21/01/2024
Sa ikalawang taon ng pagkatatag ng JOWABLE Youth, ang pag-unlad at paglago ng samahan ay patuloy na namamayani. Ang adbokasiya at mga proyektong itinataguyod ng organisasyon ay patuloy na nagbibigay-buhay at pagkakataon para sa mga kabataan na maging instrumento ng paglilingkod sa kanilang kapwa at sa bayan.
Matagumpay na nakamit ng organisasyon ang accreditation mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), NYC - Youth Organization Registration Program (YORP), at pagiging miyembro ng Angat Local Youth Development Council sa pangalawang taon mula sa pagkatatag. Ito ay nagbunga ng mas malakas na pundasyon sa organisasyon at mas malawakang partisipasyon sa iba't ibang proyekto at adbokasiya na nakatutok sa mga pangangailangan ng kabataan.
Ilan sa mga proyektong ipinagmamalaki at naging bahagi ang JOWABLE Youth ay ang Barangay Kumustahan, Plan Ahead, Plant A Tree, A Thousand Trees Project, River Clean Up, Contextual Journalism Workshop, Capacity Development Training and Workshop, Basic First Aid Training, Teenage Pregnancy and Mental Health Awareness. Layunin ng mga proyektong ito na mapalaganap ang kaalaman, magtaguyod ng pag-unlad, at magbigay halaga sa kalikasan at maging sa kapwa.
Sa pagpapatuloy ng mga pagsasagawa ng proyekto at adbokasiya, naging mas matatag ang organisasyon na maglingkod sa kabataan at bayan.
Ang dedikasyon ng pagkakaisa ng bawat isa ay pagpapatunay na tayo ay naglalayong magtagumpay at magdulot ng positibong pagbabago sa ating lipunan.