15/08/2026
๐ท๐จ๐บ๐ฐ๐ฎ๐ณ๐จ๐ฉ๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐ฎ๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐จ๐ป ๐ป๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ถ 2026
๐จ๐๐๐๐๐ 07, 2026
Sa ikawalo nitong taon, muli na namang nagpakita ng katalasan ng isip ang mga kalahok mula sa iba't ibang paaralan ng Bayan ng Dinapigue.
Ang patimpalak ay nagsilbing makabuluhang plataporma upang masukat at mahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mahahalagang usaping pangkalusugan at nutrisyon. Higit pa sa isang paligsahan, ito ay naging pagkakataon upang maipakita ng mga kabataan na ang wastong kaalaman sa kalusugan ay isang mahalagang puhunan para sa isang malusog at produktibong kinabukasan.
Sa pamamagitan ng iba't ibang katanungan tungkol sa Nutrition and Dietetics, General Health, Biology, Science and Technology, Food Safety, Environmental Health and Sanitation, Physical Fitness, Disease Prevention and Personal Hygiene, Kasaysayan at Current Events na may kaugnayan sa Health and Nutrition, at DOH at Nutrition Programs, nasubok ang bilis, talas ng pag-iisip, at lawak ng kaalaman ng mga kalahok.
Sa nasabing matimpalak, nagawagi ang mga sumusunod;
๐แดสแดแดแดษดแดแดสส แด
ษชแด ษช๊ฑษชแดษด
๐ฅ แดสษชสแด
แดสแดแดแด: แดแดแดแด ๊ฑษชแดแดแดษช สษชแดแด- แดสแดแด
ษชษดแดแดษขสแดแดแดแด
๊ฑแดสแดแดส
๐ฅ๊ฑแดแดแดษดแด
แดสแดแดแด: แดแดแดแด แดแดแดสแด- แด
ษชสแดสแด ษชษดแดแดษขสแดแดแดแด
๊ฑแดสแดแดส
๐ฅ๊ฐษชส๊ฑแด แดสแดแดแด: แดแดแดแด สแดษดแดษดแด- แด
ษชสแดสแด ษชษดแดแดษขสแดแดแดแด
๊ฑแดสแดแดส
๐แดแดษดษชแดส สษชษขส ๊ฑแดสแดแดส แด
ษชแด ษช๊ฑษชแดษด
๐ฅ แดสษชสแด
แดสแดแดแด: แดแดแดแด แดแดษดแด- แด
ษชสแดสแด ษชษดแดแดษขสแดแดแดแด
๊ฑแดสแดแดส
๐ฅ๊ฑแดแดแดษดแด
แดสแดแดแด: แดแดแดแด ๊ฑแดสแดแดษด- แด
ษชสแดสแด ษชษดแดแดษขสแดแดแดแด
๊ฑแดสแดแดส
๐ฅ๊ฐษชส๊ฑแด แดสแดแดแด: แดแดแดแด สสแดแด แดแดสสษชษด- แด
ษชสแดสแด ษชษดแดแดษขสแดแดแดแด
๊ฑแดสแดแดส
Naging masigla at kapana-panabik ang paligsahan sa bawat yugto habang ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talas ng isip, bilis sa pagsagot, tiwala sa sarili, at kakayahang magpasya sa ilalim ng hamon.
Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng mga school heads, Municipal Vice Mayor Dr. Rea Sylvia M. Candido at Municipal Mayor Vicente D. Mendoza.
Ang taunang PASIGLABAN NG GALING AT TALINO ay patunay na ang kabataan ay hindi lamang tagatanggap ng kaalaman, kundi maaari ring maging tagapagdala at tagapagtaguyod ng kalusugan sa tahanan, paaralan, at pamayanan.