22/09/2026
SARIDALLUY-Kathang Kamay (Juan B. Domingo)
Ang Saridalluy ay isang koleksiyon ng mga palamuting hango sa dalawang
salita mula sa Ilocano: Saringit (usbong), at Dalluyon (alon). Pinagsama sa isang
bagong kahulugan bilang sari-saring daloy: ang iba’t ibang anyo ng kalikasan,
kultura, kabuhayan, at pamumuhay na nagsasama-sama sa isang lugar upang
ilarawan ang Dipaculao, isang bayang pinag-uugnay ng kabundukan,
kagubatan, bukirin, ilog, at karagatan.
Ginamit ang lokal na materyales na karaniwang matatagpuan sa kabukiran at
dalampasigan ng Dipaculao tulad ng sabot (coconut shel), tirem/kabibe
(oyster), kahoy na abaloryo (beads), perlas, buto ng lipay, bitaog (beach
calophylum), irik (rice), pako, katigbi (job’s tears) abaka, pinya, alloy, sungay
ng kalabaw, eco-friendly resin, tinta, niresiklong papel, at nag-expire na
cosmetics. Magkakaiba man, mabusising pinag-isipan at binuo ng mga kamay
sa isang masining at may kwentong kabuuan mula sa produkto hanggang sa
packaging nito, tulad ng mga mamamayang may iba’t ibang pinagmulang
namumuhay nangmaypagkakabuklod.
Ang bawat pares ng palamuti ay sumasagisag sa ugnayan at pagkakaibigan,
sa kulay ng berde at ng asul na sumasalamin sa katangian ng Dipaculao, isang
bayang nasa pagitan ng Sierra Madre at Pacific Coastline, at kaugnay din sa
pagkakaibigan ng mga unang nanirahan sa Dipaculao, partikular sa Ilongot at
Ilocano, at kuwentong-bayan tungkol kay Dipac, isang pinunong Ilongot, sa
pakikipagdiwang niya kasama ang mga Ilocano, na iniuugnay sa pinagmulan
ng pangalang Dipaculao.
Hindi lamang ito palamuti. Ang Saridalluy ay sining na maaaring isuot, isang
mal it na bahagi ng Dipaculao na nagtataglay ng mas malaking kwento at ala
ala ng ganda ng kalikasan, yaman ng kultura, at buhay ng pamayanan