13/07/2026
๐๐๐จ ๐๐ถ๐๐๐ฎ-๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐น๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ
๐๐๐ง๐ฆ๐-๐๐ก ๐ฅ๐๐ ๐๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐ข ๐๐๐ ๐ฆ๐จ๐ฅ โ Muling naging daan ang isang makabuluhang pagtitipon upang higit pang pagtibayin ang ugnayan ng mga lider at kinatawan ng BARMM Grand Coalition (BGC) at SIAP Party, na naglalayong tiyakin ang pagkakaisa tungo sa mapayapa at maunlad na lalawigan.
Sa pangunguna nina Lanao del Sur Governor Mamintal "Bombit" Alonto Adiong, Jr., SIAP Party President at Vice Governor Mohammad Khalid "Mujam" R. Adiong, kasama si 3rd District Representative Abdul Rauf Abedin Adiong, buong-pusong nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Ditsa-an Ramain sa nasabing pagtitipon. Kasama sa mga dumalo ang mga nominado ng BGC, mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor, mga mambabatas, mga opisyal ng lalawigan, at ang mga punong barangay mula sa iba't ibang bayan ng Lanao del Sur.
Ang mahalagang pagtitipong ito ay nagbigay-diin din sa pagkakabuklod ng mga munisipyong bumubuo sa 3๐ฟ๐ฑ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐น๐ถ๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA), kung saan buong pagmamalaking kabilang ang ating bayan ng ๐๐ถ๐๐๐ฎ-๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป, kasama ang mga kalapit-bayan ng ๐ง๐ฎ๐ด๐ผ๐น๐ผ๐ฎ๐ป, ๐๐๐ฏ๐ผ๐ป๐ด, ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ฝ๐ผ๐๐ผ-๐๐๐ป๐๐ผ๐ป๐ด, ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด.
Patunay ang pagtitipong ito ng patuloy na pagtutulungan at iisang layunin ng ating mga pinuno na maisulong ang kapayapaan, kaunlaran, at mabuting pamamahala (good governance) para sa ating lahat. Ang pagkakaisa ng Ditsa-an Ramain sa BGC at SIAP Party ay sumasalamin sa ating mithiin para sa isang mas matatag na Bangsamoro.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lokal ng Ditsa-an Ramain sa lahat ng nakiisa at sa walang-sawang suporta ng ating mga kababayan. Ang inyong suporta at pakikiisa ang patuloy na nagbibigay-lakas sa ating LGU upang maipagpatuloy ang tapat, bukas, at inklusibong paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Ramainian at ng buong lalawigan.