Dingalan LGU - Public Order and Safety Office

Dingalan LGU - Public Order and Safety Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dingalan LGU - Public Order and Safety Office, Public Service, Dingalan, Aurora, Dingalan.

DINGALAN PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.) 📍INSPEKSYON NG MGA PASILIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAANAng pagbabantay at...
16/01/2026

DINGALAN PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.)

📍INSPEKSYON NG MGA PASILIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Ang pagbabantay at pagpapanatili ng seguridad ng Dingalan Community College ay palagiang isinasagawa ng ating mga Security Watchman ng nasabing pasilidad.

Sundin po natin ang mga "PAALALA AT BABALA" nang sa gayon ay mapanatili natin ang kaligtasan at kaayusan sa ating pook paaralan.

“Ito ang POSO na may Puso. Dahil ang gusto namin ay LIGTAS KAYO.”

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.) INSPEKSYON NG MGA PASILIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN* DINGALAN ICEPLANT AND ICE ...
08/01/2026

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.)

INSPEKSYON NG MGA PASILIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN

* DINGALAN ICEPLANT AND ICE STORAGE

* MUNICIPAL EXTENSION OFFICE, BRGY. APLAYA

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE📍NIGHT INSPECTION OF FACILITIES:   - DINGALAN COMMUNITY                   COLLEGE   - DING...
24/12/2025

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

📍NIGHT INSPECTION OF FACILITIES:

- DINGALAN COMMUNITY
COLLEGE
- DINGALAN FEEDER PORT
- ONG PARK
- PUBLIC MARKET
- MUNICIPAL COMPOUND

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE📍INSPECTION and PUTTING UP OF "REMINDERS AND WARNINGS" AT KIDDIE PARKSundin po natin ang m...
24/12/2025

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

📍INSPECTION and PUTTING UP OF "REMINDERS AND WARNINGS" AT KIDDIE PARK

Sundin po natin ang mga "PAALALA AT BABALA" sa ating Kiddie Park, nang sa gayon ay mapanatili nating malinis, maayos at ligtas ang Palaruan ng ating mga anak na matatapuan sa Brgy. Poblacion, Dingalan, Aurora.

DINGALAN PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.)PAGPAPATUPAD NG LOKAL NA ORDINANSA SA ATING PAMILIHANG BAYAN  Nagsagaw...
19/11/2025

DINGALAN PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.)

PAGPAPATUPAD NG LOKAL NA ORDINANSA SA ATING PAMILIHANG BAYAN

Nagsagawa ng pagpapatupad ng Municipal Ordinance #30 Series 2020 o “Transportation and Traffic Code of Dingalan” ang Public Order and Safety Office (P.O.S.O.) sa ating Pamilihang Bayan kung saan muling ipinaalala sa ating mga mamimili at mga may-ari ng tindahan, na sundin ang ipinatutupad na batas-trapiko sa nasabing pamilihan.

Nakasaad sa Article IV Section 41 ng nasabing Ordinansa na: Hindi pinahihintulutan ang lahat ng uri ng sasakyan na pumasok sa looban ng ating Pamilihang Bayan. Maliban na ang isang sasakyan ay magde-deliver ng paninda sa looban ng palengke, ito ay papahintulutan na pumasok mula sa gawing kanan (ENTRANCE) hanggang sa maibaba ang kalakal, at tuloy na itong lalabas sa gawing kaliwa ng Pamilihang Bayan (EXIT).

Mahalaga na ang lahat ay sumunod sa ating Lokal na Batas na ipinatutupad upang higit na maging maayos at ligtas ang lahat ng mga nagtitinda at mamimili. Tandaan po natin na ang pagiging maayos ay susi sa kaligtasan.

“Ito ang POSO na may Puso. Dahil ang gusto namin ay LIGTAS KAYO”.

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE📍NIGHT INSPECTION OF FACILITIES:   - ONG PARK   - PUBLIC MARKET   - MUNICIPAL COMPOUND   -...
01/11/2025

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

📍NIGHT INSPECTION OF FACILITIES:
- ONG PARK
- PUBLIC MARKET
- MUNICIPAL COMPOUND
- INCUBATION HUB

DINGALAN PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.)REVIEW SA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA NG MUNISIPYO PATUNGKOL SA TRAPIKO ...
28/10/2025

DINGALAN PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (P.O.S.O.)

REVIEW SA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA NG MUNISIPYO PATUNGKOL SA TRAPIKO

Ang Ordinansa ay isang lokal na batas o panuntunan na pinapatupad ng isang lokal na pamahalaan. Ito ay ginagamit para magpatupad ng mga regulasyon sa nasasakupang bayan. Kagaya na lamang ng Ordinansa na ipinatutupad ng ating Kapulisan at Traffic Management Group (TMG) ng Dingalan - ang Municipal Ordinance No. 130 Series 2020, o ang “The Transportation and Traffic Code of Dingalan”.

Ang Public Order and Safety Office (POSO) ay nagsasagawa kamakailan ng Panaka-nakang Pagsusuri o Periodic Review sa pagpapatupad ng nasabing Ordinansa. Layunin nito na higit na mapagbuti ang pagpapatupad ng bawat probisyon na nakapaloob sa Ordinansa. Ilan sa nabigyang-pansin sa nasabing review ay ang mga sumusunod:

1. Lahat ba ng pumapasada ay may prangkisa (Article VII, Section 63);

2. Seguridad at Kaligtasan ng mga pasaherong Bata o Estudyante - na hindi dapat pahintulutan ang pang-angkas o pagsakay sa bubungan ng sasakyan (Article VIII Section 74 b); at

3. Pag-display ng updated naTaripa sa loob ng tricycle na nababasa ng mga pasahero (Article VI Section 55 7).

Ang kaligtasan ng mga pasahero, at pagiging maayos at walang alintana na pamamasada ng mga drayber, ang positibong resulta sa pagsunod natin sa mga batas-trapiko at regulasyon na ipinatutupad ng ating bayan.

“Ito ang P.O.S.O. na may Puso. Dahil ang gusto namin ay LIGTAS KAYO”.

23/10/2025

Address

Dingalan, Aurora
Dingalan
3207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dingalan LGU - Public Order and Safety Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category