The Working Local Chief Executive

The Working Local Chief Executive LEGACY of Working Mayor Datu Lester Sinsuat (2022-2025)
(1)

10/06/2025
SolidDOS NEWS | UNA SA LAHATMay 23, 2025 FridayWORKING MAYOR: UMAAKSYON, NAGBIBIGAY NG SOLUSYONLAKBAIALI - Sagip at tulo...
23/05/2025

SolidDOS NEWS | UNA SA LAHAT
May 23, 2025 Friday

WORKING MAYOR: UMAAKSYON, NAGBIBIGAY NG SOLUSYON

LAKBAIALI - Sagip at tulong Program ni MP Engr. Bai Ali S. Karon,MPA,JD para sa mga pamilyang nasalanta ng Baha sa Pob. Dalican Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del NORTE.

HUMIGIT dalawang-daang indibidwal na apektado ng matinding pagbaha sa Sitio Pendaliday at Sitio Lumpong, Poblacion Dalican naabutan ng tulong.

PINANGUNAHAN ng tanggapan ni Member of Parliament Engr. Bai Ali S. Karon,MPA,JD ang pamamahagi ng tulong sa bayan ng Datu Odin Sinsuat partikular sa Sition Pendaliday at Sitio Lumpong, Poblacion Dalican kung saan nakaranas ng matinding baha dulot ng patuloy na pag-ulan noong martes May 20, 2025.

Isinagawa ang Food Assistance Distribution kanina May 23, 2025 sa Municipal Covered Court, Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del NORTE. Naisakatuparan ang pamamahagi sa pakikipagtulungan at maayos na koordinasyon mula sa MDRRMO-DOS sa pangunguna ni Monesa Ayao Sale.

Ayon sa staff mula sa tanggapan ni MP Engr. Bai Ali S. Karon,MPA,JD, hinugot ang pondo mula sa pinagsamang bonus at sweldo ni MP Bai Ali Karon. Kaya naman labis ang pasasalamat ng mga pamilyang naabutan ng tulong mula sa opisyal.

Nagpapasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat sa tulong na naipaabot ng Programang LAKBAIALI - Sagip at tulong Program ni MP Engr. Bai Ali S. Karon,MPA,JD.

Muli, Maraming Salamat MP Engr. Bai Ali S. Karon,MPA,JD.

NONSTOP NA SERBISYO: SERBISYONG MAYOR LESTER, SERBISYONG TAPAT PARA SA BAYAN




SolidDOS NEWS | UNA SA LAHATWORKING MAYOR: UMAAKSYON, NAGBIBIGAY NG SOLUSYONPINANGUNAHAN ng MDRRMO-Datu Odin Sinsuat sa ...
20/05/2025

SolidDOS NEWS | UNA SA LAHAT

WORKING MAYOR: UMAAKSYON, NAGBIBIGAY NG SOLUSYON

PINANGUNAHAN ng MDRRMO-Datu Odin Sinsuat sa pangunguna na Monesa Ayao-Sale ang isinagawang force evacuation kanina alas otso ng gabi sa Sitio Arafat, Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa tulong ng BFP-Datu Odin Sinsuat at PNP-DOS, ligtas na nailikas ng MDRRMO-DOS ang mga residente na lubhang naapektuhan ng rumaragasang baha na dulot ng malakas na ulan simula pa kaninang hapon.

Una ng nagpaalala ang MDRRMO-DOS sa lahat ng mga naninirahan sa mga low-lying area na mag-ingat, maging alerto at agad na lumikas kung kinakailangan dahil sa posibleng pagbaha at mabilis na pagragasa ng tubig mula sa kabundukan.

Sa ngayon, patuloy paring minomonitor ng MDRRMO-DOS, BFP, PNP, AFP at PDRRMO ang mga lugar sa Datu Odin Sinsuat na apektado ng baha.

Pinapaalalahanan ang lahat na makipagtulungan at sundin ang mga tagubilin ng awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.

Mag ingat po tayong lahat.

NONSTOP NA SERBISYO: SERBISYONG MAYOR LESTER, SERBISYONG TAPAT PARA SA BAYAN




07/05/2025

SolidDOS | UNA SA LAHAT
May 7, 2025 Wednesday

WORKING MAYOR: UMAAKSYON, NAGBIBIGAY NG SOLUSYON

Sa loob ng humigit dalawang taon simula ng pamunuan muli ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat ang bayan ng Datu Odin Sinsuat ay mas na-iangat nito ang kalidad ng pagseserbisyo sa bayan.

Sa kanyang pamumuno, ibinaba ng LGU-Datu Odin Sinsuat ang mga serbisyo sa mga pamayanan na kung saan abot kamay ng mga nasa laylayan.

Ilan sa mga programang napagtagumpayan ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat ay ang walang humpay at kaliwa't kanang Medical Outreach Program sa 34 Barangays ng Datu Odin Sinsuat na sya ng naging Flagship Program ng Lokal na Pamahalaan.

Ang programang ito ay tinutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga underprivileged na mamamayan ng Datu Odin Sinsuat.

Bukod pa rito, ang kaliwat kanang Distribution of Cash at Food Assistance mula sa mga programa ng ating Gobyerno na naipapamahagi ng Local Government Unit ng Datu Odin Sinsuat sa 34 Barangays upang magbigay oportunidad at suporta sa mga kababayan nating nasa laylayan.

Ang Local Governement Unit ng Datu Odin Sinsuat ay hindi lamang nakatuon sa mga proyektong nasa sentro ng bayan kundi naglalaan din ng mga hakbang na mapabuti ang kalagayan ng mga kababayan nating nasa mga liblib at bulubunduking Barangay ng Datu Odin Sinsuat. Matagumpay na naipaayos at nagkaroon ng mga road concreating Projects sa mga Barangays.

Ang mga road concreating projects ay ilan lamang sa mga inisyatibong pangmatagalang proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat.

Dahil sa pagsusumikap at pagiging masigasig ni working Mayor Datu Lester Sinsuat, napanatili nito ang pagiging most competitive Municipality hindi lamang sa probinsya ng Maguindanao del Norte kundi pati na sa buong Bangsamoro Region.

Kinilala at pinarangalan ang bayan ng Datu Odin Sinsuat bilang TOP 1 OVERALL MOST COMPETITIVE Municipality mula sa 1st to 2nd Class Municipalities sa buong BARMM Region.

Ang pagkilala sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ay mula sa DTI- National (DTI Competitiveness Bụreau - CMCI Program) at BARMM- MTIT sa kanilang 4th BANGSAMORO CITIES AND MUNICIPALITIES COMPETITIVENESS SUMMIT: "Best among the BARMM" noong January 18, 2024 sa Cotabato City.

Kaya naman, hindi maikakaila ang labis na pasasalamat at papuring ibinibigay sa kanya ng mga mahal nyang kababayan sa Datu Odin Sinsuat.

NONSTOP NA SERBISYO: SERBISYONG MAYOR LESTER, SERBISYONG TAPAT PARA SA BAYAN




02/05/2025

Assalamu Alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu
Jumma Mubarak!

Ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat ay patuloy sa pagsulong ng mga programa at proyektong makakatulong sa bawat mamamayan nito na mapa-unlad ang kanilang pamumuhay.

Panuorin natin at pakinggan si Sheik Abdulkarim Bansawan Utto na nanirahan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ng ilang taon at ang kanyang masasabi sa liderato ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat.

Jumma Mubarak!
May your prayers today bring you strength and give you the courage to face any challenges ahead of you.

25/04/2025

Jumma Mubarak! May Allah grant you peace and happiness on this blessed day.

22/04/2025

Address

Datu Odin Sinsuat
Dinaig
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Working Local Chief Executive posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to The Working Local Chief Executive:

Share