20/08/2026
August 17-19, 2026
🎓 3 Days of Learning, Sharing, and Empowerment!
Noong Agosto 17–19, 2026, dumalo sina PB Tintin Reyes Malaluan , Secretary Joy Plata at Treasurer Mattie Pasia sa seminar na ginanap sa Sevilla's Resort, Lucena City tungkol sa Katarungang Pambarangay (KP), Violence Against Women and their Children (VAWC) , Anti-Bastos Law, at Children In Conflict with the Law (CICL).
Ito ay pinangunahan at inorganisa ng tanggapan ng DILG-Dolores sa pamumuno ni DILG-MLGOO Rowel Santos at sa suporta ni Hon. Mayor Orlan A. Calayag, Hon. Vice Mayor Doc Jon Alilio at Sangguniang Bayan ng Dolores.
Ang ganitong mga pagsasanay ay mahalaga upang higit nating mapalakas ang kakayahan ng ating mga barangay officials sa wastong pagresolba ng mga usapin, pagprotekta sa mga biktima, at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga kabarangay.
💙 Learning today, better service tomorrow!
Arangkada MALIGAYA!