UP SLIS Student Council

UP SLIS Student Council Konseho ng mga Mag-aaral ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon ng Unibersidad ng Pilipinas (2026–2027)

UP SLIS Student Council, A.Y. 2024-2025

CHAIRPERSON
Sen Dylayn Bantigue

VICE CHAIRPERSON
Kristen Belle Tamondong

COUNCILORS
Jaina Rhys Rodriguez
Jean Karlo Sioson
Patricia Cementina
Jerome Emmanuel Ugalino
Alyssa Louise Versoza

SLIS REPRESENTATIVE TO THE USC
Francis Xenia Regala

SLIS REPRESENTATIVE TO THE UFC
Keon Anjel Joven

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon at Nominasyon noong Agosto 25–Agosto 29, 2026, nakatanggap ang Konseho ng tatlon...
01/09/2026

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon at Nominasyon noong Agosto 25–Agosto 29, 2026, nakatanggap ang Konseho ng tatlong (3) aplikasyon para sa posisyon ng SLIS Representative to the University Freshie Council (UFC), at isang (1) aplikasyon para sa posisyon ng FST Core Liaison. Ang mga aplikante ay dumaan sa onlayn na panayam at ipinahiwatig ang kanilang kusang-loob na pagpayag sa parehas na posisyon ng SLIS Representative to the UFC at FST Core Liaison. Sinundan ito ng deliberasyon na pinangunahan ng UP SLIS SC noong Agosto 31, 2026.

Kaugnay nito, mainit na binabati ng Konseho ang mga bagong naitalaga na SLIS Representative to the UFC at FST Core Liaisons para sa Akademikong Taon 2026–2027:

Peter Jael Opelanio, SLIS Representative to the University Freshie Council (UFC)
Aliyah Ashlee Caber, FST Core Liaison
Camryn Elizabeth Perez, FST Core Liaison

Nawa'y inyong paglingkuran, suportahan, at katawanin ang inyong mga kapwa-FSTs maging ang buong komunidad ng SLIS nang may puso, dangal, at pagmamalasakit.

Maaaring maakses ang katitikan ng pulong ng mga panayam at deliberasyon sa ibaba:

🔗 https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627
🔗 https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627
🔗 https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627

Lagi't lagi para sa komunidad ng SLIS! ✊🌻

𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼, 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼! 👋🌻Sa pagbukas ng bagong akademikong taon, ating balikan ang mga programa, proyekto, at ini...
26/08/2026

𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼, 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼! 👋🌻

Sa pagbukas ng bagong akademikong taon, ating balikan ang mga programa, proyekto, at inisyatibang matagumpay na naisagawa ng Konseho ng Mag-aaral ng UPSLIS para sa buwan ng Hulyo:

🗓️ Kasama KITA — Hulyo 6, 13, at 31
🗓️ Oryentasyon ng Konseho sa College Briefing — Hulyo 13
🗓️ Cherry Coquette Merch — Hulyo 27
🗓️ Lakbay Librarian — Hulyo 31

Mula sa pagkampeon ng mga likhang sining ng ating mga lokal na SLIS artista hanggang sa pag-alalay sa mga pangunahing hakbang papasok sa buhay unibersidad ng mga SLIS FSTs, lumiliyab na ang ningas 🔥 ng paglilingkod higit kailanman.

Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga nakibahagi at tumulong sa mga kaganapang ito. Higit na pinahahalagahan namin ang inyong boluntaryong paglaan ng oras at panahon sa pagsuporta sa aming mga inisyatiba. 💛

Simula pa lamang ito ng makabuluhang paglalakbay ng Konseho sa patuloy na paglilingkod at pagtataguyod ng kapakanan ng komunidad ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon. Inaanyayahan namin ang lahat na antabayanan ang mga proyekto ng Konseho na naghihintay para sa ikauunlad at ipakikinabang ng ating kolehiyo.

Lagi't lagi para sa komunidad ng SLIS! ✊📖



📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗡𝗢𝗠𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡: 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗧𝗢 𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗙𝗖 𝗔𝗧 𝗙𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗥𝗘 𝗟𝗜𝗔𝗜𝗦𝗢𝗡Matapos ang Paanyaya para...
25/08/2026

📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗡𝗢𝗠𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡: 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗧𝗢 𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗙𝗖 𝗔𝗧 𝗙𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗥𝗘 𝗟𝗜𝗔𝗜𝗦𝗢𝗡

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon noong Hulyo 28–Agosto 3, naitalaga na ang bagong Konsehal at Kinatawan ng SLIS sa University Student Council (USC) na siyang nagpabuo sa dalawang bakanteng posisyon sa Konseho.

Sa pagbukas ng bagong akademikong taon at bilang bahagi ng pagsasagawa ng University of the Philippines Diliman University Freshie Council (UPD UFC) Elections para sa Taong Panuruan 2026–2027, nais ipabatid ng Konseho na ang 𝗣𝗮𝗮𝗻𝘆𝗮𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗽𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗡𝗼𝗺𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 ay opisyal na bukas para sa mga sumusunod na posisyon:

• 𝗙𝗦𝗧 𝗖𝗼𝗿𝗲 𝗟𝗶𝗮𝗶𝘀𝗼𝗻 — nakatuon sa representasyon, koordinasyon, at mga usaping may kinalaman sa FST community sa antas ng Kolehiyo;

• 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗿𝗲𝘀𝗵𝗶𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗨𝗙𝗖) — magsisilbing kinatawan ng SLIS sa University Freshie Council at tagapag-ugnay sa pagitan ng SLIS SC at ng UFC

Alinsunod sa mga kaugnay na probisyon ng 2013 SLIS Student Council Constitution, kinakailangang taglay ng mga aplikante ang mga sumusunod na kwalipikasyon:

• Isang bona fide undergraduate student na nasa unang taon ng paninirahan sa Unibersidad;

• May normal na academic load na itinakda ng kani-kanilang kolehiyo sa semestre kung kailan isinasagawa ang halalan; at

• Hindi napatunayang nagkasala sa anumang kasong pandisiplina na may kinalaman sa isang gawaing may moral turpitude, ayon sa Revised Penal Code.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga kwalipikadong Freshie, Shiftee, at Transferee (FST) ng SLIS na lumahok at magsilbi bilang kinatawan ng kanilang komunidad sa antas ng Kolehiyo at Unibersidad.

Mananatiling bukas ang form para sa aplikasyon hanggang sa 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟵 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝟭𝟭:𝟱𝟵 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶.

Para sa mga interesado at handang maglingkod upang masuportahan ang kapakanan at mga pangangailangan ng komunidad ng SLIS, maaaring maakses ang form ng aplikasyon na nakatala sa ibaba:

🔗 https://bit.ly/4gPh35u
🔗 https://bit.ly/4gPh35u
🔗 https://bit.ly/4gPh35u


NO TO PAX SILICA! YES TO PUBLIC LIBRARIES!OPEN THE BOOKS! EXPOSE CORRUPTION!PONDO SA AKLATAN, HINDI SA KORAPSYON!EDUKASY...
11/08/2026

NO TO PAX SILICA! YES TO PUBLIC LIBRARIES!
OPEN THE BOOKS! EXPOSE CORRUPTION!
PONDO SA AKLATAN, HINDI SA KORAPSYON!
EDUKASYON AT KAALAMAN, HUWAG GAWING NEGOSYO!

Unang linggo ng pang-akademikong taong 2026-2027 subalit sakuna at kalamidad ang sumalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Hindi man bago ang taunang pag-ulan sa komunidad ng UP, ngunit sa bawat taong lumilipas ay nararanasan natin ang paglala ng mga ito.

Habang patuloy ang pagbaha sa iba’t ibang mga lugar, paglubog ng mga kabahayan sa ating mga komunidad, at pagkawala ng kuryente sa ating mga dormitoryo, nananatiling walang ginagawa ang mga nasa tuktok. Ang mga karanasang ito ay hindi hiwalay sa danas ng buong sambayanang Pilipino.

Katumbas ng bawat patak ng ulan ang katiwalian na nangyayari sa loob ng ating gobyerno. Mula sa mga huwad na flood control projects, sa walang pananagutan ng hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte, hanggang sa pandarambong ng imperyalistang US. Ang bawat buhay na nawawala ay hindi bunsod ng kawalan ng kahandaan ng mga Pilipino, kundi dahil sa kanilang kapabayaan.

Nakalipas na ang isang taon mula nang pumutok ang isyu ng korapsyon sa SONA ni Marcos Jr., ngunit wala pa ring napapanagot hanggang ngayon. Kung mayroon mang pag-unlad, ito ang pagdami ng mapanirang proyekto ng gobyerno sa ating kalikasan upang patabain lang lalo ang bulsa ng iilan.

Kung kaya't, bumagyo man o umaraw, may pasok man o wala, buhay ang diwang palaban ng mga Iskolar ng Bayan.

SINGILIN ANG REHIMENG US-MARCOS SA KAPABAYAAN, KALMIDAD, AT PAGSIRA NG KALIKASAN!



📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗟𝗜𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗨𝗣 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗩𝗢𝗟𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦Ang Konseho ay nanawagan sa mga mag-aaral na handang tumulong at magin...
11/08/2026

📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗟𝗜𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗨𝗣 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗩𝗢𝗟𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦

Ang Konseho ay nanawagan sa mga mag-aaral na handang tumulong at maging bahagi ng 𝗦𝗟𝗜𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗨𝗣 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗿𝗽𝘀 para sa Akademikong Taon 2026–2027. Ito ay naglalayong magtipon ng mga mag-aaral na handang maglaan ng kanilang oras, lakas, at kakayahan upang makibahagi sa mga gawain, programa, at proyekto ng UP SLIS.

Bilang bahagi ng SLISERVE, maaaring maimbitahan ang mga boluntaryo na tumulong at makibahagi sa mga sumusunod:
— LIS Month
— Lantern Parade
— Gabriel A. Bernardo Memorial Lecture
— Kasama KITA
— Enlistment Activities
— Mga Kumperensya at Seminar
— Iba pang proyekto at gawain ng UP SLIS

📌 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗼𝗯𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆𝗼. Ang hinihiling lamang namin ay ang inyong oras, pakikilahok, at kahandaang tumulong.

📌 Bukas ang SLISERVE sa 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗲𝘀𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗨𝗣 𝗗𝗶𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻, 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗦𝗟𝗜𝗦.

Para sa mga interesadong sumali, mangyaring buksan at sagutan ang form na nakatala sa ibaba. Tiyakin na tama at kumpleto ang lahat ng detalyeng iyong ilalagay bago magsumite.

📝 𝗦𝗟𝗜𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗩𝗢𝗟𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦 𝗙𝗢𝗥𝗠:
🔗 https://bit.ly/SLISERVE_2026
🔗 https://bit.ly/SLISERVE_2026
🔗 https://bit.ly/SLISERVE_2026

Maglingap, mag-agapay, maglingkod. Halina't makibahagi sa makabuluhang karanasan ng pagboboluntaryo!


📝 [SLIS STUDENT CONCERN AND GRIEVANCE FORM A.Y. 2026-2027]Ang UP SLIS Student Council, bilang pinakamataas na katawan at...
10/08/2026

📝 [SLIS STUDENT CONCERN AND GRIEVANCE FORM A.Y. 2026-2027]

Ang UP SLIS Student Council, bilang pinakamataas na katawan at naglilingkod na konseho para sa mga mag-aaral ng UP SLIS, ay nananatiling tapat sa paninindigan nitong tulungan ang mga mag-aaral sa pagharap sa mga suliraning kanilang nararanasan at bigyang-linaw ang kanilang mga alalahanin.

Alinsunod dito, nais ipabatid ng konseho na ang 𝗦𝗟𝗜𝗦 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗚𝗿𝗶𝗲𝘃𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗺 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗸𝗮𝗱𝗲𝗺𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳 ay opisyal na bukas para sa lahat ng mga mag-aaral mula sa SLIS. Ito ay isang pormal, ligtas, at kompidensyal na tsanel kung saan maaaring maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga hinaing, maging ito man ay may kaugnayan sa kanilang pang-akademikong buhay, kalagayang pangkaisipan, o mungkahi tungkol sa aming mga inisyatiba, komite, at mga kinatawang mag-aaral na sangkot.

Inaanyayahan ang lahat ng mga estudyante ng SLIS na idirekta ang kanilang mga alalahanin, reklamo, o katanungan gamit ang plataporma na ito. Sa pagsagot sa form, hinihiling naming tiyakin na ang lahat ng kinakailangang impormasyon ay naibigay nang tapat at wasto upang makapagbigay ang konseho ng pinakamainam na tugon hinggil sa usapin sa lalong madaling panahon.

Maaaring buksan ang SLIS Student Concern and Grievance Form 2026-2027 gamit ang QR Code o link na nakatala sa ibaba:

🔗 https://tinyurl.com/UP-SLIS-Grievance-Form
🔗 https://tinyurl.com/UP-SLIS-Grievance-Form
🔗 https://tinyurl.com/UP-SLIS-Grievance-Form

Para sa mga agarang usapin, maaaring magpadala ng mensahe sa opisyal na SLIS SC page o ng email sa [email protected].

Lagi't lagi, para sa komunidad ng SLIS! 📖✊


  | Call for Donations and VolunteersIn light of  , the UP SLIS Student Council, together with the UP Diliman University...
09/08/2026

| Call for Donations and Volunteers

In light of , the UP SLIS Student Council, together with the UP Diliman University Student Council (UPD USC), are calling for donations for those affected in the Brgy. UP Campus area.

For UPD students, you may refer to your local college council for urgent needs, or access the sensing form for organized by the UPD USC: https://tinyurl.com/IskoOpsMaymayPHSensing

For urgent concerns and Volunteers, contact USC CSAW Councilor, Thirdy Tolentino:
📞 (0927) 285 9051
🔗 Thirdy Tolentino
🔗 https://tinyurl.com/IskoOpsVolunteersCoordGC

Transparency report for Donations may be accessed through this link:
🔗 https://tinyurl.com/MaymayIskoOpsDonations

📌 Emergency Hotlines:
• Brgy. UP Campus Hotline: 09957219867
• Quezon City: 122, 8988-4242 loc. 8038, 0947 885 9929, 0947 884 7498
• CMO Quick Response Team: 09777841234
• UP Diliman Police: 8928-3615

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon noong Hulyo 28–Agosto 3, 2026, nakatanggap ang konseho ng dalawang aplikasyon pa...
06/08/2026

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon noong Hulyo 28–Agosto 3, 2026, nakatanggap ang konseho ng dalawang aplikasyon para sa posisyon ng SLIS Representative to the University Student Council (USC). Ang dalawang aplikante ay dumaan sa onlayn na panayam at ipinahiwatig ang kanilang kusang-loob na pagpayag sa parehas na posisyon ng SLIS SC Councilor at SLIS Representative to the USC. Sinundan ito ng deliberasyon na pinangunahan ng UP SLIS SC noong Agosto 5, 2026.

Hinggil dito, mainit na binabati ng konseho ang bagong naitalaga na SLIS SC Councilor at SLIS Representative to the University Student Council (USC) para sa Akademikong Taon 2026–2027:

Arca Danielle Guansing, Councilor
Kim Agot, SLIS Representative to the University Student Council (USC)

Patuloy ang tungkulin ng konseho sa paglilingkod at pagtataguyod ng kapakanan ng komunidad ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon.

Maaaring maakses ang katitikan ng pulong ng mga panayam at deliberasyon sa ibaba:

https://bit.ly/SLISSCDeliberation

Lagi't lagi, para sa komunidad ng SLIS! ✊🌻

Noong Hulyo 31, 2026, matagumpay na naisagawa ng UP SLIS SC, kasama ang UP Future Library and Information Professionals ...
05/08/2026

Noong Hulyo 31, 2026, matagumpay na naisagawa ng UP SLIS SC, kasama ang UP Future Library and Information Professionals of the Philippines (UP FLIPP) at UP Library and Information Science Students Association - UP LISSA (UP LISSA), ang SLIS FST Campus Tour: Lakbay Librarian 2026. Simula sa pagpapakilala ng mga organisasyon ng mga mag-aaral sa SLIS hanggang sa pag-ikot ng campus, ramdam ang maalab na sigasig ng mga kalahok sa mga karanasan, kultura, at aral na naghihintay sa UP Diliman para sa Akademikong Taon 2026–2027. Nagtapos ang Lakbay Librarian sa pinakahinihintay na New SLIS Building Tour na siyang nagsilbing pagtatapos sa mga pagdiriwang ng ika-65 na anibersaryo ng School of Library and Information Studies.

Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga nakilahok at tumulong sa inisyatibong ito. Malaking pasasalamat rin sa U.P. School of Library and Information Studies Library at UPSLIS Admin sa patuloy na paggabay mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa nito. Hindi magiging posible ang Lakbay Librarian kung wala ang inyong walang-sawang tulong at suporta.

🗺️ 𝗦𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻: Unang Semestre para sa Akademikong Taon 2026–2027!

Muli, maraming salamat mula sa Konseho ng UP SLIS at padayon mga Librarian ng Bayan! 💛📚



Address

SLIS New Building, Quirino Avenue Cor. Africa Street, UP Campus
Diliman
1101

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP SLIS Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP SLIS Student Council:

Shortcuts

Share

Category