13/01/2024
UKOL SA CHARTER CHANGE:
*Sa aking personal opinion ay dapat na talagang baguhin (Change) ang 1987 Phil. Constitution dahil maraming mga probisyon dito ang tadtad ng butas na pumapabor sa mga "TRAPO", mga oligarko, mga political dynasty, at mga nasa poder ng kapangyarihan ngayon.
*Need to revise and amend the 1987 Phil. Constitution, dahil:
(1) Ang concentration of political and economic powers ay nasa national government through Legislative or Congress, Executive or OP, at Judicial or SC);
(2) Dapat baguhin ang powers and mandate of ng mga Constitutional Bodies or Commissions gaya ng COMELEC, CHR, COA, gayundin ang mga Korte or Judicial Bodies and the Justice System;
(3) Dapat baguhin para ilagay na mismo sa Konstitusyon ang tuwiran at direktang pagbabawal sa political dynasty at hindi na kailangan pa ang enabling law tulad ng nakasaad ngayon sa Article II Sec 26;
(4) Dapat baguhin para mailagay na sa BILL OF RIGHTS ng Konstutisyon ang:
(a) civil and political rights including the freedom of information,
(b) social and economic rights, and
(c) ecological and environmental rights;
(5) Dapat ng baguhin ang mga economic provisions upang mailagay ang mga probisyon para "tapusin ang kahirapan", living wage, mabigat na parusa o kamatayan/death penalty sa gumagawa ng graft and corruption sa gubyerno, mga karumal-dumal na krimen, mga cartel at sindikatong kriminal;
(6) Dapat baguhin laluna sa usapin ng alokasyon ng pondo, tulad ng paglalagay ng automatic appropriation or allocations of funds sa mga regional and local governments para hindi na napo-politika ang mga LGU Officials ng mga Representatives and Senators;
(7) Dapat baguhin ang manners and conduct of elections, pati na mga sistema ukol sa political parties and partylists; at,
(8) Maraming iba pa na dapat baguhin.
Kaya generally, hindi tayo against sa pagbabago ng Konstitusyon.
Pero ang gusto nating Konstitusyon ay isang "Sagradong Konstitusyon" na magsisilbing "Covenant" sa pagitan ng taumbayan at mga nakaposisyon sa gubyerno. Isang Konstitusyong mag-aangat at magpapaunlad sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
Ngunit, tutol o laban tayo sa pagbabago ng Konstitusyon na pabor lang sa mga TRAPO, POLITICAL DYNASTY, mga OLIGARKO, pagmamay-ari at kontrol ng mga Dayuhang Negosyante sa mga lupain and vital industries, at iba pang probisyon na nagpapanatili ng bulok na sistema at nagbabaon sa kahirapan ng taumbayan at mamamayang Pilipino.
*** WE ARE FOR SYSTEM AND LEADERSHIP CHANGE!!!