Sangguniang Kabataan - Aquino

Sangguniang Kabataan - Aquino Official page of Sangguniang Kabataan Federation of Aquino Dinalupihan, Bataan

WORLD MENTAL HEALTH MONTH.In a world where physical health is openly discussed, mental health often remains hidden behin...
26/10/2025

WORLD MENTAL HEALTH MONTH.

In a world where physical health is openly discussed, mental health often remains hidden behind silence and stigma. Many people continue to suffer quietly, afraid of being judged, misunderstood, or dismissed. Breaking the silence surrounding mental health is not just about speaking upโ€”it is about creating a culture where empathy, understanding, and acceptance replace shame and fear.

Awareness begins with courageโ€”the courage to share, to ask for help, and to support others who are struggling. By breaking the silence, we help dismantle the stigma that prevents people from seeking care. We make it possible for mental health to be treated with the same importance as physical health.

In the end, every voice matters. Speaking up about mental health is not a sign of weakness, but a brave act of strength. When we break the silence together, we take one step closer to a more compassionate and mentally healthy world.



โ€œKabataan ngayon, kinabukasan ng bayan! ๐ŸŒŸHalinaโ€™t makiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 โ€” isang pagkakataon ...
23/08/2025

โ€œKabataan ngayon, kinabukasan ng bayan! ๐ŸŒŸ
Halinaโ€™t makiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 โ€” isang pagkakataon para magsama-sama, matuto, at maging inspirasyon para sa mas ligtas at mas maliwanag na bukas. ๐Ÿ’กโœจ

๐Ÿ“… August 24, 2025
๐Ÿ“ Brgy. Hall of Aquino

๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ! ๐ŸŽ‰

Matapos ang hagupit ng bagyong Crising, nagsagawa ng pamimigay ng sopas at Pinatubo bread ang mga SK officials ng Barang...
26/07/2025

Matapos ang hagupit ng bagyong Crising, nagsagawa ng pamimigay ng sopas at Pinatubo bread ang mga SK officials ng Barangay Aquino bilang tulong sa mga apektadong residente. Isinagawa ang aktibidad noong Hulyo 25, ganap na ika-5 ng hapon.

Ang simpleng pagkilos ng malasakit ay patunay na sa panahon ng sakuna, ang pagkakaisa at pagtutulungan ang tunay na lakas ng ating komunidad.

07/04/2025

BABALA: Sa muling pagtaas ng naitatalang kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) dito sa Central Luzon, pinaaalalahanan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na sanayin ang mga batang maghugas ng kamay.

Bukod pa rito ay pinapayuhan din ang mga nakatatanda na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga bata; siguraduhin na laging mayroong sabon at malinis na tubig sa inyong mga palikuran at lababo; kung maaari ay maglaan din ng alcohol o alcogel na maaaring gamitin anumang oras; sanayin din na i-disinfect ang mga bagay na palaging hinahawakan.

Kung sakali namang makaranas ng mga sumusunod na sintomas ay agad na sumangguni sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar:
-Lagnat
-Pagkawala ng ganang kumain at uminom ng tubig
-Pagsakit ng lalamunan
-Pagkakaroon ng mga pantal sa palad ng mga kamay at talampakan ng paa, pati na sa puwitan at sa maselang bahagi ng katawan; at
-Pagkakaroon ng singaw sa bibig

Sama-sama tayo sa pagkamit ng protektadong komunidad.


07/04/2025

Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, ipinapaalala ng Provincial Health Office na maging maingat at huwag baliwalain ang kagat o kalmot ng hayop.

Ang kagat o kalmot ng hayop ay maaaring magbigay ng rabies sa tao, at ito ay nakamamatay kung hindi agad maaagapan.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na "Rabies-free na Pusa't A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino" ay nagpapaalala na ang responsableng pag-aalaga ng hayop ang susi natin para tuluyang malabanan ang banta ng rabies.

Ang inyong alaga ay inyong obligasyon, siguraduhing bakunado ang mga ito taon-taon. Huwag din hahayaan na sila ay nakawala sa labas ng inyong mga bakuran.

Sa oras naman na ikaw ay makagat o makalmot ay agad:
1. Hugasan ang sugat nang 10-15 minuto gamit ang sabon at umaagos na tubig
2. Magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center sa inyong lugar
3. Kumpletuhin ang bakuna sa loob ng ibinigay na schedule at sundin ang payo ng doktor.

Be a responsible pet owner. Sama-sama tayo sa pagkamit ng komunidad na may Zero Rabies Death.


07/04/2025

ANO NGA BA ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE?
Kadalasan, nagsisimulang lumabas ang mga sintomas 4-10 araw mula nang makagat ng lamok na may dengue, at ito ay tatagal ng 2-7 araw:

-LAGNAT (AABOT NG 40ยฐC)
-PAGKAKAROON NG PANTAL SA BALAT
-PAGKAHILO
-PAGSUSUKA
-PANANAKIT NG KATAWAN, KALAMNAN, AT MGA MATA
-MATINDING PANANAKIT NG ULO

Importanteng malaman ang mga sintomas ng dengue at matutukan, dahil walang pinipiling panahon ang sakit na ito. Hindi biro ang dengue fever sapagkat maaari itong mauwi sa kamatayan. Kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas, magtungo agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok. Panatilihing malinis ang loob at labas ng inyong tahanan. Ugaliing mag-search and destroy. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at dengue-free na komunidad.


07/04/2025

ALAM NIYO BA?
Kadalasan, matatagpuan ang mga lamok sa mga lugar na madidilim, may mga nakasampay o nakatambak na damit, at sa mga halamanan o sa mga masusukal at maduduming lugar. Dito na rin nagpapadami ang mga ito na nagbibigay ng malaking tyansang magkaroon ng sakit na dengue ang mga malalapit o nakatira sa ganito lugar.

Patuloy na ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na ang "Search and Destroy" ay ang pinakamabisang gawain upang maiwasan ang pagdami ng lamok. Suyurin at sirain ang lahat ng pinamumugaran at pinangingitlugan nito. Panatilihing malinis ang loob at labas ng inyong mga tahanan. Linisin ang inyong mga bodega, bakuran, at bakanteng lote.

Sa mga panahon ng dengue outbreak tulad ngayon, suportahan ang isinasagawa ng pho na fogging, gayundin, inirerekomenda ang pagiispray ng mga ligtas na pamatay lamok.

Protektahan ang inyong mga sarili. Magsuot ng mahahaba at maliliwanag na damit. Magpahid ng insect repellent lotion, o gumamit ng kulambo.

Kapag naman nakaranas ng mga sintomas gaya ng lagnat, pantal, pagkahilo, pagsusuka, at pananakit ng katawan, kalamnan, at mga mata, agad na komunsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. Siguraduhin din na laging hydrated, uminom ng sapat at malinis na tubig.

Sama-sama tayo sa laban kontra dengue. Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating komunidad para sa mas masayang summer ng pamilayang Bataeรฑo.


29/03/2025

See you!!

Noong Hulyo 29, 2024, matagumpay na nagsagawa ng Anti-Drugs, To***co, and Teenage Pregnancy Awareness campaign ang Sangg...
01/08/2024

Noong Hulyo 29, 2024, matagumpay na nagsagawa ng Anti-Drugs, To***co, and Teenage Pregnancy Awareness campaign ang Sangguniang Kabataan ng Aquino. Nakatanggap ng food pack ang mga dumalo sa tulong ng mga SK Kagawad at SK Treasurer, Barangay Treasurer, SK Secretary, at Barangay Secretary na tumulong sa pag-repack ng mga goods na ibibigay sa mga aattend ng programa. Malaking tulong ito dahil ilang araw pa lang ang nakararaan sa pananalasa ng Bagyong Carina.




๐€๐๐“๐ˆ-๐ƒ๐‘๐”๐†๐’, ๐“๐Ž๐๐€๐‚๐‚๐Ž, ๐€๐๐ƒ ๐“๐„๐„๐๐€๐†๐„ ๐๐‘๐„๐†๐๐€๐๐‚๐˜ ๐€๐–๐€๐‘๐„๐๐„๐’๐’ ๐ƒ๐€๐˜ | ๐‰๐”๐‹๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’Noong Hulyo 29, 2024, matagumpay na nagsagawa ng...
01/08/2024

๐€๐๐“๐ˆ-๐ƒ๐‘๐”๐†๐’, ๐“๐Ž๐๐€๐‚๐‚๐Ž, ๐€๐๐ƒ ๐“๐„๐„๐๐€๐†๐„ ๐๐‘๐„๐†๐๐€๐๐‚๐˜ ๐€๐–๐€๐‘๐„๐๐„๐’๐’ ๐ƒ๐€๐˜ | ๐‰๐”๐‹๐˜ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Noong Hulyo 29, 2024, matagumpay na nagsagawa ng Anti-Drugs, To***co, and Teenage Pregnancy Awareness campaign ang Sangguniang Kabataan ng Aquino, na dinaluhan nina PCMS Rafael M. Tiglao Jr. para sa anti-drugs, Trisha Krhzl Penaflor para sa teenage pregnancy, at Hon. Russel T. Sarmiento para sa no smoking.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at suporta sa ating mga kabataan upang mapanatili ang kanilang kalusugan at kinabukasan.



02/07/2024

๏ผก๏ฝŽ๏ฝŽ๏ฝ๏ฝ•๏ฝŽ๏ฝƒ๏ฝ…๏ฝ๏ฝ…๏ฝŽ๏ฝ”:

๐–ฒ๐–  ๐– ๐–ฌ๐–จ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฌ๐–ฆ๐–  ๐–ฌ๐–จ๐–ญ๐– ๐–ฌ๐– ๐–ง๐– ๐–ซ ๐–ญ๐–  ๐–ช๐– ๐–ก๐– ๐–ก๐– ๐–ธ๐– ๐–ญ, ๐–ฃ๐–จ๐–ณ๐–ฎ ๐–ฒ๐–  ๐–ฃ๐–จ๐–ญ๐– ๐–ซ๐–ด๐–ฏ๐–จ๐–ง๐– ๐–ญ, ๐–ก๐– ๐–ณ๐– ๐– ๐–ญ. ๐– ๐–ญ๐–ฆ ๐– ๐–ณ๐–จ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฌ๐–ฆ๐–  ๐–ฒ๐–ฏ๐–ค๐–ฒ ๐–ข๐–ฎ๐–ซ๐–ซ๐–ค๐–ฆ๐–ค ๐– ๐–ธ ๐–ฌ๐– ๐–ฆ๐–ฒ๐– ๐–ฒ๐– ๐–ฆ๐– ๐–ถ๐–  ๐–ญ๐–ฆ ๐–ญ๐– ๐–ณ๐–จ๐–ฎ๐–ญ๐– ๐–ซ ๐–ฒ๐–ช๐–จ๐–ซ๐–ซ๐–ฒ ๐–ฑ๐–ค๐–ฆ๐–จ๐–ฒ๐–ณ๐–ฑ๐– ๐–ณ๐–จ๐–ฎ๐–ญ ๐–ฏ๐–ฑ๐–ฎ๐–ฆ๐–ฑ๐– ๐–ฌ-๐–ฎ๐–ญ๐–ซ๐–จ๐–ญ๐–ค ๐–ฏ๐–ฑ๐–ฎ๐–ฅ๐–จ๐–ซ๐–จ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฏ๐– ๐–ฑ๐–  ๐–ฒ๐–  ๐–ค๐–ฃ๐– ๐–ฃ ๐–ญ๐–  18 ๐–ณ๐–ฎ 60 ๐–ธ๐–ฑ๐–ฒ ๐–ฎ๐–ซ๐–ฃ. ๐– ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฌ๐– ๐–ซ๐–จ๐–ซ๐–จ๐–ช๐–ฎ๐–ฌ ๐–ญ๐–  ๐–ฃ๐– ๐–ณ๐–ฎ๐–ฒ ๐– ๐–ธ ๐–ญ๐– ๐–ฏ๐– ๐–ช๐– ๐–ง๐– ๐–ซ๐– ๐–ฆ๐–  ๐–ฏ๐– ๐–ฑ๐–  ๐–ฒ๐–  ๐–ฏ๐–ฑ๐–ฎ๐–ฆ๐–ฑ๐– ๐–ฌ๐–  ๐–ญ๐–ฆ ๐– ๐–ณ๐–จ๐–ญ๐–ฆ ๐–ซ๐–ฎ๐–ช๐– ๐–ซ ๐–ญ๐–  ๐–ฏ๐– ๐–ฌ๐– ๐–ง๐– ๐–ซ๐– ๐– ๐–ญ.
TULAD NG MGA SUMSUNOD:
1. MALAMAN ANG DAMI NG MAYROON AT WALANG TRABAHO.
2. MAKAGAWA NG PROGRAMA PARA SA SA NAGHAHANAP NG TRABAHO.
3. MAKAHANAP NG MGA KOMPANYA NA ANGKOP ANG SKILLS NG ATING MGA KABABAYAN.
4. MAPATAAS ANG KALIDAD NG ANTAS NG KALIDAD NG TRABAHO.
๐–ฃ๐– ๐–ง๐–จ๐–ซ ๐–ฃ๐–จ๐–ณ๐–ฎ ๐– ๐–ธ ๐–ง๐–จ๐–ญ๐–จ๐–ง๐–จ๐–ญ๐–ฆ๐–จ ๐–ญ๐– ๐–ฌ๐–จ๐–ญ ๐– ๐–ญ๐–ฆ ๐–จ๐–ญ๐–ธ๐–ฎ๐–ญ๐–ฆ ๐–ช๐–ฎ๐–ฎ๐–ฏ๐–ค๐–ฑ๐– ๐–ฒ๐–ธ๐–ฎ๐–ญ ๐–ฏ๐– ๐–ฑ๐–  ๐–ฃ๐–จ๐–ณ๐–ฎ. ๐–ฌ๐– ๐–ฑ๐– ๐–ฌ๐–จ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฒ๐– ๐–ซ๐– ๐–ฌ๐– ๐–ณ ๐–ฏ๐–ฎ ๐–ฒ๐–  ๐–ถ๐– ๐–ซ๐– ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฒ๐– ๐–ถ๐– ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฏ๐– ๐–ฆ ๐–ฒ๐–ด๐–ฏ๐–ฎ๐–ฑ๐–ณ๐–  ๐–ฒ๐–  ๐–ซ๐– ๐–ง๐– ๐–ณ ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฏ๐–ฑ๐–ฎ๐–ฆ๐–ฑ๐– ๐–ฌ๐–  ๐–ญ๐–ฆ ๐– ๐–ณ๐–จ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฏ๐– ๐–ฌ๐– ๐–ง๐– ๐–ซ๐– ๐– ๐–ญ. ๐–ฒ๐–  ๐–ก๐– ๐–ก๐–  ๐–ญ๐–จ๐–ณ๐–ฎ ๐– ๐–ธ ๐–ญ๐– ๐–ช๐– ๐–ซ๐–จ๐–ฒ๐–ณ๐–  ๐– ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฏ๐– ๐–ญ๐–ฆ๐– ๐–ซ๐– ๐–ญ ๐–ญ๐–ฆ ๐–ฌ๐–ฆ๐–  ๐–ฒ๐–ฏ๐–ค๐–ฒ ๐–ข๐–ฎ๐–ซ๐–ซ๐–ค๐–ฆ๐–ค ๐–ญ๐–  ๐–จ๐–จ๐–ช๐–ฎ๐–ณ ๐–ฒ๐–  ๐–จ๐–ญ๐–ธ๐–ฎ๐–ญ๐–ฆ ๐–ก๐– ๐–ฑ๐– ๐–ญ๐–ฆ๐– ๐–ธ.

๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐Ž๐… ๐’๐๐„๐’ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„:
https://docs.google.com/spreadsheets/d/1yLxQ_1iWxwHlNHf8NsjbqSK05PUawq4k/edit?gid=1529751737 =1529751737

08/06/2024

๐Ÿ๐Ÿ”๐ŸŽ๐“๐‡ ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐๐€๐‹๐”๐๐ˆ๐‡๐€๐
๐‚๐š๐ฅ๐ž๐ง๐๐š๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ

Mga Dinalupiheรฑos, markahan na ang inyong mga kalendaryo at maghanda para sa mas pinasayang Fiesta Month ng Dinalupihan! Viva San Juan, Yehey Dinalupihan! ๐Ÿ’ฆ๐Ÿฅณ



Address

Aquino
Dinalupihan
2110

Telephone

+639064629647

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Aquino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan - Aquino:

Share