10/01/2026
Maligayang Kaarawan po sa ating iginagalang at minamahal na NHA General Manager, Joeben A. Tai!
Taos-pusong pagbati ang hatid ng buong NHA Family, kalakip ang aming pasasalamat sa inyong matatag at makataong pamumuno, malasakit, at patuloy na inspirasyong ibinibigay ninyo sa bawat kawani at sa mga pamilyang aming pinaglilingkuran.
Nawa’y ipagkaloob pa po sa inyo ng Poong Maykapal ang saganang biyaya, matibay na kalusugan, karunungan, at lakas ng loob upang ipagpatuloy ang inyong makabuluhang adhikain para sa sambayanang Pilipino. Nawa’y patnubayan kayo sa lahat ng inyong gawain at pagpalain ng mahabang buhay na puno ng kapayapaan at kagalakan.
Maligayang kaarawan po at nawa’y patuloy kayong maging biyaya at inspirasyon sa marami!