Barangay Del Pilar

Barangay Del Pilar for Barangay update purposes.

29/12/2025

Muling ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na istriktong ipinatutupad sa Pilipinas ang RA No. 7183 o ang batas na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Kaakibat naman ng tradisyong pinoy ng pagsalubong sa bagong taon, ipinapayo ang paginom ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system dahil madalang maiwasan ngayon ang pakikisalamuha sa kapwa, kasama na diyan ang ating nakagawiang pagpupuyat sa gabi bago sumapit ang bagong taon.

Bukod dito, dapat din nating isaisip na ang pagkain ng sobra ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ipinapayo na iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at masesebong pagkain. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis pati na ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo.

Gawing ligtas, masaya, at makulay ang pagsalubong sa bagong taon. Gawin ito ng tama upang maiwasan ang biglaang pagbisita sa ospital.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


11/08/2025

⚠️ 656,115 NA MGA PILIPINO, MAY DIABETES NA

‼️Ayon sa pinakahuling datos ng Field Health Services Information System ng DOH (FHSIS, 2024), 656,115 na Pilipino ang may diabetes. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi nakakaalam na sila ay may ganitong kondisyon.

Alamin ang mga sintomas ng Diabetes. Ugaliin ang regular na konsultasyon para mabantayan ang kalusugan at para sa maagang gamutan.




09/08/2025

ALAM NIYO BA?
Hindi lamang sa taong gumagamit may epekto ang ipinagbabawal na gamot. Malaki rin ang naidudulot na negatibong epekto nito sa pamilya at komunidad. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang iligal na paggawa, pagbebenta, at paggamit nito ay konektado sa mga krimen gaya ng human trafficking, online scamming, lalo't pati na sa kondisyon sa kalusugan na kadalasang nauuwi sa malulubhang karamdaman at kamatayan.

Kaakibat nito ay nais bigyang-diin ng Provincial Health Office ang pag-asa para sa mga indibidwal na nasa madilim na mundo ng droga. Ipinapaalala na hindi pa huli ang lahat, mayroon pang oras at pagkakataon para umahon mula sa inyong pagkakalunod sa paggamit ng iligal na droga. Maaari kayong magtungo sa pinakamalapit na RHU sa inyong lugar dahil ang lokal na pamahalaan dito sa Bataan ay mayroong programang 'Community-Based Drug Rehabilitation Program' (CBDRP) na naglalayong magbigay ng suporta at tulong para sa mas epektibong pagtigil ng bisyo.

Tandaan, kapalit ng panandaliang libang na dulot ng droga ay ang pagkasira ng inyong mental at pisikal na kalusugan, pagkawasak ng pamilya, at pagkasira ng inyong maayos na estado sa lipunan. Bukod pa rito ay mataas din ang tyansang ikaw ay makulong, at magdulot ng pagkabaliw o kamatayan.

Iwasan ang droga, maging matalino sa inyong pipiliing landas. Kailanman ay hindi nakapagbigay ng magandang buhay ang droga kaninuman. Sama-sama tayo sa pagpili ng mas maliwanag na kinabukasan.


09/08/2025
09/08/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang ka*o ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa ka*o ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





09/08/2025

MAHALAGANG PAALALA PARA SA MGA LUMUSONG SA BAHA

Sa panahon ng bagyo, hindi maiiwasan ang pagbaha, gayundin ang banta ng leptospirosis. Isang sakit na dulot ng bacteria na 'leptospira' na galing sa ihi ng daga, kabayo, kambing, a*o, baboy, at iba pang hayop, at kadalasang humahalo sa tubig baha at putik na maaari namang puma*ok sa mga sugat, bitak sa balat, mata, ilong, at bibig ng tao kapag lumusong sa baha at putikan.

Kung kaya't inirerekomenda ng Bataan Provincial Health Office para sa mga indibidwal na hindi maiwasan ang paglusong sa baha, na nasa edad 9 pataas, na uminom ng DOXYCYCLINE sa loob ng 24-72 oras mula sa exposure (paglusong sa baha).

Kapag ikaw ay walang sugat ngunit lumusong nang isang beses sa baha, uminom ng 2 kapsula pagkatapos kumain. Ito ay isang beses lamang kinakailangang gawin para sa ganitong ka*o.

Kapag naman ikaw ay may sugat at lumusong nang isang beses sa baha, kinakailangan uminom ng 2 kapsula pagkatapos kumain, isang beses kada araw sa loob ng tatlong (3) araw.

Samantala, kapag tuloy-tuloy naman ang iyong paglusong sa baha, kinakailangang uminom ng 2 kapsula isang beses kada linggo hanggang sa hindi na kinakailangang lumusong sa baha.

Mahalaga ring tandaan na ito ay bawal inumin ng mga buntis, nagpapasuso, at mga batang nasa edad 8 pababa. Gayundin, bawal itong isabay sa pag-inom ng antacids, multivitamins, calcium, at iron supplement. Kung hindi maiiwasan, magbigay lamang ng 2 oras na pagitan bago inumin.

Ang DOXYCYCLINE ay libre sa mga primary health facility, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar.

Inirerekomenda pa rin na hanggat maaari ay huwag lumusong sa baha, maging mapagmatyag, maingat, at sumunod sa opisyal na panawagan ng pamahalaan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang komunidad na maalam para sa pag-ahon ng mas matatag na pamilyang Bataeño.


09/08/2025

📢 Mga Kapuso, Tara’t Magbigay ng Pag-asa!

Inaanyayahan po namin kayong makiisa sa bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation katuwang ang Philippine Red Cross, ngayong Biyernes, August 8, 2025, mula 7:00 AM hanggang 8:00 PM sa Ever Commonwealth, Quezon City!

🩸 Mag-donate ng dugo, magligtas ng buhay!
Maging isang bayani at tumulong sa mga nangangailangan.

Para sa mga magdo-donate, huwag kalimutang:
✅ Matulog nang maaga
✅ Kumain ng sapat
✅ Uminom ng maraming tubig
✅ Dalhin ang inyong valid ID

Tara na’t magsama-sama sa pagbibigay ng pag-asa!
| | | 💙
#

09/08/2025

ALAM NIYO BA?
Gatas ng ina ang pinaka masustansyang gatas para kay baby. Ito ay nagbibigay ng angkop na nutrisyong kinakailangan ng isang sanggol para sa kanyang growth and development. Ito rin ay nagbibigay ng antibodies na magsisilbing proteksyon para kay baby upang maiwasan ang mga karaniwang sakit gaya ng pagtatae, pulmonya at lagnat.

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang National Breastfeeding Awareness Month. Kaya't nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office sa mga nanay ang tamang pagbibigay nutrisyon sa inyong sanggol:

- Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan ni baby

- Pagdating ng kanyang ika-6 na buwan ay ipagpatuloy pa rin ang pagpapasuso, ngunit kinakailangan na ring magdagdag ng masustansyang pagkain (Complementary feeding)

- Para sa sapat na produksyon ng breastmilk, tiyaking nakakakain kayo ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan ang inyong emotional needs.

"Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support System." Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Happy 70th Birthday Kagawad Emeriano Arellano🎉🎉🎉Fr.: BRGY. Official Family❤️
04/07/2023

Happy 70th Birthday Kagawad Emeriano Arellano🎉🎉🎉

Fr.: BRGY. Official Family❤️

Address

Del Pilar
Dinalupihan
2110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Del Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share