STAND UP CAL

STAND UP CAL STAND UP CAL is the college chapter of the premier student leadership formation and the widest and broadest party alliance in UP Diliman— STAND UP.

Student Alliance for the Advancement of Democratic Right in UP (STAND UP) is a party alliance firmly united by the principle that education is a right and the will to right and the will to struggle for a nationalist, progressive and accessible education. Since its establishment in 1996, STAND UP has stayed true to its commitment to serve the students and basic masses through various campaigns, projects, and programs.

Muli, narito ang inyong militanteng mga lider-estudyante ng Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura.Artis...
15/05/2023

Muli, narito ang inyong militanteng mga lider-estudyante ng Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura.

Artista ng Bayan,
kasama sa pakikibaka,
kaanib sa pagtunggali! ✊🏻

——
Para sa mga plano at programa, narito ang kopya ng General and Specific Plans of Action:

http://bitly.ws/EzR5
http://bitly.ws/EzR5
http://bitly.ws/EzR5

[Pahayag ni Arvin Cagape sa kanyang pagliban sa Kalampagan 2023]Lubos na pagpapaumanhin sa komunidad ng KAL at sa KALasa...
13/05/2023

[Pahayag ni Arvin Cagape sa kanyang pagliban sa Kalampagan 2023]

Lubos na pagpapaumanhin sa komunidad ng KAL at sa KALasag bilang organizer sa aking ‘di inaasahan na pagliban sa Kalampagan 2023.

Gabi bago ng MDA noong nakatanggap ako ng balitang pangkalusugan na siyang kinailangan at patuloy na kinakailangan ang aking buong oras at atensyon.

Sa haharapin, handa po akong sagutin at salubungin ang anumang mga katanungan na nais ipaabot sa porma ng mga dayalogo, statement, o ano man ang hinihiling ng madla.

Sa kagyat, hinihiling ko po ang inyong pagunawa.

Maraming salamat at sana po ay maisama niyo ang aking pamilya sa inyong mga panalangin.

Sumasainyo,

Vin Cagape

12/05/2023
Mga Artista ng Bayan, narito ang mga lider-estudyanteng KONSEHAL na sumasandig sa laban ng bayan para sa katarungan, kar...
12/05/2023

Mga Artista ng Bayan, narito ang mga lider-estudyanteng KONSEHAL na sumasandig sa laban ng bayan para sa katarungan, karapatan, at demokrasya. Kasama ng malawak na hanay ng masa, nakikiisa ang mga artistang lider sa pakikipagtunggali sa bulok na sistema.

Sa hinaba-haba ng kasaysayan ng militansya ng mamamayang lumalaban, hindi ngayon titigil ang pakikibaka. Magpapatuloy! Hanggang makamit ang tagumpay!

Ang Artista ng Bayan,

Kasama sa pakikibaka,
Kaanib sa pagtunggali!

✊CHEZZY ANGARA ang ating CALSC Community Rights and Welfare (CRAW) Councilor
✊ ZEE PEDROSA ang ating CALSC Students Rights and Welfare (STRAW) Councilor

Mga Artista ng Bayan, narito ang mga lider estudyanteng sumasandig sa laban ng bayan para sa katarungan, karapatan, at d...
10/05/2023

Mga Artista ng Bayan, narito ang mga lider estudyanteng sumasandig sa laban ng bayan para sa katarungan, karapatan, at demokrasya. Kasama ng malawak na hanay ng masa, nakikiisa ang mga artistang lider sa pakikipagtunggali sa bulok na sistema.

Sa hinaba-haba ng kasaysayan ng militansya ng mamamayang lumalaban, hindi ngayon titigil ang pakikibaka. Magpapatuloy! Hanggang makamit ang tagumpay!

Ang Artista ng Bayan,

Kasama sa pakikibaka,
Kaanib sa pagtunggali!

✊JOE BAUSING ang ating DEL Representative
✊ XAVI NAVARRO ang ating DSCTA Representative

Artista ng Bayan, patuloy ang ating pagpakat ng ating mga kampanya sa komunidad ng KAL. Kaisa tayo sa realidad at demand...
10/05/2023

Artista ng Bayan, patuloy ang ating pagpakat ng ating mga kampanya sa komunidad ng KAL.

Kaisa tayo sa realidad at demanda ng mga estudyante, kaguruan, kawani, manininda, at guard sa ating Kolehiyo. Kaisa natin ang komunidad sa pagsulong ng katarungan, karapatan, at demokrasya.

Ang Artista ng Bayan,

Kasama sa pakikibaka,
Kaanib sa pakikipagtunggali!

Mga Artista ng Bayan, narito ang mga lider estudyanteng sumasandig sa laban ng bayan para sa katarungan, karapatan, at d...
10/05/2023

Mga Artista ng Bayan, narito ang mga lider estudyanteng sumasandig sa laban ng bayan para sa katarungan, karapatan, at demokrasya. Kasama ng malawak na hanay ng masa, nakikiisa ang mga artistang lider sa pakikipagtunggali sa bulok na sistema.

Sa hinaba-haba ng kasaysayan ng militansya ng mamamayang lumalaban, hindi ngayon titigil ang pakikibaka. Magpapatuloy! Hanggang makamit ang tagumpay!

Ang Artista ng Bayan,

Kasama sa pakikibaka,
Kaanib sa pagtunggali!

✊ARVIN CAGAPE ang ating CALSC Chairperson
✊MICH ORTEGA ang ating CALSC Vice Chairperson
✊SEAH ANTALAN ang ating CAL Representative to the USC

09/05/2023

Babasag ng kulturang mapang-api. Militante at ‘di pagagapi.

Artista ng Bayan,
Kasama sa pakikibaka,
Kaanib sa pagtunggali!

PAHAYAG NG PAGKUNDENA NG STAND UP CAL SA PAMUNUAN AT ILANG MGA MIYEMBRO NG STAND UPNA DAHILAN NG PAGKALAS NITO BILANG LO...
08/05/2023

PAHAYAG NG PAGKUNDENA NG STAND UP CAL
SA PAMUNUAN AT ILANG MGA MIYEMBRO NG STAND UP
NA DAHILAN NG PAGKALAS NITO BILANG LOKAL NA BALANGAY

Trigger Warning: Pagbanggit ng sexual harassment at iba pang porma ng abuso

Mariing kinukundena ng STAND UP CAL ang lahat ng sexual harassers, abusers, at kanilang mga protektor sa loob ng STAND UP Diliman at ang hindi makatarungang proseso ng pamunuan sa pagbibigay-hustisya sa mga miyembro nitong biktima ng sekswal na harassment at pang-aabuso. Bunsod nito, bilang isang lokal na balangay na may sariling pagpapasya, pinagkakaisahan ng STAND UP CAL ang pagkalas nito mula sa STAND UP bilang pagpapakita ng pagbalikwas sa pamunuan nito at pakikiisa sa mga biktima.

Sa nagdaang Aktibisita 2023, lumabas ang isyu ng kawalan ng pagtugon, malabnaw na pagharap, at pagbalewala ng pangpamantasang pamunuan ng STAND UP sa mga kaso ng sexual harassment sa loob ng kanilang organisasyon. Tampok dito ang pagbibigay pa rin ng espasyo at pabor ng mga lider sa pamunuan sa mga napatunayang sexual harassers habang nagiging mailap pa rin ang inaasam na hustisya ng mga biktima. Ayon sa mga nagsalitang mga biktima, hindi nakapagbigay ng ligtas na espasyo at sapat na suporta para sa mga biktima ang mga nasa pamunuan ng STAND UP.

Hindi rin naging bukas ang pangpamantasang pamunuan ng STAND UP tungkol sa proseso ng kanilang tugon sa mga kaso ng sexual harassment sa kanilang mga lokal na balangay at ibang mga miyembro.

Klaro na taliwas sa prinsipyo ng pagiging tunay, palaban, at makabayan ang kamaliang ito ng mga nasa pamunuan ng STAND UP. Una, tiyak na wala itong naging maayos na paghimay ng mga kaso ng sexual harassment mula sa mga lokal na balangay at iba pang mga pangmasang pormasyon sa loob ng STAND UP. Ikalawa, isang kabalintunaang maituturing ang kahinaan sa pagbibigay ng suporta sa mga miyembro nitong biktima at sa pagbibigay ng karampatang aksyon tungkol sa mga sexual harasser. Hindi ito ang uri ng serbisyo at pamumunong nakabalangkas sa militanteng oryentasyon ng organisasyon.

Ang pagkalas ng STAND UP CAL ay pagpapakita na militante itong naniningil sa mga kapabayaan ng pamunuan ng STAND UP sa pangangasiwa sa kanyang mga miyembro at mga kasaping organisasyon, at, higit sa lahat, sumasandig sa mga biktimang matagal nang pinagkakaitan ng hustisya.

Mula rito, bilang mapag-isang balangay, naghahain ng resolusyon ang STAND UP CAL:

1. Pagkaisa sa mga kasapi ng STAND UP CAL tungo sa pagbuo at pagpanday ng espasyo ng pakikibaka kung saan tiyak ang kaligtasan ng mga miyembro mula sa banta ng sekswal na karahasan at iba pang mga porma ng abuso;

2. Pagpapatupad ng mga mekanismong aaresto sa karahasan sa loob ng lokal na organisasyon at paniniguradong sasandig ang pamunuan sa mga biktima sa pagdinig sa mga kaso kagaya ng pag-agapay sa mga biktima sa kabuuang tilad ng kaso habang sinisigurado ang kanilang kapakanan;

3. Pag-ibayuhing maipaloob ang kampanya para sa safe spaces sa Kolehiyo ng Arte at Literatura at mga konkretong plano sa ilalim ng posisyon ng Students Rights and Welfare Councilor sa mas makatarungang mekanismo at plataporma ng pagrereport ng mga isyu ng diskriminasyon at karahasan;

4. Pagsama sa iba pang mga kumalas na lokal na balangay at mga biktima ng sexual harassment cases sa loob ng STAND UP sa proseso ng pag-abot ng hustisya;

5. Pagbukas ng linya ng komunikasyon sa STAND UP upang bantayan ang pagwawasto nito at pagbibigay hustisya sa mga biktima.

Sa kagyat, ang STAND UP CAL ay aktibong parte ng prosesong nagsusulong ng pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng abuso at bahagi ng binubuong pamunuan na direktang tutugon sa mga hinaing at pangangailangan ng mga biktima sa perspektibang mapagkaisang muli ang STAND UP upang balikan ang mga batayang prinsipyo nito habang mahigpit na hawak ang pagpapanagot sa mga nang-abuso.

Sa kabila ng pagkalas ng STAND UP CAL, nananatiling buo ang diwa ng militansya ng organisasyon at mga kasapi nito, at patuloy na sasandig sa mga batayang prinsipyo ng pakikibaka kasama ang mga artista at iskolar ng bayan, pati na rin ng malawak na hanay ng masang api.

Sa pagsulong ng STAND UP CAL, patuloy tayong hahakbang tungo sa isang malayang lipunan na walang pananamantala, diskriminasyon, at abuso sa kahit anong kasarian at sektor. Kinikilala natin ang mahaba at masalimuot na laban natin sa anumang uri ng karahasan. Nananatiling hamon sa ating lahat ang pagbuo ng ligtas na espasyo sa mga naging biktima, at matiyak na hindi na maulit ang karahasan at pang-aabuso.

Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when STAND UP CAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to STAND UP CAL:

Share