Bayan ng Dinalupihan

Bayan ng Dinalupihan Official FACEBOOK PAGE of Municipality of Dinalupihan, Bataan
(2)

The name of the place was originally supplied by the natives in the area, who thrived by hunting and planting root crops. History had it that whenever the friars asked the natives for the name of the place, they always answered DINALUPIGAN meaning NEVER CONQUERED which later became DINALUPIHAN.

08/05/2026
ππ€π†π‚πŽπ‘ π’πˆπ“π„ π•π€π‹πˆπƒπ€π“πˆπŽπ π…πŽπ‘ 𝐄-π‹π„π€π‘ππˆππ† 𝐇𝐔𝐁 𝐈𝐍 𝐏𝐍𝐇𝐒 | πŒπ€π˜ πŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”Isinagawa ngayong araw sa Pagalanggang National High Scho...
07/05/2026

ππ€π†π‚πŽπ‘ π’πˆπ“π„ π•π€π‹πˆπƒπ€π“πˆπŽπ π…πŽπ‘ 𝐄-π‹π„π€π‘ππˆππ† 𝐇𝐔𝐁 𝐈𝐍 𝐏𝐍𝐇𝐒 | πŒπ€π˜ πŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”

Isinagawa ngayong araw sa Pagalanggang National High School (PNHS) ang site validation para sa itatayong E-Learning Hub na inaasahang magsisilbing makabagong espasyo para sa pagkatuto at magbibigay ng mas malawak na access ng mga estudyante sa teknolohiya at makabagong pamamaraan ng pag-aaral.

Layunin ng aktibidad na inspeksyunin ang lugar na pagtatayuan ng proyekto at suriin ang mga kinakailangang dokumento bago ang pagsisimula ng konstruksyon upang masiguro ang maayos at episyenteng implementasyon nito.

Pinangunahan ang nasabing validation ng PAGCOR Special Projects Office na kinatawan nina Engr. Aris Bayan at Arch. Jose Domingo Tejada Jr, kasama si Engr. Emerson Bautista bilang kinatawan ni Cong. Jett Nisay, at ang Municipal Engineering Office (MEO) sa pangunguna ni Engr. John Paul Castro. Nakiisa rin sa nasabing gawain ang mga kinatawan mula sa Pagalanggang National High School.


𝐒𝐏𝐄𝐒 π–πŽπ‘πŠ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π“πˆπŽπ π…πŽπ‘ π’π„ππˆπŽπ‘ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ | πŒπ€π˜ πŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”Isinagawa ngayong araw, sa Municipal Executive Hall, ang Work ...
07/05/2026

𝐒𝐏𝐄𝐒 π–πŽπ‘πŠ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π“πˆπŽπ π…πŽπ‘ π’π„ππˆπŽπ‘ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ | πŒπ€π˜ πŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”

Isinagawa ngayong araw, sa Municipal Executive Hall, ang Work Orientation para sa 105 Senior High School beneficiaries ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Layunin ng aktibidad na gabayan at ihanda ang mga benepisyaryo sa kanilang magiging trabaho katuwang ang Municipal Health Office (MHO). Kasabay nito, nagsagawa rin ng health orientation hinggil sa Human Immunodeficiency Virus (HIV), na tinalakay ni Ms. Tina Matawaran, at tungkol sa Early Pregnancy, na tinalakay naman ni Mr. Mar Allan Temblique, upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante ukol sa mahahalagang usaping pangkalusugan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Hector Lintag, katuwang ang Municipal Health Office sa pangunguna ni MHO Head Dra. Lahaina Bulaong.


π‚πŽπŽπ‘πƒπˆππ€π“πˆπŽπ πŒπ„π„π“πˆππ† π…πŽπ‘ 𝐓𝐇𝐄 ππ‘πŽππŽπ’π„πƒ 𝐍𝐄𝐖 πƒπˆππ€π‹π”ππˆπ‡π€π πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ & πƒπ‘π€πˆππ€π†π„ π’π˜π’π“π„πŒ | πŒπ€π˜ πŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”Isinagawa ngayong...
07/05/2026

π‚πŽπŽπ‘πƒπˆππ€π“πˆπŽπ πŒπ„π„π“πˆππ† π…πŽπ‘ 𝐓𝐇𝐄 ππ‘πŽππŽπ’π„πƒ 𝐍𝐄𝐖 πƒπˆππ€π‹π”ππˆπ‡π€π πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ & πƒπ‘π€πˆππ€π†π„ π’π˜π’π“π„πŒ | πŒπ€π˜ πŸ•, πŸπŸŽπŸπŸ”

Isinagawa ngayong araw sa Municipal Executive Hall II ang isang coordination meeting kaugnay ng isasagawang bagong Dinalupihan District Hospital Project at drainage system ng San Ramon Commercial District.

Tinalakay sa pulong ang paghahanda ng lugar para sa konstruksyon, kabilang ang embankment filling na kasalukuyang isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan. Inilahad din ang plano para sa itatayong bagong District Hospital, gayundin ang site development plan para sa mga pasilidad ng Philippine National Police (PNP), PhilPost, at NIA Building.

Pinangunahan ang aktibidad ng kinatawan mula sa DPWH 3rd District Engineering Office na si Engr. Daniel Diaz at ng Provincial Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Ricky Herrera, katuwang si Project Development Officer Choi Chavez ng LGU Dinalupihan. Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Mayor Tong Santos, Municipal Assessor’s Office Head Emilia Carpio, Dr. Deo Dimaunahan ng Dinalupihan District Hospital, at Engr. Avelino Sazon ng National Irrigation Administration, gayundin ang mga opisyal ng Barangay Luacan at Barangay San Ramon.


π‡π€πππ˜ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 π–πŽπ‘πŠπ„π‘π’β€™ πƒπ€π˜! β€œAng kalusugan ng mamamayan ay bunga ng malasakit at dedikasyon ng ating mga health ...
07/05/2026

π‡π€πππ˜ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 π–πŽπ‘πŠπ„π‘π’β€™ πƒπ€π˜!

β€œAng kalusugan ng mamamayan ay bunga ng malasakit at dedikasyon ng ating mga health workers.”

Ngayong National Health Workers’ Day, na ginugunita tuwing ika-7 ng Mayo alinsunod sa Republic Act No. 10069, ating kinikilala at pinasasalamatan ang mga doktor, nurse, medical staff, at iba pang kawani sa sektor ng kalusugan na patuloy na naglilingkod at nagmamalasakit para sa bawat DinalupiheΓ±o.

Saludo po kami sa inyong sipag, sakripisyo, at tapat na serbisyo tungo sa mas malusog at matatag na Dinalupihan.


πŸππƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 π’πŽπ‚πˆπ€π‹ ππ„ππ’πˆπŽπ ππ€π˜πŽπ”π“ π…πŽπ‘ πˆππƒπˆπ†π„ππ“ π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”Matagumpay na naipamahagi ngayong araw sa Bu...
06/05/2026

πŸππƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 π’πŽπ‚πˆπ€π‹ ππ„ππ’πˆπŽπ ππ€π˜πŽπ”π“ π…πŽπ‘ πˆππƒπˆπ†π„ππ“ π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”

Matagumpay na naipamahagi ngayong araw sa Bulwagan ng Bayan ang Social Pension (SOCPEN) para sa ikalawang kwarter ng taon sa 980 indigent senior citizen beneficiaries sa ating bayan, kung saan tumanggap ang bawat isa ng halagang β‚±3,000. Layunin ng programang ito ng DSWD na patuloy na makapagbigay-suporta sa pangangailangang pinansyal ng ating mga lolos at lolas. Kasabay nito, ang PSA Bataan ay nagsagawa ng verification para sa ating mga senior citizens.

Bilang karagdagang serbisyo, ang Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dra. Lahaina Bulaong ay nagsagawa rin ng libreng check-up para sa ating mga benepisyaryo.

Pinangunahan ang nasabing payout ng DSWD Region III – SWAD Bataan Office, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangangasiwa ni MSWDO OIC Ms. Petronila Saberon, ang Municipal Treasury Office (MTO) sa pangunguna ni MTO Head Ms. Cecilia Calixta, at PSA Bataan sa pamumuno ni Mr. Francisco Corpuz

Nakiisa rin upang magbigay-suporta sina Mayor Tong Santos, Consultant for Social Services Ms. Ofelia Mendoza, FSCAP President Dante Javier, OSCA President Lo**ta Guirao, at ang mga Senior Citizen Chairpersons mula sa bawat barangay.


π‰πŽπ π‡πˆπ‘πˆππ† | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”PESO DinalupihanInaanyayahan ang mga interesadong aplikante na mag-apply sa pamamagitan ng pag-f...
06/05/2026

π‰πŽπ π‡πˆπ‘πˆππ† | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”
PESO Dinalupihan

Inaanyayahan ang mga interesadong aplikante na mag-apply sa pamamagitan ng pag-fill up ng online application form na makikita sa poster o i-scan ang QR code para sa mas mabilis na proseso ng aplikasyon.


πŸ“’ π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“: 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐒𝐏𝐄𝐒 π’π„ππˆπŽπ‘ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ (𝐒𝐇𝐒) π–πŽπ‘πŠ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π“πˆπŽπInaanyayahan ang lahat ng Senior High School (...
06/05/2026

πŸ“’ π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“: 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐒𝐏𝐄𝐒 π’π„ππˆπŽπ‘ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ (𝐒𝐇𝐒) π–πŽπ‘πŠ πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π“πˆπŽπ

Inaanyayahan ang lahat ng Senior High School (SHS) SPES beneficiaries na nakapirma ng kontrata na dumalo sa itinakdang bagong iskedyul ng SPES Work Orientation.

πŸ“… Petsa: Mayo 7, 2026 (Huwebes)
⏰ Oras: 3:00 PM
πŸ“ Lugar: Municipal Executive Hall

πŸ“Œ Mga Dapat Dalhin:
- Ballpen
- Notebook

PAALALA: Ang pagdalo sa nasabing aktibidad ay kinakailangan at mahigpit na ipinatutupad.


πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π“πˆπŽπ 𝐎𝐍 π‘π„π“πŽπŽπ‹π„πƒ π‚πŽπŒπŒπ”ππˆπ“π˜ π’π”πππŽπ‘π“ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ (𝐑𝐂𝐒𝐏) π…πŽπ‘ 𝐓𝐀𝐑𝐆𝐄𝐓 ππ€π‘π€ππ†π€π˜π’ 𝐈𝐍 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”Ngayong araw, idina...
06/05/2026

πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π“πˆπŽπ 𝐎𝐍 π‘π„π“πŽπŽπ‹π„πƒ π‚πŽπŒπŒπ”ππˆπ“π˜ π’π”πππŽπ‘π“ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ (𝐑𝐂𝐒𝐏) π…πŽπ‘ 𝐓𝐀𝐑𝐆𝐄𝐓 ππ€π‘π€ππ†π€π˜π’ 𝐈𝐍 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”

Ngayong araw, idinaos ang oryentasyon hinggil sa Retooled Community Support Program (RCSP) para sa mga target barangays sa Lalawigan ng Bataan, na ginanap sa Oval Function Hall.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa implementasyon ng RCSP, kabilang ang rapid profiling, pagbuo ng Enhanced Barangay Development Plan (eBDP), at paghahanda ng mga action plan para sa 2026.

Tinalakay rin ang security situation ng mga target barangays at ang mga patnubay ng DILG, kasabay ng mga workshop at presentasyon para sa pagbuo at pagrepaso ng mga development plan.

Pinangunahan ito ng DILG Region III, katuwang ang DILG Bataan, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Philippine Army, upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng nasabing programa.


π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ“ ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐈𝐍 π’π„π‘π•πˆπ‚π„ 𝐀𝐍𝐃 π“π‘π€ππ’ππ€π‘π„ππ‚π˜ (𝐁𝐄𝐒𝐓) π…πŽπ‘ ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π€π–π€π‘πƒπˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”Idinaos ngayo...
06/05/2026

π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ“ ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐈𝐍 π’π„π‘π•πˆπ‚π„ 𝐀𝐍𝐃 π“π‘π€ππ’ππ€π‘π„ππ‚π˜ (𝐁𝐄𝐒𝐓) π…πŽπ‘ ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π€π–π€π‘πƒπˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”

Idinaos ngayong araw sa Municipal Executive Hall ang CY 2025 BEST for Barangay Awarding Ceremony bilang pagkilala sa mga barangay na nakamit ang pamantayan ng mahusay na pamamahala at de-kalidad na serbisyong publiko.

Pinarangalan ang sampung (10) barangay na matagumpay na pumasa sa nasabing programa, kabilang ang Brgy. Aquino, Bayan-bayanan, Colo, Del Pilar, JC Payumo Jr., Kataasan, Pagalanggang, Saguing, San Ramon, at Torres. Ginawaran din ng pagkilala ang Barangay Binukawan mula sa Bayan ng Bagac. Tinanggap ang nasabing parangal ng mga Punong Barangay, kasama ang kanilang mga Barangay Secretaries at Barangay Treasurers.

Naging matagumpay ito sa pangunguna ng DILG Region III sa pamumuno ni Regional Director Araceli San Jose, CESO III, katuwang ang DILG Bataan sa pamumuno ni Provincial Director Belina Herman, CESO V. Dumalo rin upang magbigay suporta sina Cluster Team Leader Ms. Cristy Blanco, Mayor Tong Santos, ang DILG Dinalupihan sa pangunguna ni MLGOO Mr. Bernardino Santiago, at ang DILG Bagac sa pamumuno ni LGOO VI Ms. Cherryl Beltran.


ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“πˆπ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ π…πŽπ‘ π…π€π‘πŒπ„π‘π’ 𝐀𝐍𝐃 π…πˆπ’π‡π„π‘π…πŽπ‹πŠ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ (𝐏𝐀𝐅𝐅𝐏) | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang...
06/05/2026

ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“πˆπ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ π…πŽπ‘ π…π€π‘πŒπ„π‘π’ 𝐀𝐍𝐃 π…πˆπ’π‡π„π‘π…πŽπ‹πŠ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ (𝐏𝐀𝐅𝐅𝐏) | πŒπ€π˜ πŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ”

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng Presidential Cash Assistance para sa 1,025 na magsasaka at fisherfolk na mayroong dalawang (2) ektarya pababa ng lupang sakahan at mga rehistradong mangingisda sa Bayan ng Dinalupihan. Sa ilalim ng programang ito, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng halagang β‚±2,325 bilang tulong pinansyal.

Ang nasabing payout ay pinangunahan ng Department of Agriculture Regional Office III, katuwang ang 3rd Congressional District Office at ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni MAO Head Ms. Arlene Javier. Dumalo rin upang magbigay suporta sina Regional Technical Director Ms. Elma Mananes, Regional Executive Director Dr. Eduardo Lapuz, APCO Ms. Marilou Ramos, Mr. Michael Bermudo at Mr. Darren Torres ng OPA, Mayor Tong Santos, Consultant for Social Services Ms. Ofelia Mendoza, Ms. Harley Duero na kumatawan kay Congw. Gila Garcia, gayundin ang MHO at MDRRMO.


Address

San Ramon
Dinalupihan
2110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayan ng Dinalupihan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share