PSA Zamboanga del Norte

PSA Zamboanga del Norte Provincial Statistical Office of Zamboanga del Norte
(1)

01/06/2026

Magtiwala ka lang kung sigurado kang may sasalo ๐Ÿค

Gaya ng trust fall, ang pagbibigay ng personal na impormasyon sa Philippine Statistics Authority ( ), sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System ( ), ay nangangailangan ng tamang tiwala. Siguraduhing lehitimo ang kumukuha ng data, malinaw ang layunin, at may sapat na proteksyon ang iyong impormasyon.

Sa CBMS, ang datos mo ay hindi basta-basta. Ito ay ginagamit para sa mas maayos na serbisyo at mas inklusibong pag-unlad ng komunidad, habang pinangangalagaan ang iyong privacy. Tandaan: ang iyong datos ay may halaga. Pangalagaan natin ito, sama-sama.

TINGNAN | Eksportasyon ng Ginto ng Pilipinas (April 2026)Nitong Abril 2026, naitala ang kabuuang halaga ng eksportasyon ...
01/06/2026

TINGNAN | Eksportasyon ng Ginto ng Pilipinas (April 2026)

Nitong Abril 2026, naitala ang kabuuang halaga ng eksportasyon ng ginto ng Pilipinas sa USD 380.76 milyon. Ito ay mas mataas ng 73.7% kumpara noong Abril 2025.

Samantala, umabot sa 7.31 metriko tonelada ang kabuuang bigat ng eksportasyon ng ginto ng Pilipinas, mas mataas ng 5.9% kumpara noong Abril 2025 na nasa 6.90 metriko tonelada lamang.

Basahin ang kabuuang report โฌ‡๏ธ
โžก https://psa.gov.ph/node/1684083543

TINGNAN | Importasyon ng Bigas Ayon sa Bansa (April 2026)Nitong Abril 2026, umabot sa USD 161.93 milyon ang halaga ng im...
01/06/2026

TINGNAN | Importasyon ng Bigas Ayon sa Bansa (April 2026)

Nitong Abril 2026, umabot sa USD 161.93 milyon ang halaga ng importasyon ng bigas sa Pilipinas at ito ay may kabuuang bigat na 399.06 libong metrikong tonelada.

Alamin ang limang pangunahing bansa na pinaggagalingan ng imported na bigas noong Abril 2026.

Vietnam โ€“ 92.2%
Cambodia โ€“ 2.8%
Thailand โ€“ 2.2%
India โ€“ 1.8%
Myanmar - 1.1%

Basahin ang kabuuang report โฌ‡๏ธ
โžก https://psa.gov.ph/node/1684083543

TINGNAN | Kabuuang Importasyon ng Pagkain ng Pilipinas (April 2026)Umabot sa USD 1.18 bilyon ang halaga ng importasyon n...
01/06/2026

TINGNAN | Kabuuang Importasyon ng Pagkain ng Pilipinas (April 2026)

Umabot sa USD 1.18 bilyon ang halaga ng importasyon ng pagkain sa Pilipinas noong Abril 2026. Mas mataas ito ng 10.7% kumpara noong Abril 2025 na may halagang USD 1.33 bilyon.

Samantala, naitala ang kabuuang bigat ng importasyon ng pagkain sa 1.26 milyong metrikong tonelada, mas mababa ng 12.8 kumpara noong Abril 2025. Ito rin ay 10.4% ng kabuuang bigat ng importasyon ng bansa.

Basahin ang kabuuang report โฌ‡๏ธ
โžก https://psa.gov.ph/statistics/export-import/monthly

TINGNAN | Kabuuang Importasyon ng Bigas ng Pilipinas (April 2026) Nitong Abril 2026, umabot sa USD 161.93 milyon ang hal...
01/06/2026

TINGNAN | Kabuuang Importasyon ng Bigas ng Pilipinas (April 2026)

Nitong Abril 2026, umabot sa USD 161.93 milyon ang halaga ng importasyon ng bigas sa Pilipinas. Mas mababa ito ng 29.1% kumpara noong Abril 2025 na nagtala ng USD 228.26 milyon.

Nasa 1.2% ang importasyon ng bigas sa kabuuang importasyon ng bansa. Samantala, 13.7% naman ito sa kabuuang halaga ng importasyon ng pagkain sa bansa.

Basahin ang kabuuang report โฌ‡๏ธ
โžก https://psa.gov.ph/node/1684083543

TINGNAN | Halaga ng Importasyon ng mga Piling Kalakal (April 2026)Batay sa survey ng Philippine Statistics Authority (PS...
01/06/2026

TINGNAN | Halaga ng Importasyon ng mga Piling Kalakal (April 2026)

Batay sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), narito ang tatlong nangungunang kalakal na nagtala ng pinakamataas na growth rate sa importasyon:

๐Ÿ›ข๏ธ Langis ng krudo: 124.7%
๐ŸŒฝ Mais: 86.8%
๐Ÿง„ Bawang: 80.5%

Samantala, narito naman ang mga kalakal na nagtala ng pinakamababang growth rate:

๐Ÿšฌ Tabako: -40.0%
๐ŸŒพBigas: -26.9%
๐ŸŸ Isda: -10.9%

Alamin ang galaw ng kalakalan at manatiling updated sa mahahalagang datos, dahil lamang ang may alam! ๐Ÿ’ก

Basahin ang kabuuang report
โžกhttps://psa.gov.ph/statistics/export-import/monthly

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜We are informing the public that ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ƒ operation is Available on ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ญ๐จ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” at th...
01/06/2026

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

We are informing the public that ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ƒ operation is Available on ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ญ๐จ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” at the following Cities/Municipalities.

Interested individuals are invited to visit these National ID Registration Centers.

๐…๐ข๐ฑ๐ž๐ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ (๐…๐‘๐‚) ๐ƒ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ๐  ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ
Mondays to Fridays 8:00am to 5:00pm

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
- Brgy. Concepcion, Kalawit
- MSWDO, Gutalac
- Philhealth, Dipolog City
- LCRO Office, Municipal Hall, Siayan

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
- Brgy. Gatas, Kalawit
- MSWDO, Gutalac
- Philhealth, Dipolog City
- LCRO Office, Municipal Hall, Siayan

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
- Brgy. Batayan, Kalawit
- MSWDO, Gutalac
- Brgy. Turno, Dipolog City
- LCRO Office, Municipal Hall, Siayan

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
- Brgy. New Calamba, Kalawit
- MSWDO, Gutalac
- Brgy. Gulayon, Dipolog City
- LCRO Office, Municipal Hall, Siayan

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
- Brgy. Paraiso, Kalawit
- MSWDO, Gutalac
- Brgy. Diwan, Dipolog City
- LCRO Office, Municipal Hall, Siayan

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
- Brgy. Daniel Maing, Kalawit
- MSWDO, Gutalac
- LCRO Office, Municipal Hall, Siayan

29/05/2026

PANOORIN | PSA personal na nagkaloob ng libreng birth certificate sa isang Negrenseng senior citizen

Sa pamamagitan ng Birth Registration Assistance Project (BRAP), isang proyekto ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naglalayong tulungang makapagparehistro ng kapanganakan ang mga kapatid nating Muslim, Lumad, at mga Pilipinong kabilang sa economically disadvantaged communities, personal na nagtungo ngayong araw si PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician and Civil Registrar General, kasama si PSA Negros Island Region OIC Regional Director John F. Campomanes sa tahanan ni Nanay Lourdes J. Batulay.

Si Nanay Lourdes ay isang centenarian na napagkalooban ng PSA sa unang pagkakataon ng kopya ng kanyang birth certificate. Ayon sa kanyang anak na si Irenea B. Perez, gagamitin ito ng kanilang pamilya sa pag-claim ng mga benepisyo ni Nanay Lourdes bilang isang senior citizen.

Isa lamang ito sa mahigit kalahating milyong Pilipinong natulungan na ng PSA na makapagparehistro sa tulong ng BRAP. Ang proyektong ito ay patuloy na ipinatutupad ng PSA sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa upang sigurung rehistrado ang kapanganakan ng bawat Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

READ | 100-Year-Old Negrense Receives Birth Certificate Through PSAโ€™s Birth Registration Assistance ProjectAt 100 years ...
29/05/2026

READ | 100-Year-Old Negrense Receives Birth Certificate Through PSAโ€™s Birth Registration Assistance Project

At 100 years old, Lourdes J. Batulay of the Municipality of Ilog, Negros Occidental, finally secured a copy of her birth certificate printed on Security Paper (SECPA) for free through the Philippine Statistics Authorityโ€™s (PSA) Birth Registration Assistance Project (BRAP) held on 29 May 2026 at her own municipality.

Aligned with the overall agenda of the Philippine government to bring public services closer and faster to every Filipino, Usec. Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician and Civil Registrar General, together with PSA Negros Island Region OIC Regional Director John F. Campomanes, personally handed over the birth certificate to Nanay Lourdes.

This milestone highlights PSAโ€™s continuing efforts to ensure that every Filipinoโ€™s birth is registered, and that they are provided legal identity.

TINGNAN | Isang 100-year old na senior citizen, napagkalooban ng libreng birth certificate ng PSA sa tulong ng Birth Reg...
29/05/2026

TINGNAN | Isang 100-year old na senior citizen, napagkalooban ng libreng birth certificate ng PSA sa tulong ng Birth Registration Assistance Project

Ibinahagi ni Irenea B. Perez, anak ni Nanay Lourdes J. Batulay, isang centenarian na nakapagparehistro sa tulong ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Ilog, Negros Occidental, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng birth certificate na siyang nagsisilbing patunay ng kapanganakan at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Aniya, para sa kanyang ina na isang senior citizen at centenarian, mahalagang rehistrado ang kapanganakan para sa pag-claim ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga senior citizens.

Upang personal na ipagkaloob ang birth certificate ni Nanay Lourdes, personal na binisita ni PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician and Civil Registrar General, kasama ni PSA Negros Island Region OIC Regional Director John F. Campomanes si Nanay Lourdes. Bahagi ito ng isinagawang aktibidad ng PSA sa naturang munisipalidad ngayong araw.

Ang BRAP ay alinsunod sa kabuuang plano ng gobyerno na siguruhing rehistrado ang kapanganakan ng bawat Pilipino, laloโ€™t higit ng mga kapatid nating Muslim, mga Lumad, at mga Pilipinong nabibilang sa economically disadvantaged areas.

Address

A4M Building, Arellano Extension, Miputak
Dipolog City
7100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PSA Zamboanga del Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share