06/06/2026
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang One-Day Medical and Dental Mission na ginanap sa Municipal Covered Court bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ng ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Arvee Vargas.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga doktor na buong pusong naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at serbisyo upang mabigyan ng dekalidad na pangangalagang pangkalusugan ang ating mga kababayang Dinalungeño:
• Dr. Kelvin Clein Curitana
• Dr. Vangelyn Apostol
• Dr. Camille Apalla
• Dr. Melissa Capili
• Dr. Reine Gabrielle Layug
• Dr. Marienessa Coralde
• Dr. Carly Aujero
• Dr. Harold Alcantara
• Dr. Natalie Tubera
• Dr. Joey Querijero
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa buong kawani ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Beverly V. Beralde, gayundin sa lahat ng mga katuwang na DOH-HRH, BHWs at volunteers na naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.
Ang inyong dedikasyon at malasakit ay patunay ng tunay na diwa ng paglilingkod sa mamamayan. Nawa'y patuloy nating maisulong ang isang mas malusog at mas matatag na komunidad para sa bawat Dinalungeño.
Maraming salamat po at mabuhay ang bayan ng Dinalungan!