Barangay Daang Bago

Barangay Daang Bago OFFICIAL PAGE

APRIL 24 2026FRIDAYSATELLITE VOTERS REGISTRATION
26/03/2026

APRIL 24 2026
FRIDAY
SATELLITE VOTERS REGISTRATION

Magandang gabi po Barangay Daang BagošŸ“£šŸ“£šŸ“£Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makilahok at makiisa sa ating gaganaping ...
20/03/2026

Magandang gabi po Barangay Daang BagošŸ“£šŸ“£šŸ“£

Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makilahok at makiisa sa ating gaganaping Barangay Assembly sa darating na Linggo (Marso 22,2026) alas-4 ng hapon, na gaganapin sa ating covered court.

Ang pagpupulong na ito ay mahalaga upang talakayin ang mga programa at mga proyekto. Ito rin po ay pagkakataon para marinig ang inyong mga mungkahi at opinyon para sa ikauunlad ng ating komunidad.Umaasa po kami sa inyong aktibong pakikiisa at pagdalo.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating Barangay!

悚

Fyi
05/03/2026

Fyi

Barangay Daang BagoIsang Magandang Umaga Sa mga nais pong mag pakasal. Ang ating munisipyo po ay mag kakaroon ng kasalan...
05/03/2026

Barangay Daang Bago

Isang Magandang Umaga

Sa mga nais pong mag pakasal. Ang ating munisipyo po ay mag kakaroon ng kasalang bayan.
First Come First Serve po ito.

Mag punta lamang po sa LCR.

Maraming Salamat

10/02/2026

ALAM NIYO BA?
Simula na naman ng Weekly Iron and Folic Acid Supplementation! Hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng mga kababaihang nasa edad 10-49 na taong gulang o ang mga kababaihang nasa reproductive age na tanggapin ang Weekly Iron and Folic Acid (WIFA) supplement na maaaring makuha sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar; at sa mga pampublikong paaralan para naman sa mga kababaihang nasa ika-7 hanggang ika-10 baitang.

Ito ay dahil kadalasang tinatamaan ng anemia ang mga kababaihan dahil sa kanilang buwanang dalaw (menstruation).

Ang anemia ay isang sakit sa dugo na ang mga sintomas ay pagiging matamlay, fatigue, pagkahina at mabilis na pagkahingal.

Sa wastong pagtanggap ng IFA, makasisigurong sapat ang hemoglobin sa ating red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen sa iba't-ibang parte ng ating katawan.

Sama-sama tayo sa paglaban sa malnutrisyon para sa mas matatag na pamilyang BataeƱo.


10/02/2026

ALAM NIYO BA?
Liver Cancer and Viral Hepatitis Awareness and Prevention Month ngayong buwang ng Enero. Dalawang sakit na may kaugnayan sa isa't-isa. Ang pagkakaroon ng hepatitis B, hepatitis C, at fatty liver ay posibleng maging sanhi ng liver cancer dahil sa pamamaga, peklat, o pagliit ng atay na dulot ng mga ito.

Ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na panatilihing magkaroon ng malusog at mayroong tamang timbang na katawan. Mahalagang umiwas sa mga unhealthy habits gaya ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng kontaminadong karayom, sobrang pagkain ng junk foods, fast foods, at matatamis na pagkain (mga pagkaing di maganda sa kalusugan), at ang hindi pag-eehersisyo.

Mahalin ang atay dahil ito ay isa sa mga pangunahing organo na may malaki at mahalagang trabaho sa ating katawan. Sama-sama nating itaas ang kamalayan, isulong ang mga hakbang para sa pamumuhay ng mahaba at may malusog na pangangatawan.


Fyi
10/02/2026

Fyi

Kasabay ng pagbaba ng temperatura ngayong Enero, uso na naman ang flu! Ibig sabihin lang ay mas madaling kumakalat ang virus o bacteria na dulot ng influenza-like illnesses (ILI) o trangkaso.

Huwag mangamba, basta't siguraduhin lamang na sundin pa rin ang minimun public health standards gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag-disinfect ng mga gamit, pagsuot ng facemask, pa-iwas sa masisikip at mataong lugar, at pagpapanatili ng magandang air flow at bentilasyon sa silid.

Patuloy din na ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo o babahing at siguraduhin na bakunado, protektado ang buong pamilya. Tandaan, ang trangkaso ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at produktibong komunidad para sa mas matatag na pamilyang BataeƱo.


10/02/2026

Dahil unang buwan na ng 2026, Oplan Goodbye Bulate na! Simulan ng tama ang taon, hinihikayat ng Provincial Health Office ang lahat ng mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para sa napapanahong deworming ng inyong mga anak na nasa edad 1-19 na taong gulang.

Kunin na rin ang pagkakataong ito upang ipatimbang ang inyong mga anak na nasa edad 0-59 na buwan upang malaman ang kanilang nutritional status nang sa ganon ay maibigay ang sapat at wastong pagkain na lubos na makatutulong sa kanilang maayos na paglaki.

Tandaan, ang batang may wastong nutrisyon ay aktibo at bibo sa bahay at sa eskuwela. Sama-sama tayo sa pagkamit ng matatag na pamilyang BataeƱo.


28/01/2026

Isang magandang araw po Barangay Daang Bago
Bukas po January 29,2026@8am po sa covered court mag kakaroon po tayo ng barangay visit at mayroon pong bababang mga doctor para sa free check po para sa bata at matanda. May roon din pong free dental check up. At mag kakaroon din po ng Blood Donation.

Maraming Salamat po

26/01/2026

Muling ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na istriktong ipinatutupad sa Pilipinas ang RA No. 7183 o ang batas na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Kaakibat naman ng tradisyong pinoy ng pagsalubong sa bagong taon, ipinapayo ang paginom ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system dahil madalang maiwasan ngayon ang pakikisalamuha sa kapwa, kasama na diyan ang ating nakagawiang pagpupuyat sa gabi bago sumapit ang bagong taon.

Bukod dito, dapat din nating isaisip na ang pagkain ng sobra ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ipinapayo na iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at masesebong pagkain. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis pati na ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo.

Gawing ligtas, masaya, at makulay ang pagsalubong sa bagong taon. Gawin ito ng tama upang maiwasan ang biglaang pagbisita sa ospital.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang BataeƱo.


26/01/2026

Address

Daang Bago
Dinalupihan
2110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639082533804

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Daang Bago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Daang Bago:

Share

Category