01/06/2026
๐ฒ๐ฐ๐ญ ๐ป๐ฎ ๐ฐ๐ฃ๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ธ๐ถ๐น๐น๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ง๐ผ๐ฟ๐ถ๐น, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐๐ถ๐๐
Binigyang pugay ang 641 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa mga barangay ng Baracatan, Catigan, Atan-Awe, Sibulan, Binugao, at Tibuloy noong Mayo 29, 2026, sa Binugao Gym, Toril, Davao City, matapos nilang matagumpay na makumpleto ang Skills and Livelihood Training na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Romejames Marketing.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga benepisyaryo upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan at higit na maging handa sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.
Ibinahagi ng isa sa mga benepisyaryo ang kanyang pasasalamat sa naging benepisyo ng programa. Ayon kay Gemma Ambe ng Brgy. Atan-Awe, Toril District, Davao City: โIsip usa ka 4Ps beneficiary, dako kaayo kining tabang sa akoa. Sa una, dili pa ko makahimo ug produkto kay sige ra miโg palit, apan karon nakakat-on na ko ug paghimo ug mga produkto nga dili lamang para sa negosyo kundi para usab sa akong pamilya, isip paagi sa pagtabang sa kahimtang sa kinabuhi ug pagtipid sa adlaw-adlaw nga panginahanglan.โ
Patuloy namang pinalalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI, sa pamamagitan ng 4Ps, ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang katuwang na organisasyon upang mabigyan ang mga benepisyaryo ng mga oportunidad na makapagtaguyod ng mas matatag at maunlad na kinabukasan.