Barangay Pag-asa 2023

Barangay Pag-asa 2023 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Pag-asa 2023, Government Organization, Barangay Pag-asa, Dinalupihan.

Mula sa Pamunuan ng Barangay Pag-asa, Ipinapabatid mo na kung kinakailangang lumikas ay bukas po ang ating evacuation ar...
09/08/2026

Mula sa Pamunuan ng Barangay Pag-asa, Ipinapabatid mo na kung kinakailangang lumikas ay bukas po ang ating evacuation area, makipag ugnayan po sa ating mga brgy. official. Mag ingat po tayong lahat๐Ÿ™.

08/08/2026
08/08/2026

๐ŸŽ‰ JOB FAIR โ€“ AGOSTO 2026
โ€œHandog Kaarawan, Trabaho sa Bayanโ€

๐Ÿ“ฃ Isang espesyal na Job Fair para sa buong lalawigan ng Bataan!
Inaanyayahan ang lahat ng jobseekers mula sa Bataan na makilahok sa Job Fair sa darating na Agosto 20, 2026!

Sa pagtutulungan ng City Government of Balanga, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Raquel Francis D. Garcia at Vice Mayor Francis Anthony S. Garcia, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) Balanga City, Bataan Peninsula State University (BPSU) sa pangunguna ni Dr. Ruby B. Santos-Matibag at ng Career and Job Placement Unit, at Department of Labor and Employment (DOLE) โ€“ Bataan, hatid ang 2026 Job Fair upang magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at tulungang maiugnay ang mga jobseekers sa mga employer.

๐Ÿ“… Petsa: Agosto 20, 2026
๐Ÿ•™ Oras: 10:00 AM โ€“ 4:00 PM
๐Ÿ“ Lugar: Vista Mall, Bataan
๐Ÿ’ผ Iba't ibang local at overseas job opportunities ang naghihintay!
๐Ÿ“Œ Magdala ng maraming kopya ng iyong updated resume at maghanda para sa on-the-spot interviews.

๐Ÿ”— Paano Magparehistro:
https://tinyurl.com/Jobfairaugust2026

โ€ข Punan ang registration form.
โ€ข I-submit at kunin ang inyong QR Code.
โ€ข Ipakita ang QR Code sa araw ng Job Fair.

Walang oras para magparehistro? Walang problema! Maaari kang mag-register on-site sa mismong araw ng event.

๐Ÿ“Œ Paalala:
Ipo-post din sa aming official page ang listahan ng job vacancies. Abangan ang mga updates!


08/08/2026
08/08/2026

๐Ÿšจ BARANGAY ADVISORY: MAG-INGAT SA POSIBLENG PAGBAHA! ๐ŸŒง๏ธ

๐Ÿ“ข Para sa lahat ng kabarangay, lalo na sa PUROK 4 at sa mga nasa tabing ilog at mababang lugar:

Mataas na po ang tubig sa irigasyon dahil sa patuloy na pag-ulan. Inaasahan po ang mabilis na pagtaas ng tubig sa mga mabababang lugar sa Purok 4 kapag patuloy pa din ang pag ulan.

Mga Dapat Gawin Agad:

๐Ÿ“ฆ Ihanda ang Emergency Kit (pagkain, gamot, flashlight, powerbank).

๐Ÿ”Œ Itaas ang mga gamit at patayin ang kuryente kung pasok na ang tubig sa bahay.

๐Ÿ‘ถ Bantayan ang mga bataโ€”huwag hayaang magtampisaw sa baha o irigasyon.

๐Ÿšถ Lumikas Agad kung kinakailangan at sundin ang abiso ng Barangay.

๐Ÿ“ž Barangay Emergency Hotline: 0908-253-4031

Manatiling alerto at ligtas! ๐Ÿค

Magandang hapon po dahil po sa sunod-sunod na pag ulan pinag iingat po ang lahat at maging mapag matyag sa daloy ng tubi...
08/08/2026

Magandang hapon po dahil po sa sunod-sunod na pag ulan pinag iingat po ang lahat at maging mapag matyag sa daloy ng tubig sa ilog lalo n po sa purok 4 mag ingat po tayong lahat.
Ito n apo ang ilog sa may Irrigation kaya pinapayuhan po na mag ingat ang lahat.

08/08/2026
PAGTUTULUNGAN PARA SA KAPAYAPAANMainit na tinanggap ng ating barangay ang PNP Dinalupihan kasama ang ating mga nakatutok...
02/08/2026

PAGTUTULUNGAN PARA SA KAPAYAPAAN
Mainit na tinanggap ng ating barangay ang PNP Dinalupihan kasama ang ating mga nakatutok na BPAT's at Kagawad on Peace and Order. Patuloy ang ating pakikipag ugnayan upang masiguro ang kaligtasan ng ating komunidad lalo na sa mga ilegal na gawain at droga.



Address

Barangay Pag-asa
Dinalupihan
2110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Pag-asa 2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share