Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr.

Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr. Official page of Sec. Francisco P. Tiu Laurel Jr. Secretary of the Department of Agriculture

25/08/2026

Pangmatagalang solusyon ng DA sa mga hindi naibebentang ani ng mga magsasaka.

24/08/2026

UNITED UBE PH, NAITATAG NA!

Ang pagbuo ng United Ube PH Association Inc. ang isang mahalagang unang hakbang upang mapalakas natin ang industriya ng ube, higit ngayong malaki ang oportunidad nating mapalawak ang access sa international market.

Pinagsasama-sama ng asosasyon ang mahahalagang bahagi ng ube industry—ube farmers, cooperatives, growers, processors, traders, exporters, researchers, academe, at gobyerno—upang magkaroon ng malinaw na direksyon at iisang boses ang buong industriya.

22/08/2026

72 YEARS OF INNOVATION!

Isa sa mga pangunahing katuwang ng sugar industry ang Philippine Sugar Technologists Association (PhilSuTech) sa pagpapataas ng ani at kita ng ating mga sugarcane farmer sa pamamagitan ng agham at teknolohiya.

Sa aking pagdalo sa 72nd Annual PhilSuTech National Convention, hindi lamang ako nakapagbahagi ng mahalagang mensahe, kundi opisyal din nating inilunsad ang tatlong bagong high-yielding sugarcane varieties na binuo ng Sugar Regulatory Administration.

Inaasahan natin ang mas produktibong ani ngayong Oktubre sa tulong ng libreng Beneficial Micro-Organisms (BMO) organic fertilizer na ipamamahagi rin ng ahensya, kasabay ng patuloy na mga hakbang ng DA upang labanan ang RSSI.

21/08/2026

Pinabilis na namin ang pagpapatayo ng Clark National Food Hub matapos namin lagdaan ang isang kasunduan kasama ang Food Terminal, Inc. at CIAC, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas maayos na value chain at matiyak ang food security ng bansa.

Mas mapapadali ang pagbebenta ng magsasaka at mangingisda ang kanilang produkto. Maglalagay din kami ng ang whole sale at retail facilities, cold storafe, food safety laboratories para sa pag eexport
Dahil malapit sa Clark International Airport, mas mapapadali rin ang pag-export ng mga produktong Pilipino sa iba’t ibang bansa. ✈️🌏

PARA SA MAS MATATAG NA INDUSTRIYA NG ASUKAL Nakibahagi ako sa 72nd Philippine Sugar Technologists Association Annual Nat...
20/08/2026

PARA SA MAS MATATAG NA INDUSTRIYA NG ASUKAL

Nakibahagi ako sa 72nd Philippine Sugar Technologists Association Annual National Convention sa Cebu City, kung saan binigyang-diin natin ang mahalagang papel ng teknolohiya at inobasyon sa pagpapalakas ng produktibidad at katatagan industriya ng asukal.

Kasama si Sugar Regulatory Administration Admin Paul Azcona, ibinahagi din natin ang mga hakbang ng DA-SRA upang higit na suportahan ang mga magsasaka. Kabilang dito ang pagpapalabas ng tatlong bagong high-yielding sugarcane varieties at pamamahagi ng libreng BMO organic fertilizers.

Patuloy din ang ating agresibong pagtugon sa Red Stripe Scale Insect (RSSI) sa pamamagitan ng massive drone spraying at pagtiyak na available ang RSSI bio-control fungi sa mga apektadong munisipalidad.

Hindi lamang para sa flood control, kundi para rin sa food security at matatag na kabuhayan ng ating mga mangingisda!Nag...
18/08/2026

Hindi lamang para sa flood control, kundi para rin sa food security at matatag na kabuhayan ng ating mga mangingisda!

Nagpulong kami ni Gen. Manager Leopoldo Parumog ng Laguna Lake Development Authority (Official) upang muling buhayin ang matagal nang naantalang Parañaque Spillway Project.

Layunin ng 10.5-kilometrong spillway na ito na bawasan ang paulit-ulit na pagbaha sa Laguna, Rizal, at Metro Manila, habang ibinabalik sa malusog na kalagayan ang Laguna de Bay. Sa pamamamagitan nito ay lalakas ang produksyon ng isda, tataas ang kita ng mga mangingisda, at magkakaroon ng malinis na suplay ng tubig ang mga mamamayan.

17/08/2026

Noong Hulyo, personal na ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Navotas Fish Port.

Sa pagtatapos ng mga proyekto, inaasahang mas lalawak ang oportunidad para sa mga mangingisda, fish vendors, at iba pang manggagawang umaasa sa Fish Port Complex para sa kanilang kabuhayan.

13/08/2026

Satellite Technology, Katuwang sa Pagpapaunlad ng Agrikultura 🛰️

Sa pagdiriwang ng Philippine Space Week, naging mahalagang ambag ang satellite technology sa ating agrikultura upang mapadali ang pag-monitor ng crop stages, pagtukoy ng peste at sakit ng mga pananim, potensyal na fishing areas, at maging ang kalagayan ng ating Farm-to-Market Roads (FMRs) at iba pa.

Sa ganitong paraan, mas napapalakas natin ang produksyon at napoprotektahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda.

Sa gitna ng pinsalang iniwan ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at pinalakas na Habagat, patuloy ang pagkilos ng DA para t...
13/08/2026

Sa gitna ng pinsalang iniwan ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at pinalakas na Habagat, patuloy ang pagkilos ng DA para tulungan ang ating mga magsasaka na makabangon.

Alamin ang lawak ng pinsala at mga hakbang ng DA para sa kanilang pagbangon.

Address

Office Of The Secretary, Department Of Agriculture
Diliman District

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share