Municipal Agriculture Office Dinalupihan

Municipal Agriculture Office Dinalupihan Official page of MAO-Dinalupihan, Province of Bataan

ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ | 𝐋𝐆𝐔 πƒπˆππ€π‹π”ππˆπ‡π€π πŸ’-πƒπ€π˜ π–πŽπ‘πŠ π–π„π„πŠIpinababatid po sa lahat ng DinalupiheΓ±os na kasalukuyan nang ipinatutu...
09/03/2026

ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ | 𝐋𝐆𝐔 πƒπˆππ€π‹π”ππˆπ‡π€π πŸ’-πƒπ€π˜ π–πŽπ‘πŠ π–π„π„πŠ
Ipinababatid po sa lahat ng DinalupiheΓ±os na kasalukuyan nang ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan ang 4-Day Work Week, alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, Series of 2026 na inilabas ng Office of the President.
Simula ngayong araw, Marso 9, 2026, ang oras ng trabaho sa mga tanggapan ng munisipyo ay 7:00 AM hanggang 6:00 PM, mula Lunes hanggang Huwebes.
Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapan na may tuloy-tuloy na serbisyo tulad ng Municipal Health Office (Dialysis Center at RHUs), MDRRMO, TPSO, at Market Office, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan.

ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ | 𝐋𝐆𝐔 πƒπˆππ€π‹π”ππˆπ‡π€π πŸ’-πƒπ€π˜ π–πŽπ‘πŠ π–π„π„πŠ

Ipinababatid po sa lahat ng DinalupiheΓ±os na kasalukuyan nang ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan ang 4-Day Work Week, alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, Series of 2026 na inilabas ng Office of the President.

Simula ngayong araw, Marso 9, 2026, ang oras ng trabaho sa mga tanggapan ng munisipyo ay 7:00 AM hanggang 6:00 PM, mula Lunes hanggang Huwebes.

Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapan na may tuloy-tuloy na serbisyo tulad ng Municipal Health Office (Dialysis Center at RHUs), MDRRMO, TPSO, at Market Office, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan.


09/03/2026
π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐎𝐍 ππ‡πˆπ‹πˆπππˆππ„ π†πŽπŽπƒ π€π†π‘πˆπ‚π”π‹π“π”π‘π€π‹ ππ‘π€π‚π“πˆπ‚π„π’Idinaos ngayong ika-23 ng Pebrero ang Philippine Good Agricultural Pra...
23/02/2026

π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐎𝐍 ππ‡πˆπ‹πˆπππˆππ„ π†πŽπŽπƒ π€π†π‘πˆπ‚π”π‹π“π”π‘π€π‹ ππ‘π€π‚π“πˆπ‚π„π’
Idinaos ngayong ika-23 ng Pebrero ang Philippine Good Agricultural Practices (Phil-GAP) Training sa Oval Function Hall, na dinaluhan ng mga pechay farmers mula sa Brgy. Luacan, New San Jose, Old San Jose, J.C. Payumo, at Kataasan.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng ating mga magsasaka hinggil sa wastong pamamahala ng sakahan, kaligtasan sa pagkain, pangangalaga sa kapaligiran, at kapakanan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan ng Philippine Good Agricultural Practices (Phil-GAP).
Tinalakay sa programa ang mahahalagang prinsipyo ng Good Agricultural Practices (GAP), food safety, at sustainable farming upang higit na mapataas ang produktibidad ng mga sakahan at mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka na makipagsabayan sa merkado.
Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan nina Regional PhilGAP Focal Person Ms. Marilyn Velarde at Mr. Christian Canlas, katuwang ang Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni MAO Head Arlene Javier.

𝐎𝐍-π…π€π‘πŒ π“π„π‚π‡ππŽπ‹πŽπ†π˜ πƒπ„πŒπŽππ’π“π‘π€π“πˆπŽπ & π‹π„π€π‘ππˆππ† π…π€π‘πŒ: π‹π€πŠππ€π˜ ππ€π‹π€π˜Isinagawa ngayong araw, ika-23 ng Pebrero, ang On-Farm Tec...
23/02/2026

𝐎𝐍-π…π€π‘πŒ π“π„π‚π‡ππŽπ‹πŽπ†π˜ πƒπ„πŒπŽππ’π“π‘π€π“πˆπŽπ & π‹π„π€π‘ππˆππ† π…π€π‘πŒ: π‹π€πŠππ€π˜ ππ€π‹π€π˜
Isinagawa ngayong araw, ika-23 ng Pebrero, ang On-Farm Technology Demonstration (OTD) & Learning Farm: Lakbay Palay sa Barangay San Simon.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa pangangasiwa ni Engr. Marvin Manalang, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni MAO Head Arlene Javier. Layunin nitong maipakita sa ating mga magsasaka ang iba’t ibang makabagong teknolohiya at mga bagong uri ng palay na makatutulong sa pagpapataas ng ani at kita, habang napabababa ang gastos sa produksyon.
Bahagi ng programa ang field tour at Participatory Varietal Selection (PVS), kung saan personal na nasuri ng mga magsasaka ang performance ng iba’t ibang uri ng palay na nasa maturity stage. Nagkaroon din ng pagbabahagi ng kaalaman, mga mensahe mula sa kinatawan ng lokal na pamahalaan at sektor ng agrikultura, open forum, at talakayan hinggil sa resulta ng PVS.

18/02/2026
ππ€π†π’π€π’π€ππ€π˜ 𝐒𝐀 πŽπ‘π†π€ππˆπŠπŽππ† π€π†π‘πˆπŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐀𝐓 πˆππ€β€™π“-πˆππ€ππ† πŽπ‘π†π€ππˆπŠπŽππ† 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐁𝐀: π“π”π†πŽπ 𝐒𝐀 πŒπ€π†π€ππƒπ€ππ† πŠπˆππ€ππ”πŠπ€π’π€πNagsagawa ng isang ...
24/10/2025

ππ€π†π’π€π’π€ππ€π˜ 𝐒𝐀 πŽπ‘π†π€ππˆπŠπŽππ† π€π†π‘πˆπŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐀𝐓 πˆππ€β€™π“-πˆππ€ππ† πŽπ‘π†π€ππˆπŠπŽππ† 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐁𝐀: π“π”π†πŽπ 𝐒𝐀 πŒπ€π†π€ππƒπ€ππ† πŠπˆππ€ππ”πŠπ€π’π€π

Nagsagawa ng isang pagsasanay para sa organikong agrikultura at iba’t-ibang organikong pataba ngayong ika-24 ng Oktubre sa Oval Function Hall, na dinaluhan ng mga kasapi ng Gulayan ng Bayan mula sa Sta. Lucia Farmers Association, Pinulot Upland Association, at Farmers Choice Upland Association.

Bilang bahagi ng aktwal na pagsasanay, nagsagawa ang mga kalahok ng Fermented Plant Juice (FPJ) bilang isa sa mga pangunahing organic concoctions na ginagamit sa organikong pagsasaka.

Ito ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni MAO Head Arlene Javier, katuwang sina Municipal Organic Agriculture Coordinator Emmanuel James Aldos, Mr. Lyndon Zausa, at Ms. Regine Abad.



Training on Soil Health Restoration / Adaptive Balance Fertilization Strategy (ABFS) πŸŒ±πŸ‘©β€πŸŒΎπŸ‘¨β€πŸŒΎIsinagawa ngayong araw (Sept...
02/09/2025

Training on Soil Health Restoration / Adaptive Balance Fertilization Strategy (ABFS) πŸŒ±πŸ‘©β€πŸŒΎπŸ‘¨β€πŸŒΎ

Isinagawa ngayong araw (September 2, 2025) sa Brgy. Tubo-tubo, Dinalupihan, Bataan ang unang araw ng Training on Soil Health Restoration / Adaptive Balance Fertilization Strategy (ABFS) sa pangunguna ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) katuwang ang Municipal Agriculture Office.

Lumahok sa gawain ang Tubo-tubo Farmers Association upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman sa wastong paggamit ng pataba, pagpapanumbalik ng kalusugan ng lupa, at paggamit ng sustainable farming practices na makatutulong sa mas mataas at mas ligtas na ani.

Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Engr. Girlie P. Turaja (Engineer II), Danica F. Alcaraz (Community Development Officer II), Joyce P. Silapan (Community Development Officer I), katuwang ang Municipal Agriculturist Head Arlene T. Javier, at mga Agricultural Technicians na sina Lorie Mae Ostaco, Higinia Boday at Lyndon Zausa.

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kaalaman ng ating mga magsasaka sa paggamit ng Adaptive Balance Fertilization Strategy (ABFS) bilang tugon sa pagbabago ng klima, at upang mapanatili ang kalusugan ng lupa para sa mas matatag at sapat na produksyon ng pagkain.

🌾 Sama-sama nating isulong ang mas produktibo at mas sustainable na agrikultura para sa kinabukasan!

Address

Slaughterhouse Compound, Brgy. Sta. Isabel
Dinalupihan
2110

Telephone

+639914049306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture Office Dinalupihan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Agriculture Office Dinalupihan:

Share