Barangay Health Station Calaocan

Barangay Health Station Calaocan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Health Station Calaocan, Government Organization, Calaocan, Delfin Albano.

August 19,2026Nagsagawa ang ABKD Task Force (Aksyon Barangay Kontra Dengue) ng Barangay Calaocan ng Search and Destroy s...
19/08/2026

August 19,2026

Nagsagawa ang ABKD Task Force (Aksyon Barangay Kontra Dengue) ng Barangay Calaocan ng Search and Destroy sa mga bahay-bahay, sa pangunguna ni Punong Barangay Joy Curammeng. Ito ay bahagi ng ating agarang aksyon kontra dengue sa ating Barangay.

Paalala po sa lahat:
✔ Panatilihing malinis ang kapaligiran
✔ Itapon o takpan ang mga lalagyan na maaaring pamahayan ng lamok
✔ Linisin ang alulod, bakuran, at paligid ng bahay
✔ Ugaliing gumamit ng mosquito repellent, lalo na sa mga bata
✔ Agad magpatingin kapag may lagnat, pananakit ng katawan, at iba pang sintomas ng dengue

Ang kalinisan ay responsibilidad nating lahat.
Sama-sama tayong makikipaglaban sa dengue upang mapanatiling ligtas, malinis, at malusog ang ating komunidad! 💪🦟🌿

August 19,2026House-to-House MR SIA & Vitamin A Supplementation💉🏡💊Patuloy nating inaabot ang bawat bahay upang mabigyan ...
19/08/2026

August 19,2026

House-to-House MR SIA & Vitamin A Supplementation💉🏡💊

Patuloy nating inaabot ang bawat bahay upang mabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at rubella at masuportahan ang mga batang nangangailangan ng Vitamin A para sa kanilang kalusugan. ❤️👧👦

Serbisyong pangkalusugan, hanggang bahay! 🏠🫶
Walang batang maiiwan! 💪

08.13.2026 | MR SIA + VAS 2026💉 Isinagawa ngayong araw sa ating barangay ang Measles-Rubella Supplemental Immunization A...
13/08/2026

08.13.2026 | MR SIA + VAS 2026💉

Isinagawa ngayong araw sa ating barangay ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation.

Maraming salamat sa mga magulang at guardians na nakiisa at nagbigay ng proteksyon sa kalusugan ng kanilang mga anak.

📣 Mga magulang, tuloy-tuloy pa rin po ang bakunahan!
Huwag palampasin ang pagkakataon. Pabakunahan ang inyong mga anak laban sa Tigdas at Rubella at pabigyan sila ng Vitamin A para sa mas malakas na resistensiya, masiglang paglaki, at pangkalahatang kalusugan. 👧👦

📅 Campaign Period: Agosto 10–28, 2026
📍 Lugar: Health Center / Barangay Hall
📖 Dalhin: Child Health Record / Immunization Booklet
📢 NEXT SCHEDULE:
Mayroon pa po tayong susunod na schedule next week sa ating barangay.
🗓️ Abangan ang exact date — TBA.

Protektahan ang mga bata. Bakunahan sila! 💪🧡

💉💛 PARA SA NANAY AT TATAY: PROTEKSYON NG ANAK, UNAHIN! 👶✨Isang bakuna, dagdag na proteksyon. Isang Vitamin A, dagdag-ala...
10/08/2026

💉💛 PARA SA NANAY AT TATAY: PROTEKSYON NG ANAK, UNAHIN! 👶✨

Isang bakuna, dagdag na proteksyon. Isang Vitamin A, dagdag-alaga sa kalusugan! 💙

Mga Nanay at Tatay, huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan at maalagaan ang inyong mga anak. 🥰

📢 LIBRENG MR VACCINATION + VITAMIN A SUPPLEMENTATION!

👶 Para sa mga batang 6–59 buwan
💉 Bakuna laban sa Tigdas at Rubella
💛 May Vitamin A supplementation para sa mga batang kwalipikado

📍 Barangay Calaocan, Delfin Albano, Isabela
📅 August 13, 2026
⏰ 8:00 AM – 10:00 AM

📖 Dalhin ang Child Health Booklet o Vaccination Card ng inyong anak.

Huwag nating ipagpaliban ang proteksyon ng ating mga chikiting. ❤️ Ang pagpapabakuna at pagbibigay ng Vitamin A ay simpleng hakbang na makatutulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan.

🌟 Tara na, Nanay at Tatay! Dalhin ang inyong anak!
💉 Bakunahan!
💛 Vitamin A
👶 Para sa batang mas protektado at mas malusog!

PROTEKTADO ANG BATA, LIGTAS ANG BUKAS! 🇵🇭💙

July 31,2026Ang kaalaman ang unang hakbang sa paglaban sa dengue. 🦟💚Isinagawa ang Dengue Information, Education, and Com...
31/07/2026

July 31,2026

Ang kaalaman ang unang hakbang sa paglaban sa dengue. 🦟💚

Isinagawa ang Dengue Information, Education, and Communication (IEC) upang mapalawak ang kaalaman ng ating komunidad tungkol sa sakit na dengue at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang Dengue?

Ang dengue ay isang sakit na dulot ng dengue virus na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes aegypti. Maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon kung hindi agad mabibigyan ng tamang atensyong medikal.

Mga sintomas ng Dengue:
🩺 Mataas na lagnat (2–7 araw)
🤕 Matinding sakit ng ulo
👀 Pananakit sa likod ng mga mata
💪 Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
🤢 Pagduduwal o pagsusuka
🌡️ Pamumula o pantal sa balat
⚠️ Pagdurugo ng ilong o gilagid, o madaling pagkakaroon ng pasa (warning signs)

Tandaan ang 4S o 4T Kontra Dengue:

✅ Search and destroy – Hanapin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok.
✅ Self-protection measures – Gumamit ng mga paraan upang makaiwas sa kagat ng lamok.
✅ Seek early consultation – Magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility kapag may sintomas.
✅ Support fogging – Makiisa sa fogging sa oras ng outbreak.

4T Kontra Dengue

🟢 Taob – Itapon o baliktarin ang mga lalagyang maaaring pamugaran ng lamok tulad ng lata, bote, gulong, paso, at iba pang naiipunan ng tubig.
🟢 Takpan – Takpan nang maayos ang mga drum, timba, at iba pang imbakan ng tubig upang hindi mapangitlugan ng lamok.
🟢 Tuyo – Linisin at kuskusin ang mga lalagyan ng tubig at alisan ng naipong tubig kahit isang beses bawat linggo.
🟢 Tsek – Regular na inspeksyunin ang paligid ng bahay at bakuran. Hanapin at alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok.

Ang dengue ay maiiwasan kung sama-sama tayong kikilos. Tandaan: Taob, Takip, Tuyo, at Tsek. Linis ng kapaligiran ang susi sa ligtas at malusog na komunidad🦟💚

July 29,2026Delivery of Basic Health ServicesPatuloy na naghahatid ang BHS Calaocan ng mga pangunahing serbisyong pangka...
30/07/2026

July 29,2026

Delivery of Basic Health Services

Patuloy na naghahatid ang BHS Calaocan ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

Mga serbisyong naihatid:
🩺 Blood Pressure (BP) Monitoring
📋 NCD Risk Assessment
💊 Dispensing of NCD Medications
🪪 PhilHealth Check Utility
📱 eGov Assistance
🫄Prenatal Check-up
🦟IEC on Dengue awareness
📝Online Consultation

Ang bawat serbisyong ito ay bahagi ng ating patuloy na layunin na makapagbigay ng accessible, quality, at people-centered primary health care sa bawat mamamayan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikiisa.

BHS Calaocan
💙 Serbisyong may malasakit, kalusugan para sa lahat.

July 23,2026Delivery of Basic Health ServicesPatuloy na naghahatid ang BHS Calaocan ng mga pangunahing serbisyong pangka...
29/07/2026

July 23,2026

Delivery of Basic Health Services

Patuloy na naghahatid ang BHS Calaocan ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

Mga serbisyong naihatid:
🩺 Blood Pressure (BP) Monitoring
📋 NCD Risk Assessment
💊 Dispensing of NCD Medications
🪪 PhilHealth Check Utility
📱 eGov Assistance

Ang bawat serbisyong ito ay bahagi ng ating patuloy na layunin na makapagbigay ng accessible, quality, at people-centered primary health care sa bawat mamamayan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikiisa.

BHS Calaocan
💙 Serbisyong may malasakit, kalusugan para sa lahat.

July 13,2026Every doorstep is an opportunity to educate, care, and make a difference 🩺💙Patuloy nating inilalapit sa atin...
29/07/2026

July 13,2026

Every doorstep is an opportunity to educate, care, and make a difference 🩺💙

Patuloy nating inilalapit sa ating komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng bawat pamilya.

📢 (Non-Communicable Diseases o NCDs)
❤️ Pagsusukat ng Blood Pressure (BP)
📝 Pagsasagawa ng NCD Risk Assessment
💊 Pamamahagi ng mga gamot para sa mga may Non-Communicable Diseases at vitamins sa mga under 5 yrs old
🤱Post-Partum Visit

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog na komunidad sa pamamagitan ng maagang pag-iwas, regular na pagpapasuri, at wastong pangangalaga sa kalusugan.

June 25,2026Every doorstep is an opportunity to educate, care, and make a difference 🩺💙Patuloy nating inilalapit sa atin...
27/06/2026

June 25,2026

Every doorstep is an opportunity to educate, care, and make a difference 🩺💙

Patuloy nating inilalapit sa ating komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng bawat pamilya.

📢 (Non-Communicable Diseases o NCDs)
❤️ Pagsusukat ng Blood Pressure (BP) at CBG
📝 Pagsasagawa ng NCD Risk Assessment
💊 Pamamahagi ng mga gamot para sa mga may Non-Communicable Diseases

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog na komunidad sa pamamagitan ng maagang pag-iwas, regular na pagpapasuri, at wastong pangangalaga sa kalusugan.

A heartfelt thank you to all our blood donors who joined yesterday's Blood Letting Activity.Your generosity and willingn...
19/06/2026

A heartfelt thank you to all our blood donors who joined yesterday's Blood Letting Activity.

Your generosity and willingness to give have made a meaningful difference. Thank you for helping save lives and supporting our community.

Every drop counts🩸 Every donor matters.



Address

Calaocan
Delfin Albano
3326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Health Station Calaocan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share