Barangay Sto Niño

Barangay Sto Niño Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Sto Niño, Government Official, Brgy. Sto. Niño, Bataan, Dinalupihan.

Ang bag po na ito ay napulot ni Kagawad Jerry Miguel noong biyernes. Kung kanino man po ito ay maaaring pakikuha sa Bara...
08/09/2025

Ang bag po na ito ay napulot ni Kagawad Jerry Miguel noong biyernes. Kung kanino man po ito ay maaaring pakikuha sa Barangay Hall ng Sto. Niño.

May laman po ang bag na Cellphone , dede ng bata, wipes at Labubu
Maraming Salamat po

Para po sa mga member ng PWD na ang pangalan ay nasa ibaba. Magpunta lamang po kayo sainyong PWD President Arjay Ignacio...
24/08/2025

Para po sa mga member ng PWD na ang pangalan ay nasa ibaba. Magpunta lamang po kayo sainyong PWD President Arjay Ignacio hanggang bukas (LUNES, AUGUST 25, 2025) para makuha ang stub ng food pack na galing sa DSWD.

HANGGANG BUKAS LANG PO ANG PAGKUHA NG STUB DAHIL ANG DISTRIBUTION PO NG FOOD PACK AY SA MARTES NA AUGUST 26, 2025 SA DINALUPIHAN CIVIC CENTER SA GANAP NA 1:00 PM.

PS. Sa mga PASO/EXPIRED po ang PWD ID. Pasensya na po pero hindi po kayo mabibigyan ng stub.

Maraming salamat po.

Magandang araw po!Para sa mga pangalan na nasa ibaba. Magpunta po bukas August 8, 2025/ 8:00AM sa DINALUPIHAN CIVIC CENT...
07/08/2025

Magandang araw po!

Para sa mga pangalan na nasa ibaba. Magpunta po bukas August 8, 2025/ 8:00AM sa DINALUPIHAN CIVIC CENTER para sa ECT PAYOUT ng bawat sector tulad ng Sr. Citizen, farmers, Solo Parent, PWD, etc.

Magdala po ng
1. VALID ID
*Bawal po ang id na burado ang picture
*Kung comelec voter's certification po ang dadalin ninyo kailangan po ay updated ang issuance date.

2. Photocopy of valid id na may 3 pirma

*KUNG PATAY NA SI BENE AT NAMATAY ITO SA BUWAN NG APRIL, MAY, JUNE, JULY mag dala ng death certificate valid id ng namatay at id ng claimant

*KUNG NAG- ABROAD SI BENE SA BUWAN NG APRIL, MAY , JUNE , JULY magdala ng passport, authorization letter, valid id at ticket at id ng claimant

weekly clean-up drive08-02-2025
04/08/2025

weekly clean-up drive
08-02-2025

Magandang gabi po! Para po sa mga nasa pangalan sa ibaba. Magpunta po sa DINALUPIHAN CIVIC CENTER SA FRIDAY (AUGUST 1, 2...
30/07/2025

Magandang gabi po!

Para po sa mga nasa pangalan sa ibaba. Magpunta po sa DINALUPIHAN CIVIC CENTER SA FRIDAY (AUGUST 1, 2025/ 8:00 AM) MAGDALA PO NG XEROX NG VALID AT MISMONG VALID ID AT SOLO PARENT ID.

At mangyari din po sanang makiPM nyo si Ms. Maricel Tenorio para maiadd nya kayo sa gc ng SOLO PARENT NG BARANGAY STO. NIÑO

MARAMING SALAMAT PO

Weekly Clean up driveJuly 26, 2025
28/07/2025

Weekly Clean up drive
July 26, 2025

21/07/2025
21/07/2025
21/07/2025

PABATID: Sa kabila ng kumakalat na mga impormasyon tungkol sa rabies, nais ipabatid ng Bataan Provincial Health Office ang mga DOH-accredited Animal Bite Treatment Centers dito sa lalawigan ng Bataan:

Jose C. Payumo Jr. Memorial Hospital - San Ramon, Dinalupihan

Dinalupihan RHU III - Old San Jose, Dinalupihan

Hermosa RHU - Palihan, Hermosa

Orani District Hospital - Maria fe, Orani

Bataan General Hospital and Medical Center - Tenejero, Balanga City

Balanga City Health Center I - San Jose, Balanga City

Orion RHU - Wawa, Orion

Limay RHU - Townsite, Limay

Mariveles RHU I - Poblacion, Mariveles

Ayon sa datos, ang karaniwang pinagmumulan ng human rabies death ay kagat mula sa a*o. Dahil dito, ipinapayo ng Bataan PHO ang responsableng pangangalaga ng a*o at pusa. Ito pa rin ang pinakamabisang paraan upang masiguro na ang inyong mga alagang hayop ay hindi nagdadala ng rabies virus (lyssavirus).

Bukod sa a*o't pusa, ang rabies ay maaari ring magmula sa paniki, unggoy, at tao; maaari itong maipasa sa pamamagitan ng kagat, kalmot, o pagdila sa sugat; organ transplant mula sa taong namatay sa rabies; paglanghap ng maruming hangin mula sa tinitirahan ng apektadong paniki; at pagkain ng hilaw na karne ng hayop na may rabies.

Tandaan, ang rabies ay maaaring maagapan kung makukumpleto ang bakuna laban dito, ngunit kung hindi maaagapan ay tiyak na mauuwi sa kamatayan sa oras na lumabas na ang sintomas.

Maging responsable, pabakunahan ang inyong mga alagang hayop upang rabies ay maiwasan. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas na komunidad na puno ng responsable at matatag na pamilyang Bataeño.


21/07/2025

ALAM NIYO BA?
Gaganapin ang malawakang blood donation drive sa The Bunker sa darating sa ika-16 ng Hulyo. Ito ay sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Office, bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pagdiriwang ng National Blood Donor's Month ngayong buwan.

Hinihikayat ang lahat na nasa edad 18 pataas na may timbang na higit sa 50kg. na makiisa sa gawaing ito.

Bukod sa tulong na maihahatid ng dugo sa mga nangangailangan, ang pag-donate ng dugo ay may benepisyong hatid sa pisikal at mental na kalusugan gaya na lang ng pag-develop ng mga bagong blood cells.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang nagtutulungan na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


15/07/2025

ALAM NIYO BA?
Ngayong July 2025 ang ika-51 anibersaryo ng selebrasyon ng National Nutriton Month na may temang "Food at Nutrition Security, Maging Priority: Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!", at ito'y umiikot pa rin sa tema ng 2023-2028 na "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!".

Kasama ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, nakikiisa ang Bataan Provincial Health Office sa pagdiriwang na ito. Gayundin, hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga programa at mga polisiyang ipinatutupad upang makamit ang seguridad sa masustansyang pagkain at tuluyang mapababa ang malnutrisyon dito sa Lalawigan ng Bataan.

Tandaan, ang laban sa malnutrisyon ay makakamit kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay sasali sa epektibong pagpapatupad ng mga programa't polisiya para sa pagkamit ng sapat na produksyon ng masusustansyang pagkain.

Dapat din nating isaalang-alang na hindi basta "pagkain" lang ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao kundi dapat ay "masustansyang pagkain". Karapatan din ng isang tao na makatiyak sa access ng sapat na suplay ng masustansyang pagkain at malinis na tubig.

Suportahan ang mga ipinatutupad na ordinansa dito sa Bataan, sama-sama nating gawing prayoridad ang seguridad sa masustansyang pagkain para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Address

Brgy. Sto. Niño, Bataan
Dinalupihan
2110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sto Niño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share