang ilang metro at nagtamo ng pisikal na pinsala. Matapos ang insidente, hindi umano huminto ang sasakyan at sa halip ay nagpatuloy sa pag-alis sa lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO, inatasan ang rehistradong may-ari at itinalagang driver na humarap sa IID at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay o paliwanag kaugnay ng Reckless Driving, Duty of Driver in Case of Accident, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Kasabay nito, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driverโ€™s license ng itinalagang driver, habang ang sangkot na sasakyan ay inilagay sa alarm status habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

โ€œAng bawat motorista ay may pananagutan na maging maingat at responsable sa paggamit ng kalsada. Higit sa lahat, may tungkulin ang bawat driver na tumugon nang maayos at umako ng responsibilidad kapag may nangyaring insidente. Ang kaligtasan ng bawat gumagamit ng kalsada ang dapat laging manaig, at hindi dapat talikuran ang pananagutang kaakibat ng pagmamaneho,โ€ pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pag-iingat, at pananagutan sa bawat pagkakataon habang nasa kalsada. Anuman ang sitwasyon, mahalagang isaalang-alang ang kaligtasan ng kapwa motorista, pasahero, pedestrian, at iba pang gumagamit ng lansangan. Tiniyak ng LTO na mahigpit nitong ipatutupad ang mga batas at regulasyon at magsasagawa ng kaukulang aksyon laban sa sinumang mapatutunayang lumabag. Sa pamamagitan ng responsableng pagmamaneho at pagsunod sa batas, maiiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian.



https://www.facebook.com/share/v/1bdgjU1UHj/

11/08/2026

๐’๐„๐ƒ๐€๐ ๐๐€ ๐๐€๐†๐Œ๐€๐๐ˆ๐Ž๐๐‘๐€ ๐€๐“ ๐๐€๐†-๐‚๐Ž๐”๐๐“๐„๐‘๐…๐‹๐Ž๐– ๐’๐€ ๐„๐—๐๐‘๐„๐’๐’๐–๐€๐˜, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐‹๐“๐Ž; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na naglabas ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber at rehistradong may-ari ng isang sedan na nakuhanan sa video na bahagyang huminto bago biglang umatras at nag-counterflow patungo sa kabilang lane ng South Luzon Expressway (SLEX), nang hindi gumagamit ng wastong signal.

Batay sa viral video na ibinahagi sa page na "Camote Club PH (CCP)," makikitang ang naturang sedan ay bumibiyahe sa ikalawang lane ng expressway patungo sa direksyon ng Alabang-Zapote Road nang bigla itong umatras at nagmaniobra pakanan. Sa naturang pagmamaniobra, tumawid ito sa solid white line at nag-counterflow bago nagpatuloy patungo sa direksyon ng Calamba at SLEX, nang hindi nagbibigay ng wastong signal sa pagliko o pagbabago ng direksyon.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng drayber at rehistradong may-ari ng sedan.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ang pagkakakilanlan ng drayber at rehistradong may-ari ng sasakyan, na naging batayan sa paghahain ng SCO laban sa kanila. Inaatasan ang drayber at rehistradong may-ari ng sedan na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa itinakdang pagdinig, upang magsumite ng mga kinakailangang dokumento at sinumpaang salaysay, at ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga iniuugnay na paglabag na Reckless Driving at Signals on Starting, Stopping or Turning.

Samantala, inaatasan ang drayber na ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o tuluyang bawiin ang kanyang driverโ€™s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon. Iniatas din ang agarang pagsuko ng driver's license ng drayber, na sasailalim sa 90-day preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Inalarma na rin sa rekord ng LTO ang dalawang sasakyang nakarehistro sa pangalan ng sangkot na rehistradong may-ari upang hindi makapagproseso ng anumang transaksyon, kabilang ang pagpaparehistro at pagre-renew ng rehistro, hanggang sa tuluyang maresolba ang kasong kinahaharap.

โ€œWalang lugar sa ating mga kalsada ang mapanganib at iresponsableng pagmamaneho. Ang pag-counterflow, pagtawid sa solid white line, at pagmamaniobra nang walang wastong signal ay hindi lamang paglabag sa batas, kundi isang seryosong banta sa buhay at kaligtasan ng ibang motorista,โ€ pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagpapatupad ng mga batas-trapiko laban sa mga motorista na nagsasagawa ng mapanganib na pagmamaniobra at naglalagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng ibang road users. Tinitiyak ng LTO na ang bawat insidente ay agad na iimbestigahan at ang sinumang mapatunayang lumabag ay haharap sa kaukulang pananagutan alinsunod sa batas.



https://www.facebook.com/share/v/14jxkh5xtPH/

๐Ÿšจ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐ŸšจMatapos ang isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) Intelligence and Investiga...
10/08/2026

๐Ÿšจ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) Intelligence and Investigation Division (IID), napagdesisyunan ang pagpataw ng perpetual revocation sa driverโ€™s license ng taxi driver at lifetime ban sa pagkuha ng anumang uri ng driverโ€™s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Bukod dito, napatunayang lumabag ang driver sa Overcharging of Fare laban sa isang dayuhang pasahero.

Patuloy na kikilos ang LTO laban sa mga nagsasamantala sa mga pasahero upang maprotektahan ang publiko at matiyak ang ligtas at maayos na serbisyo sa transportasyon.

Samantala, nananatiling naka-impound at naka-alarm status ang nasabing sasakyan alinsunod sa inilabas na Show Cause Order (SCO).

Para sa karagdagang detalye tungkol sa unang aksyon ng LTO kaugnay ng insidente, maaaring basahin ang naunang post sa link sa ibaba: https://www.facebook.com/share/p/1K4C9rkJXV/



https://www.facebook.com/share/p/19Qxd18QBi/

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐€๐†๐€๐‘๐€๐๐† ๐๐€๐†-๐ˆ๐’๐˜๐” ๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐‡๐”๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐’๐‚๐€๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐๐€ ๐“๐€๐—๐ˆ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Agad na naglabas ang Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber at rehistradong may-ari ng isang taxi kaugnay ng reklamong labis na paniningil ng pamasahe sa isang dayuhang pasahero.

Batay sa viral na post sa page na "MY RIDE PH," sinubukan umano ng taxi driver na singilin ng โ‚ฑ2,000 ang dayuhang pasahero para sa biyahe mula sa airport hanggang sa kanyang destinasyon.

Dahil dito, agad na inatasan ni Asec. Lacanilao ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng drayber at ng rehistradong may-ari ng nasabing taxi.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ang pagkakakilanlan ng drayber at ng rehistradong may-ari ng taxi na sangkot sa insidente. Lumabas sa beripikasyon na expired na ang rehistro ng sasakyan. Bukod dito, napag-alaman din na ang drayber ay may mga nakabinbin pang kasong administratibo kaugnay ng iba pang paglabag sa mga umiiral na batas at regulasyon sa trapiko.

Inatasan ang taxi drayber at ang rehistradong may-ari ng sasakyan na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay at paliwanag kaugnay ng mga kasong Compulsory Registration of Motor Vehicles at Overcharging. Inaatasan din silang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng kaukulang parusa, kabilang ang tuluyang pagbawi ng driver's license ng drayber dahil sa paglabag na Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, inatasan din ng LTO ang agarang pagsuko ng driver's license ng sangkot na drayber, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension, habang ang taxi ay inilagay sa alarm status. Inatasan din ang lahat ng LTO law enforcement officers at deputized law enforcement officers na i-impound ang sasakyan sakaling ito ay maabutan sa operasyon dahil sa expired nitong rehistro.

"Hindi lamang panlilinlang sa mga pasahero ang overcharging, kundi isang paglapastangan sa tiwala ng publiko at sa integridad ng ating pampublikong transportasyon. Sisiguraduhin kong mananagot ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas,โ€ ani Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO na patuloy itong magsasagawa ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga drayber at operator na nananamantala sa mga pasahero. Hinikayat din ang publiko na agad iulat ang anumang paglabag upang matiyak na ang mga responsable ay mapapanagot at mapatawan ng kaukulang administratibong parusa alinsunod sa umiiral na batas.

Address

Quimpo Boulevard, Barangay 40-D
Davao City
8000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639189260903

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Land Transportation Office Region XI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Land Transportation Office Region XI:

Shortcuts

Share