MSSD Datu Odin Sinsuat

Directions Contact the organization

MSSD Datu Odin Sinsuat Uplifting Bangsamoro Lives

𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗢𝗱𝗶𝗻 𝗦𝗶𝗻𝘀𝘂𝗮𝘁, 𝗔𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE — Aktibo...
21/08/2026

𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗢𝗱𝗶𝗻 𝗦𝗶𝗻𝘀𝘂𝗮𝘁, 𝗔𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻

DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE — Aktibong nakibahagi ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) Datu Odin Sinsuat (DOS) sa isinagawang PhilHealth YAKAP Caravan noong Agosto 20, 2026, sa Barangay Awang Covered Court.

Layunin ng YAKAP Caravan na mailapit sa mga mamamayan ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan.

Bilang bahagi ng aktibidad, pinangunahan ng MSSD Datu Odin Sinsuat ang pagsasagawa ng assessment sa mga residenteng nangangailangan ng kaukulang dokumentasyon at serbisyo. Nagbigay rin ang MSSD ng Financially Incapable Certificate sa mga kwalipikadong indibidwal bilang patunay ng kanilang kalagayang pinansyal para sa mga kinakailangang serbisyo at programa.

Sa pamamagitan ng masigasig na serbisyo ng MSSD DOS team, mahigit 200 indibidwal ang nabigyan ng serbisyo sa isinagawang caravan, na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng tanggapan na mailapit ang mga serbisyong panlipunan sa mga nangangailangan.

Pinangunahan ang MSSD DOS team ni Ms. Bai Sittie Aisa O. Druz Ali-Adam, RSW, na nanguna sa paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa komunidad katuwang ang PhilHealth, Cotabato State University Social Work Interns, Barangay Awang, Rural Health Unit (RHU) ng Datu Odin Sinsuat, at Integrated Provincial Health Office (IPHO).


20/08/2026

Ngayong Agosto 19, nakikiisa ang MSSD sa paggunita ng World Humanitarian Day na may temang “Act for Humanity,” bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga taong patuloy na tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng sakuna at kagipitan.

Sa bawat krisis at hamon na kinakaharap ng ating mga komunidad, may mga taong handang maghatid ng agarang tulong, proteksyon, at suporta sa mga higit na nangangailangan. Kabilang dito ang mga humanitarian workers, para-social workers, social workers, volunteers, at iba pang katuwang sa pagtugon.

Patuloy ang MSSD sa pagsusulong ng makatao, maagap, at inklusibong pagtugon upang matiyak na walang maiiwan, lalo na sa mga panahong higit na kailangan ang tulong at pagkalinga.

Sa World Humanitarian Day, saludo tayo sa bawat pusong naglilingkod, bawat kamay na umaagapay, at bawat taong tumutugon sa pangangailangan ng kapwa at nagbibigay ng pag-asa sa gitna ng krisis.




𝐌𝐒𝐒𝐃 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐎𝐃𝐈𝐍 𝐒𝐈𝐍𝐒𝐔𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐂𝐏𝐄𝐍 𝐏𝐀𝐘𝐎𝐔𝐓DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE — Ipinagpatuloy noong Agosto ...
20/08/2026

𝐌𝐒𝐒𝐃 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐎𝐃𝐈𝐍 𝐒𝐈𝐍𝐒𝐔𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐂𝐏𝐄𝐍 𝐏𝐀𝐘𝐎𝐔𝐓

DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE — Ipinagpatuloy noong Agosto 18–19, 2026 ang payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) sa Bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Isinagawa ang Day 3 at Day 4 ng payout sa Covered Court ng Municipal Hall, kung saan bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng ₱6,000, bilang katumbas ng kanilang social pension para sa Enero hanggang Hunyo 2026.

Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD)–Datu Odin Sinsuat ang payout, sa pakikipagtulungan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Local Government Unit (LGU), Barangay Local Government Units (BLGUs), at mga parasocial workers. Layunin ng koordinadong pagsasagawa ng payout na matiyak ang maayos, episyente, at maayos na paghahatid ng benepisyo sa mga kwalipikadong senior citizen.

Ang SocPen ay isang nationally funded social protection program na naglalayong magbigay ng regular na social pension sa mga indigent senior citizens upang makatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang gastusin sa pang-araw-araw.

Sa patuloy na pagpapatupad ng programa, nananatiling nakatuon ang MSSD at mga katuwang na institusyon sa pagsusulong ng kapakanan, seguridad, at dignidad ng mga nakatatanda, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng inklusibo at responsive na serbisyong panlipunan sa Bangsamoro.







Assalamu Alaikum Warahmatullahi Taallah Wabarakatuhu!⚠️Payout announcement po para sa ating mga senior citizens na kasam...
18/08/2026

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Taallah Wabarakatuhu!

⚠️Payout announcement po para sa ating mga senior citizens na kasama sa Social Pension para sa:
Brgy. Makir - white

Brgy Dalican Poblacion -
Green - Abad to Badawi
Orange - Bagan to Guilay
Lavender - Guimla to Mama, R
Pink - Mama, S to Saludin
Yellow - Salupater to Zumbaga

⚠️Para sa listahan, makipag ugnayan sa para social worker o sa daycare worker sa inyong barangay.

⚠️Huwag pong kalimutang dalhin ang inyong senior citizen’s ID at ang anim na kopya nito, national ID at isang kopya nito, at iba pang dokumento na maaaring kailanganin.

Shukran po and kita kita tayo sa venue bukas in shaa Allah..

𝐒𝐨𝐜𝐏𝐞𝐧 𝐏𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐃𝐚𝐲 𝟐 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐭𝐮 𝐎𝐝𝐢𝐧 𝐒𝐢𝐧𝐬𝐮𝐚𝐭𝑫𝒂𝒕𝒖 𝑶𝒅𝒊𝒏 𝑺𝒊𝒏𝒔𝒖𝒂𝒕, 𝑴𝒂𝒈𝒖𝒊𝒏𝒅𝒂𝒏𝒂𝒐 𝒅𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒓𝒕𝒆 — Ipinagpatuloy noong Ago...
18/08/2026

𝐒𝐨𝐜𝐏𝐞𝐧 𝐏𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐃𝐚𝐲 𝟐 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐭𝐮 𝐎𝐝𝐢𝐧 𝐒𝐢𝐧𝐬𝐮𝐚𝐭

𝑫𝒂𝒕𝒖 𝑶𝒅𝒊𝒏 𝑺𝒊𝒏𝒔𝒖𝒂𝒕, 𝑴𝒂𝒈𝒖𝒊𝒏𝒅𝒂𝒏𝒂𝒐 𝒅𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒓𝒕𝒆 — Ipinagpatuloy noong Agosto 17, 2026 ang payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Isinagawa ang Day 2 ng payout sa Covered Court ng Barangay Bugawas, kung saan nakatanggap ng ₱6,000 ang bawat kwalipikadong benepisyaryo mula sa mga Barangay ng Bugawas, Taviran, Tambak, Tanuel, Dulangan, Ambolodto, Bitu, at Baka. Ang halagang ito ay katumbas ng kanilang buwanang pensyon para sa Enero hanggang Hunyo 2026.

Pinangunahan ng MSSD–Datu Odin Sinsuat ang distribusyon ng pensyon, katuwang ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Local Government Unit (LGU), Barangay Local Government Units (BLGUs), at mga parasocial workers upang matiyak ang maayos, mabilis, at episyenteng payout.

Ang SocPen Program ay isang nationally funded social protection program na ipinatutupad ng MSSD sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Layunin nitong magbigay ng regular na pensyon sa mga indigent senior citizens upang makatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan, tulad ng pagkain, gamot, at iba pang gastusin sa araw-araw.

Sa patuloy na pagpapatupad ng SocPen, sinisikap ng MSSD at ng mga katuwang nitong ahensya na maihatid ang kinakailangang suporta habang pinangangalagaan ang kapakanan, seguridad, at dignidad ng ating mga nakatatanda.






Assalamu Alaikum Warahmatullahi Taallah Wabarakatuhu!⚠️Payout announcement po para sa ating mga senior citizens na kasam...
17/08/2026

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Taallah Wabarakatuhu!

⚠️Payout announcement po para sa ating mga senior citizens na kasama sa Social Pension para sa South Brgys. cluster (Bagoenged, Benolen, Bongued, Dados, Kakar, Kenebeka, Margues, Kurintem, Nekitan, Sapalan, Sibuto, Sifaran, at Tenonggos).

⚠️Para sa listahan, makipag ugnayan sa para social worker o sa daycare worker sa inyong barangay.

⚠️Huwag pong kalimutang dalhin ang inyong senior citizen’s ID at ang anim na kopya nito, national ID at isang kopya nito, at iba pang dokumento na maaaring kailanganin.

Shukran po and kita kita tayo sa venue bukas in shaa Allah..

𝐃𝐚𝐲 1 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐜𝐏𝐞𝐧 𝐏𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐭𝐮 𝐎𝐝𝐢𝐧 𝐒𝐢𝐧𝐬𝐮𝐚𝐭𝑫𝒂𝒕𝒖 𝑶𝒅𝒊𝒏 𝑺𝒊𝒏𝒔𝒖𝒂𝒕, 𝑴𝒂𝒈𝒖𝒊𝒏𝒅𝒂𝒏𝒂𝒐 𝒅𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒓𝒕𝒆—Sinimulan noong Agosto 16...
16/08/2026

𝐃𝐚𝐲 1 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐜𝐏𝐞𝐧 𝐏𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐭𝐮 𝐎𝐝𝐢𝐧 𝐒𝐢𝐧𝐬𝐮𝐚𝐭

𝑫𝒂𝒕𝒖 𝑶𝒅𝒊𝒏 𝑺𝒊𝒏𝒔𝒖𝒂𝒕, 𝑴𝒂𝒈𝒖𝒊𝒏𝒅𝒂𝒏𝒂𝒐 𝒅𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒓𝒕𝒆—Sinimulan noong Agosto 16, 2026 ang unang araw ng payout para sa mga benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Isinagawa ang Day 1 ng payout sa Covered Court ng Barangay Awang, kung saan bawat benepisyaryo mula sa Barangay Awang, Tamontaka, Capiton, Semba, Labungan, Mompong, Dinaig Proper, Linek, Badak, Kusiong, at Tapian ay tumanggap ng ₱6,000, bilang kabayaran sa kanilang buwanang pensyon para sa Enero hanggang Hunyo 2026.

Pinangasiwaan ng MSSD–Datu Odin Sinsuat ang distribusyon ng pensyon, katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Datu Odin Sinsuat, Local Government Unit (LGU), Barangay Local Government Unit (BLGU) at mga parasocial workers upang matiyak ang maayos at episyenteng payout.

Ang SocPen Program ay isang nationally funded social protection program na ipinatutupad ng MSSD sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Layunin nitong magbigay ng regular na pensyon sa mga indigent senior citizens upang makatulong sa pagtugon sa kanilang pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang gastusin sa araw-araw.

Sa pamamagitan ng SocPen, patuloy na naipapakita ang commitment ng MSSD at mga katuwang nitong ahensya na mapangalagaan ang kapakanan at dignidad ng mga nakatatanda sa komunidad.






Assalamu Alaikum Warahmatullahi Taallah Wabarakatuhu!⚠️Payout announcement po para sa ating mga senior citizens na kasam...
16/08/2026

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Taallah Wabarakatuhu!

⚠️Payout announcement po para sa ating mga senior citizens na kasama sa Social Pension para sa Bugawas cluster (Bugawas, Ambolodto, Baka, Bitu, Tambak, Tanuel, and Taviran)

⚠️Para sa listahan, makipag ugnayan sa para social worker o sa daycare worker sa inyong barangay.

⚠️Huwag pong kalimutang dalhin ang inyong senior citizen’s ID at ang anim na kopya nito, national ID at isang kopya nito, at iba pang dokumento na maaaring kailanganin.

Shukran po and kita kita tayo sa venue bukas in shaa Allah..

𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗢𝗱𝗶𝗻 𝗦𝗶𝗻𝘀𝘂𝗮𝘁, 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗙𝗮𝗰𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗥𝗲𝘂𝗻𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻DAVAO CITY — A collaborative effort among soc...
15/08/2026

𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗢𝗱𝗶𝗻 𝗦𝗶𝗻𝘀𝘂𝗮𝘁, 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗙𝗮𝗰𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗥𝗲𝘂𝗻𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

DAVAO CITY — A collaborative effort among social welfare offices and local government officials led to the successful reunification of a child with her mother on August 5, 2026, in Barangay Tibungco, Davao City.

The reunification was facilitated through the joint efforts of the Ministry of Social Services and Development (MSSD) Datu Odin Sinsuat, headed by Ms. Bai Sittie Aisa O. Druz Ali-Adam, RSW; the City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Bunawan District of Davao City represented by focal person Mr. Allen Nunez, RSW; and Barangay Tibungco, led by Hon. Merjade Deles Calvo, Barangay Chairwoman.

The coordinated intervention focused on supporting the child’s return to her mother while ensuring that the process was undertaken with due consideration of the child’s welfare, safety, and best interests.

The activity underscored the importance of inter-agency collaboration in addressing child and family welfare concerns, particularly in cases requiring coordination across different localities. The active participation of social workers and local officials helped facilitate the necessary arrangements for the child’s safe reunification with her mother.

MSSD Datu Odin Sinsuat expressed its appreciation to the Davao City CSWDO Bunawan District and Barangay Tibungco Chairwoman for their cooperation and valuable support in facilitating the reunification.

The successful effort demonstrates how strong partnerships among social welfare institutions and local communities can contribute to protecting children, strengthening families, and promoting the best interests of every child.




𝗖𝗼𝗹𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗢𝘂𝘁𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀A shared commitment to responsive and co...
15/08/2026

𝗖𝗼𝗹𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗢𝘂𝘁𝗰𝗼𝗺𝗲𝘀

A shared commitment to responsive and coordinated social services brought together the MSSD Datu Odin Sinsuat, MSSD Kanlungan Action Center, and the Social Work Department of Coland Systems Technology Inc. for a case conference.

The conference served as an important venue for the participating social work teams to discuss and assess the circumstances surrounding a specific case, identify existing concerns and needs, and explore appropriate interventions that would best address the client’s situation.

Through the case conference, the participating offices were able to exchange professional insights, review the interventions already provided, and identify possible strategies moving forward. The collaborative discussion emphasized the importance of looking beyond the immediate concerns of a client and considering the family, social, and environmental factors that may influence the case.

More than simply discussing a case, the conference demonstrated the value of inter-agency collaboration in social work practice. Complex cases often require different perspectives, expertise, and resources. By bringing concerned social workers and partner institutions together, interventions can become more coordinated, holistic, and responsive to the client’s needs.


#𝗨𝗽𝗹𝗶𝗳𝘁𝗶𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀

Address

Barangay Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
Dinaig
9601

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSSD Datu Odin Sinsuat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MSSD Datu Odin Sinsuat:

Shortcuts

Share