20/01/2025
MAS TIPID na, alaga pa ang ani. ๐พ
Sundin ang tamang EAT (Element, Amount, at Timing) sa pagpapataba. ๐คฉ๐๐ป
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ:
โ
Gamitin ang 3-4 sako ng 14-14-14 sa 0-14 araw pagkalipat-tanim o 7-10 araw pagkasabog-tanim, sundan ng 1 sakong urea o 2 sakong ammonium sulfate habang nagsusuwi, at 1 sakong urea sa paglilihi.
โ
Gamitin ang nitroheno para sa pagbulas at paglaki, posporo para sa ugat at pagsusuwi, at potasyo para sa tibay ng palay at mapipintog na butil.
โ
Wag sunugin ang dayami. Ikalat ito at i-araro sa lupa upang magsilbing pataba. Ang 5 toneladang nabulok nadayami mula sa isang ektarya ay katumbas na ng nasa 2-3 sako ng 0-0-60 at 1 -1.5 sakong urea.
โ
Upang masigurong nasa tiyempo ang pag-abono, gumamit ng Leaf Color Chart (LCC), Minus-One Element Technique (MOET), at Rice Crop Manager (RCM).
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ฝ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป:
๐ Pinoy Rice Knowledge Bank: www.pinoyrice.com
๐บ PhilRice TV: https://www.youtube.com/