23/10/2026
๐๐๐๐๐ || ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐)
Sa bisa ng Executive Order (EO) No. 98, Series of 2002, โDeclaring the Available Lands of the Southern Philippines Development Authority (SPDA) as Socialized Housing Sites,โ na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Mayo 2, 2002, isinusulong ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kwalipikadong maralitang pamilya na magkaroon ng seguridad sa paninirahan at mas maayos na kalagayan sa buhay.
Lumahok ang ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐จ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ผ๐ผ๐ฟ โ ๐๐ถ๐ฒ๐น๐ฑ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ (๐ฃ๐๐จ๐ฃ-๐๐ข๐๐ ) sa isinagawang tatlong araw na pagpupulong ng Inter-Agency Committee (๐๐๐), alinsunod sa nasabing Executive Order. Ang IAC ay pinangungunahan ng ๐ฆ๐ผ๐๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ป ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ (๐ฆ๐ฃ๐๐), katuwang ang ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐จ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐๐ฆ๐จ๐). Kabilang din sa mga kinakailangang miyembro nito ang ๐ฃ๐๐จ๐ฃ, mga kinauukulang ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ฎ๐ป๐น ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ (๐๐๐จ๐), at mga ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒโ๐ ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ (๐ฃ๐ข๐) ๐ฎ๐ ๐ก๐ผ๐ป-๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ (๐ก๐๐ข๐).
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ng mga kinatawang ahensya ang mga hakbang upang maisagawa ang maayos at naaayon sa batas na disposisyon ng mga lupang pag-aari ng ๐ฆ๐ฃ๐๐ na itinalaga para sa socialized housing, lalo na ang mga lupang kasalukuyan nang tinitirhan ng mga pamilya. Bilang panimulang hakbang, binigyang-prayoridad ang tatlong lugar na nasa Bukidnon, sa Lungsod ng Don Carlos, Lungsod ng Maramag at Lungsod ng Alubijid, sa Misamis Oriental.
Binigyang-diin ng ๐ฃ๐๐จ๐ฃ ang kahalagahan ng mas pinaigting na Social Preparation, makabuluhang konsultasyon sa mga apektadong komunidad, at pagsunod sa mga umiiral na batas at patakaran upang mapangalagaan ang karapatan ng mga maralitang tagalungsod at maisulong ang seguridad sa paninirahan.
Matapos ang pagpupulong, nagsagawa rin ng aktuwal na pagbisita sa mga lugar ang mga kinatawan ng ๐๐๐ upang masuri ang kalagayan ng mga lupain at makipag-ugnayan sa mga kasalukuyang naninirahan dito. Layunin ng mga hakbang na ito na matukoy ang mga kinakailangang aksyon tungo sa maayos, makatarungan, at naaayon sa batas na disposisyon ng lupa, na may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong naninirahan na magkaroon ng seguridad sa paninirahan.
Mula sa koordinasyon tungo sa konkretong aksyon, patuloy ang ๐ฃ๐๐จ๐ฃ sa pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at seguridad sa paninirahan ng mga maralita.