Tong Santos

Directions Contact the organization

Tong Santos Official Page of Tong Santos
of Dinalupihan, Bataan

πŸ‘π‘πƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πŽπ… π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ (πƒπ€π˜ 𝟐) | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ”Ngayong araw po ay patuloy tayong nakisaya k...
22/09/2026

πŸ‘π‘πƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πŽπ… π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ (πƒπ€π˜ 𝟐) | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ”

Ngayong araw po ay patuloy tayong nakisaya kasama po ang ating mga minamahal na lolo at lola, para sa pagpapatuloy ng 3rd Quarter General Assembly sa Dinalupihan Civic Center.

Naisakatuparan po ng maayos ang programa sa pangunguna po ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pamumuno ni MSWDO Head Petronila Grace Saberon, katuwang po sina FSCAP President Dante Javier, OSCA President Lo**ta Guirao, at mga Senior Citizen Chairpersons mula sa iba’t ibang barangay.

Dumalo rin po sa pagtitipon ang ating Tourism Chairperson, Mayora Tey Santos kasama po mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna po ni Vice Mayor Fer Manalili, mga Municipal Department Heads, at Municipal Consultants.


πŽπ€π“π‡π“π€πŠπˆππ† πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒-𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑𝐒 π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ”Naging bahagi po tayo ngayong araw...
22/09/2026

πŽπ€π“π‡π“π€πŠπˆππ† πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒-𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑𝐒 π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ”

Naging bahagi po tayo ngayong araw para sa pormal na panunumpa ng ating mga bagong halal na opisyal ng District Federated Parents-Teachers Association (FPTA) ito po ay para sa pagpapatibay ng ugnayan at pagtutulungan ng ating mga magulang, g**o, at mga katuwang po natin sa sektor ng edukasyon.

Kasama po natin sina Dinalupihan East District Supervisor Ruel Lingad at Dinalupihan West District Supervisor Francis Bautista. Sa pamamagitan po ng bagong pamunuan ng FPTA; patuloy na maisusulong ang pakikilahok ng mga magulang at ang sama-sama pong pagkilos para sa pag-unlad, at kapakanan ng mga mag-aaral po sa ating mga paaralan.


πŸ‘π‘πƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πŽπ… π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ (πƒπ€π˜ 𝟏) | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ”Nakisaya po tayo ngayon para sa unang araw n...
21/09/2026

πŸ‘π‘πƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πŽπ… π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ (πƒπ€π˜ 𝟏) | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ”

Nakisaya po tayo ngayon para sa unang araw ng ating Quarterly General Assembly para po sa ating mga minamahal na senior citizens na ginanap po sa Dinalupihan Civic Center.

Naging masigla po ang programa sa pamamagitan po ng ating munting sayawan, kantahan, salo-salo, raffle, at mga handog na regalo mula po sa ating Lokal na Pamahalaan.

Pinangasiwaan po ang aktibidad kasama po sina MSWDO Head Petronila Grace Saberon, katuwang sina FSCAP President Dante Javier, OSCA President Lo**ta Guirao, at mga Senior Citizen Chairpersons mula sa iba’t ibang barangay.

Nakibahagi rin po sa atin nagyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna po ni Vice Mayor Fer Manalili, mga Municipal Department Heads, at Municipal Consultants.


21/09/2026

πƒπˆππ€π‹π”ππˆπ‡π€π ππ‹πŽπŽπƒ πƒπŽππ€π“πˆπŽπ π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ 🩸

Ang bawat patak ng dugo ay katumbas ng pag-asa at buhay. Sama-sama nating ipamalas ang malasakit at bayanihan para sa ating kapwa sa gaganaping Blood Donation Activity sa September 30, 2026.

Venue:
πŸ“Bulwagan ng Bayan
πŸ“Brgy. San Pablo Covered Court
πŸ“Brgy. Dalao Covered Court

Time:
⏰ 9:00 AM - 1:00 PM

β€œShare a Little, Care a Little. Donate Blood.”


𝐅𝐋𝐀𝐆 π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ”Tayo po ay dumalo sa ginanap na flag ceremony sa Bulwagan ng Bayan ngayong araw. Katuw...
21/09/2026

𝐅𝐋𝐀𝐆 π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟐𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ”

Tayo po ay dumalo sa ginanap na flag ceremony sa Bulwagan ng Bayan ngayong araw. Katuwang po natin ang Office of the Vice Mayor at Sangguniang Bayan Staff para po sa ikatlong lunes ng buwan ng Setyembre.

Ibinahagi po natin ang mga naging aktibidad ng Pamahalaang Bayan, gayundin po ang mga nakalatag na gawain at programa para po sa mga susunod na araw. Kasabay po nito, masaya po nating binati ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan na nagdiriwang po ng kanilang kaarawan ngayong linggo.

Ibinahagi rin po sa programa ang pagbibigay ng mga sertipiko sa mga matagumpay na nakilahok sa isinagawang 𝐃𝐫𝐒𝐯𝐒𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈 π€π¬π¬πžπ¬π¬π¦πžπ§π­.

Kabilang sa mga ginawaran ng sertipiko sina:
β€’ Elito Aguilar
β€’ Ronald Arnoco
β€’ Dominador BaΓ±ez
β€’ Carlito Dela Cruz
β€’ Ronnie Magpayo
β€’ Mark Anthony Montemayor
β€’ TPSO Chief Angel Organo

Muli, mapagpalang araw po sa ating lahat!


19/09/2026
19/09/2026

πˆππ“π„π‘ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π‚πŽπ€π’π“π€π‹ 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 πƒπ€π˜ πŸπŸŽπŸπŸ”

Ngayong Setyembre 19, 2026, sama-sama nating pangalagaan ang ating yamang tubig at mga baybayin sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan at wastong pangangalaga sa ating kapaligiran.

Ang bawat basurang ating pinupulot at bawat responsableng gawain ay hakbang tungo sa mas malinis na baybayin, mas ligtas na karagatan, at mas maayos na kinabukasan para sa lahat.

🀝 Makiisa, kumilos, at maging bahagi ng pagbabago!
🌱 Protektahan ang karagatan. Pangalagaan ang baybayin. Para sa susunod na henerasyon.


πƒπ€π˜ πŸ’: π‚πŽππ“πˆππ”π€π“πˆπŽπ πŽπ… π„πƒπ”π‚π‡πˆπ‹πƒ ππ€π‘π„ππ“πˆππ† π’π„πŒπˆππ€π‘ | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ πŸπŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”Tayo po ay muling nagbigay suporta para po sa atin...
17/09/2026

πƒπ€π˜ πŸ’: π‚πŽππ“πˆππ”π€π“πˆπŽπ πŽπ… π„πƒπ”π‚π‡πˆπ‹πƒ ππ€π‘π„ππ“πˆππ† π’π„πŒπˆππ€π‘ | π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ πŸπŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”

Tayo po ay muling nagbigay suporta para po sa ating EduChild Parenting Seminar na may tema pong β€œMatatag na Pamilyang DinalupiheΓ±o,” sa Dinalupihan Civic Center para po sa ating mga kalahok mula sa Dinalupihan West. Kasama rin po natin ang mga CDC teachers na sumailalim po sa EduChild Parenting Training.

Ang naturang aktibidad naman po ay pinangasiwaan ni MSWDO Head Petronila Grace Saberon, kung saan ipinagpatuloy po nila ang talakayan mula Modyul 8 hanggang Modyul 13.

Ang mga talakayan naman po ay ukol sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga magulang at pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa paggabay at paghubog sa mga kabataan sa ating komunidad.


Address

Dinalupihan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tong Santos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tong Santos:

Shortcuts

Share