MDRRMO-Datu Odin Sinsuat

MDRRMO-Datu Odin Sinsuat This is the Official page of Datu Odin Sinsuat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

26 August 2026๐Ÿ“ข MDRRMO PARTICIPATES IN 2026 BANGSAMORO SCIENCE AND TECHNOLOGY WEEKNakikiisa ang Municipal Disaster Risk ...
28/08/2026

26 August 2026

๐Ÿ“ข MDRRMO PARTICIPATES IN 2026 BANGSAMORO SCIENCE AND TECHNOLOGY WEEK

Nakikiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Datu Odin Sinsuat sa 2026 Bangsamoro Science and Technology Week (BSTW) na isinagawa ng Ministry of Science and Technology โ€“ BARMM na ginanap sa KCC Convention Hall, Cotabato City noong August 26, 2026.

Dumalo ang MDRRMO sa lecture series na nakatuon sa disaster preparedness, risk communication, at public awareness, kabilang ang lecture ng DOSTโ€“PHIVOLCS.

Ang pakikilahok na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MDRRMO na mapalawak ang kaalaman, mapahusay ang kahandaan, at mapalakas ang disaster risk reduction and management sa ating komunidad.

Siyensya at teknolohiya para sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na Bangsamoro!

27/08/2026

๐“๐‘๐€๐•๐„๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜
Agosto 27, 2026

Inaabisuhan ang publiko na ang Miondas Bridge sa kahabaan ng Maharlika Highway (Cotabato - Malabang - Lanao del Norte Road) sa Barangay Lamin, Malabang, Lanao del Sur, ay kasalukuyang one-lane passable lamang. Gumuho ang bridge approach nito dahil sa nasirang slope protection na dulot nang walang-tigil na pag-ulan.

Ang mga maintenance personnel ay nasa site na upang gabayan ang trapiko at suriin ang sitwasyon. Naglagay na rin ng mga kaukulang babala sa lugar.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon, at mag-ingat sa inyong pagbiyahe.

___________________

๐“๐‘๐€๐•๐„๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜
Agosto 27, 2026

Gipahibalo ang publiko nga ang Miondas Bridge sa may Maharlika Highway (Cotabato - Malabang - Lanao del Norte Road) sa Barangay Lamin, Malabang, Lanao del Sur, kasamtangang one-lane passable lamang. Nahugno ang bridge approach niini tungod sa scoured nga slope protection nga nahitabo tungod sa walay hunong nga pag-ulan.

Anaa na sa dapit ang mga maintenance personnel aron modumala sa dagan sa trapiko ug mosusi sa sitwasyon. Nagbutang na usab og warning signs sa lugar.

Salamat sa inyong kooperasyon, ug mag-amping sa inyong pagbiyahe.





27 August 2026โš ๏ธ ROAD ACCIDENT ALERT | BRGY. MARGUESNgayong gabi, 7:35 PM, isang motorcycle accident ang naganap sa kaha...
27/08/2026

27 August 2026

โš ๏ธ ROAD ACCIDENT ALERT | BRGY. MARGUES

Ngayong gabi, 7:35 PM, isang motorcycle accident ang naganap sa kahabaan ng Cotabatoโ€“General Santos Highway, partikular sa Brgy. Margues, kung saan sangkot ang mga kabataan.

Agad na rumesponde ang MDRRMO staff at isinugod ang biktima sa pagamutan para sa kaukulang atensyong medikal.

Sa mga magulang, gabayan at disiplinahin natin ang ating mga anak. Palaging ipaalala na iisa lamang ang buhay. Iwasan ang motor racing, overspeeding, at anumang mapanganib na pagmamaneho.

Hindi racing track ang highway. Huwag nating hintayin na may mas malalang mangyari bago tayo kumilos. Dahil sa isang maling desisyon, maaaring buhay ang kapalitโ€”at maging mga inosenteng tao ay maaaring madamay.

Mag-ingat tayo sa kalsada.
Kabataan, maghinay-hinay.
Mga magulang, gabayan natin sila.

22 August 2026ROAD CLEARING OPERATION Maagang nagising at nagtungo sa kalsada ang mga Barangay Officials ng mga barangay...
24/08/2026

22 August 2026

ROAD CLEARING OPERATION

Maagang nagising at nagtungo sa kalsada ang mga Barangay Officials ng mga barangay na nasa National Highway upang makiisa sa Road Clearing Operation noong Sabado, August 22, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng butihing alkalde na si Hon. Mayor Abdulmain P. Abas, kasama ang GSO, MDRRMO, BFP, PNP, 14 Mech, Bpats, at mga volunteers.

Alas-6:00 pa lamang ng umaga, nasa kalsada na ang mga barangay officials at iba pang katuwang upang magsagawa ng clearing operation mula sa kahabaan ng Diversion Road sa bahagi ng Barangay Capiton hanggang Poblacion Dalican.

Ang aktibidad ay bahagi ng mga hakbang sa Prevention and Mitigation upang mapanatiling maluwag, accessible, at ligtas ang mga pangunahing daanan at makatulong na maiwasan ang pag-ulit ng mga insidenteng naglalagay sa panganib sa ating mga kababayan.

Samantala, noong Linggo, nagpatuloy naman ang road clearing operation sa mga barangay na nasa looban, sa pangunguna ng kani-kanilang Barangay Officials at katuwang ang mga bpats.

Lubos ang aming pasasalamat kay Hon. ABC President Bai Ivierose Sinsuat sa kanyang patuloy na suporta sa naturang aktibidad at sa mga Barangay Officials na naglaan ng oras at lakas upang maging matagumpay ang operasyon.

Maraming salamat din sa lahat ng Bpats, volunteers, at participating agencies na nakiisa sa gawaing ito.

Tuloy-tuloy ang bayanihan. Tuloy-tuloy ang serbisyo. Para sa mas ligtas na Datu Odin Sinsuat.

19 August 2026Road Clearing Operation Coordination MeetingIsinagawa ang Road Clearing Operation Coordination Meeting sa ...
24/08/2026

19 August 2026

Road Clearing Operation Coordination Meeting

Isinagawa ang Road Clearing Operation Coordination Meeting sa Mayor's Office kasama ang mga Barangay Officials ng mga barangay na sakop ng National Highway sa bayan, na siyang target ng naturang operasyon.

Ang road clearing operation ay isa sa mga nabigyang-diin ni Hon. Mayor Abdulmain P. Abas sa kamakailang Municipal Peace and Order Council (MPOC) Meeting, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at accessibility ng mga pangunahing kalsada sa bayan.

Sa operasyon, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at General Services Office (GSO) ang magsisilbing lead offices, kasama ang 14th Mechanized Infantry Battalion (14 MECH), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga Barangay Officials bilang katuwang sa pagpapatupad.

Ang aktibidad ay bahagi ng Prevention and Mitigation measures upang matiyak na maluwag, accessible, at ligtas ang National Highway at makatulong na maiwasan ang pag-ulit ng mga insidenteng maaaring maglagay sa panganib sa mga motorista, responders, at mga residente, kabilang ang insidenteng pag-ambush.

Tinalakay sa coordination meeting ang mga target na lugar, deployment, security measures, mga responsibilidad ng bawat participating office at barangay, at iba pang kinakailangang paghahanda para sa maayos at ligtas na pagpapatupad ng operasyon.

Layunin: Ligtas na daan, mabilis na response, at mas ligtas na komunidad.

18 August 2026Distribution of Family Food Packs ๐ŸคIsinagawa ang Distribution of Family Food Packs sa mga pamilyang naapek...
24/08/2026

18 August 2026

Distribution of Family Food Packs ๐Ÿค

Isinagawa ang Distribution of Family Food Packs sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa pakikipagtulungan ng DSWD-12.

Ang mga pamilyang ito ay tatlong linggo nang apektado ng pagbaha, kaya patuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Bayan sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Nakiisa sa pamamahagi sina Hon. Councilor Bai Sophia Abas, Hon. Councilor Surab Lumanggal, Hon. Councilor Sheng Druz Ali, at Hon. Councilor Rahib Diocolano, kasama ang mga Barangay Officials ng mga naturang barangay at MDRRMO team.

Ang distribution ay isinagawa sa direktiba ni Hon. Mayor Abdulmain Abas, kasama si Hon. Vice Mayor Datu Bobsteel Sinsuat, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagbibigay ng assistance sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan, DSWD-12, Barangay Officials, at iba pang katuwang, patuloy nating inaabot ang mga pamilyang nangangailangan ng tulong.

Patuloy ang serbisyo. Patuloy ang malasakit. Walang maiiwan. ๐Ÿคฒ๐Ÿปโค๏ธ

18 August 2026Validation of Flood-Affected Families in Barangays Tambak, Bitu, and MarguesThe MDRRMO staff conducted fie...
24/08/2026

18 August 2026

Validation of Flood-Affected Families in Barangays Tambak, Bitu, and Margues

The MDRRMO staff conducted field validation to verify and document families affected by flooding with Hon. Councilor Rahib Diocolano in the identified barangays, as part of the municipalityโ€™s disaster response and assessment activities.

24 August 2026Regular Flag Ceremony ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNakikiisa ang MDRRMO-Datu Odin Sinsuat staff sa regular na Flag Ceremony ngayong L...
24/08/2026

24 August 2026

Regular Flag Ceremony ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Nakikiisa ang MDRRMO-Datu Odin Sinsuat staff sa regular na Flag Ceremony ngayong Lunes, bilang pagpapakita ng paggalang sa ating watawat at paninindigan sa tapat, maagap, at responsableng paglilingkod sa ating mga kababayan.

MDRRMO-DOS โ€” Laging Handa, Laging Nakaagapay. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

21/08/2026
17/08/2026

50 YEARS AFTER THE 1976 MORO GULF EARTHQUAKE
AUGUST 17, 1976 โ€“ AUGUST 17, 2026

REMEMBER. PREPARE. BE EARTHQUAKE READY.

A strong earthquake can happen again in Mindanao.

The Cotabato Trench is an active seismic zone capable of generating major earthquakes and potentially destructive tsunamis.

Address

Poblacion Dalican
Dinaig
9601

Telephone

+639068529578

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MDRRMO-Datu Odin Sinsuat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share