11/02/2026
Ako, Ikaw, Tayo โ Nagkakaisa laban sa Child Sexual Abuse. ๐ค
Nakikiisa ang Barangay Biao Joaquin sa Davao City Council for the Protection of Children (DCCPC) at ang Special Office for Childrenโs Concerns (SOCC) sa pagdiriwang ng 30th Child Sexual Abuse Awareness Week (CSAAW).
Pinagtitibay natin ang ating pangako na bumuo ng isang ligtas na komunidad kung saan ang bawat bata ay protektado laban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala. Panahon na upang basagin ang katahimikan, pakinggan ang ating mga anak, at palakasin ang ating mga hakbang para sa kanilang kaligtasan.
Ang seguridad ng mga bata ay responsibilidad nating lahat. Ang pag-uulat ng pang-aabuso ay isang mahalagang hakbang tungo sa paghilom at pagkamit ng hustisya. ๐