22/08/2025
PUBLIC ADVISORY
On the Construction of CELL SITE TOWER
May natanggap po tayong hinaing kaugnay sa nakatakdang pagtatayo ng isang telecom tower sa Brgy. Sta. Lucia, Dolores, Quezon. Nais po naming ipabatid ang mga sumusunod:
π Ang Independent Tower Company na may hawak ng proyekto ay rehistrado sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
π Ang pagtatayo ng Passive Telecommunications Tower Infrastructure (PTTI) na cell site tower ay saklaw ng Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01, Series of 2021 na pinirmahan ng ARTA, DICT, DILG, DHSUD, DPWH, CAAP, NTC, DOH, at FDA.
π Layunin ng JMC na pabilisin at pasimplehin ang proseso ng pagkuha ng permit para sa mga pasilidad na ito upang mapabuti ang internet connectivity, komunikasyon, at disaster response sa buong bansa.
π Safety Assurance:
β’ Ang PTTI structures ay non-radiating (hindi sila naglalabas ng radio frequency energy) at itinayo base sa mahigpit na engineering, health, at safety standards.
β’ Ang telecommunications equipment na ikinakabit sa mga tower ay sumusunod sa national at international safety regulations na itinakda ng DOH at FDA.
β’ Ang bawat site ay dumadaan sa masusing pagsusuri bago aprubahan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Tinitiyak ng ating LGU na susunod sa lahat ng regulasyon at safety protocols ang pagpapatayo ng naturang pasilidad. Ang proyektong ito ay bahagi ng ating adhikain na maghatid ng mas mabilis na koneksyon, mas maraming oportunidad sa ekonomiya, at mas maayos na emergency communication system para sa lahat.
π Para sa karagdagang katanungan o paglilinaw, maaari pong makipag-ugnayan sa:
Zoning Office / Municipal Engineering Office
Tel. No.: 042 565 6515
Email: [email protected]
π€ Magtulungan po tayo para sa ligtas, konektado, at mas ma-UNLAD na komunidad.