Dingalan LGU - Municipal Civil Registrar

Dingalan LGU - Municipal Civil Registrar The Office of the Municipal Civil Registrar consists of five employees headed by MCR Grace Manapat Sapo and MCRO personnel Raquel E. Gamatan, Noime A. Cafranca.

Quejada, Ercelyn B. Sadiasa and Iluminado Jr.

20/08/2026
19/08/2026

Maligayang Kaarawan Mayor Aurora Guzman Taay πŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽˆ

Mula sa Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil, taos-puso po naming ipinaaabot ang mainit na pagbati sa inyong kaarawan.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at pamumuno. Nawa"y maging makabuluhan at puno ng biyaya ang iyong espesyal na araw.

Maligayang Kaarawan po, Mayor. Patuloy po kayong pagpalain at gabayan ng Diyos πŸ™

Patuloy ang pagsasagawa ng mobile registration ng Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil sa mga benepisyaryo ng Birth R...
16/08/2026

Patuloy ang pagsasagawa ng mobile registration ng Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil sa mga benepisyaryo ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) sa ating bayan.

Noong nakaraang Agosto 12-13, 2026, ang mga kawani ng tanggapan na sina Jun Cafrancajr at Raquel Espiritu Gamatan ay nagsagawa ang 2-day mobile registration. Sa pakikipag- ugnayan ni MCR Grace Manapat Sapo sa pamunuan ng Barangay Aplaya sa pangunguna ni Kapitan Macario Roxas. Kasama ang mga barangay workers ay natunton ang mga tahanan ng mga benepisyaryo na naninirahan sa Barangay Aplaya.

Sa pamamagitan ng BRAP ay magkakaroon ng birth certificates ang ating mga kababayang wala pang rehistro ng kapanganakan na ang pangalan ay kabilang sa listahan ng mga benepisyaryo. Sa ating mga kababayang nagnanais na maberipika ang pangalan kung kabilang sa listahan ng BRAP.

Maaaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan, ifollow at magmessage sa aming page - Dingalan LGU - Municipal Civil Registrar o tumawag/ magmessage sa aming
office number 09777393810 mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

Noong nakaraang Agosto 6, 2026 ay iginawad ang rehistro ng kapanganak (birth certificate) sa dalawang (2) benepisyaryo  ...
11/08/2026

Noong nakaraang Agosto 6, 2026 ay iginawad ang rehistro ng kapanganak (birth certificate) sa dalawang (2) benepisyaryo ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) na kapwa katutubong Dumagat na naninirahan sa Barangay Umiray. Ito ay ginanap sa Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil ganap na ika 1:24 ng hapon.
Kasama ni MCR Grace Manapat Sapo si PSA Aurora Chief Statistical Specialist Ferdinand Santiago at MCRO staff Ercelyn Berdin Sadiasa sa paggagawad ng rehistro ng kapanganakan sa mga benepisyaryo.

MOBILE REGISTRATION UNDER BRAP  Patuloy ang pagsasagawa ng MCRO ng mobile registrations sa ilalim ng Birth Registration ...
29/07/2026

MOBILE REGISTRATION UNDER BRAP

Patuloy ang pagsasagawa ng MCRO ng mobile registrations sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP)

Kahapon, ika-28 ng Hulyo 2026 ay nagtungo ang mga kawani ng tanggapan na sina Jun Cafrancajr, Raquel Espiritu Gamatan at Bea Sanchez Oroyan sa Sitio Cabog, Matawe, Dingalan, Aurora upang magsagawa ng mobile registration sa mga benepisyaryo ng BRAP. Hangad ng tanggapan na mairehistro ang kapanganakan ng ating mga kababayang katutubong Dumagat.

Ang ibang benepisyaryo ay sinadya ng mga kawani sa kanilang mga tahanan upang makapanayam at magkaroon ng mga birth certificates na patunay ng kanilang pagkakakilanlan.

Kaalinsabay ng aktibidad ay namahagi rin ang mga kawani ng mga preloved clothes sa ating mga kababayang katutubo.

MOBILE REGISTRATION UNDER BRAPPatuloy ang pagsasagawa ng mobile registration ng Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil ...
21/07/2026

MOBILE REGISTRATION UNDER BRAP

Patuloy ang pagsasagawa ng mobile registration ng Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil (MCRO) sa iba't ibang barangay upang matulungan ang ating mga kababayan na mairehistro ang kanilang mga kapanganakan.

Ngayong araw, ika-21 ng Hulyo ay nagtungo ang mga kawani ng tanggapan na sina Jun Cafrancajr at Ercelyn Berdin Sadiasa sa Barangay Brgy Caragsacan Dingalan Aurora upang mairehistro ang mga beneficiaries ng Birth Registration Assistance Project na naninirahan sa Barangay Caragsacan. Ilan sa mga benepisyaryo ay ating mga kababayang katutubo na naninirahan sa Sitio Gulod at mga senior citizens na sinadya ng mga kawani sa kanilang mga tahanan

Sa aktibong pakikiisa at pakikilahok ng barangay sa pagtukoy sa mga residente ay mas mabilis ang proseso ng pag aayos ng birth certificate o legal na pagkakakilanlan at mas maraming mamamayan at magkakaroon ng birth certificate na kanilang kinakailang sa iba't ibang serbisyo ng pamahalaan.

πŸ“£Pamamahagi ng Libreng PSA Birth Certificates sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project.(BRAP)Matagumpay na nai...
19/07/2026

πŸ“£Pamamahagi ng Libreng PSA Birth Certificates sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project.(BRAP)

Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng mga libreng PSA birth certificates (SECPA) sa mga benepisyaryo ng BRAP sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Pamahalaang Bayan ng Dingalan. Ito ay ginanap noong nakaraang Miyerkules, ika-15 ng Hulyo, 2026 sa Business One-Stop Shop (BOSS).

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng ating Butihing Mayor Aurora Guzman Taay, kasama ang mga kawani ng PSA Aurora na sina Abner June Tablan at Dominador Ruiz, katuwang ang mga kawani ng MCRO sa pangunguna ni MCR Grace Manapat Sapo. Ito ay patunay ng hangarin ng Pamahalaang Lokal ng Dingalan na mailapit ang mahahalagang serbisyo sa bawat mamamayang DingaleΓ±o.

PABATID πŸ“£Sa darating na ika-15 ng Hulyo 2026, ang Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil ay magkakaroon ng Distribution...
13/07/2026

PABATID πŸ“£

Sa darating na ika-15 ng Hulyo 2026, ang Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil ay magkakaroon ng Distribution of Birth Certficates sa mga rehistradong beneficiaries ng Birth Registration Assistance Project (BRAP). Ito ay gaganapin sa BOSS Bldg. ganap na ika-10:00 ng umaga. Narito ang mga pangalan ng mga beneficiaries na makatatanggap ng PSA-issued birth certificates.

11/07/2026

ππ€π“πˆπŽππ€π‹ πˆπƒ π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan na magparehistro para sa National ID sa mga sumusunod na iskedyul:

πŸ—“ Hulyo 15, 2026
πŸ“ Municipal Extension, Brgy. Ibona, Dingalan, Aurora

πŸ—“ Hulyo 16, 2026
πŸ“ Dingalan Gymnasium, Brgy. Poblacion, Dingalan, Aurora

βœ… Bukas ang pagpaparehistro para sa lahat ng mamamayan, habang prayoridad na pagsisilbihan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

⚠️ Paalala: Tinatayang 50–60 aplikante lamang bawat araw ang maaaring mapagsilbihan kaya inaanyayahan ang lahat na dumating nang mas maaga.

Dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa inyong pagpaparehistro.

Address

Poblacion
Dingalan
3207

Telephone

+639777393810

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dingalan LGU - Municipal Civil Registrar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dingalan LGU - Municipal Civil Registrar:

Shortcuts

Share