09/03/2026
Heads up, Kabataang Quezonian!
Kung ready ka nang mag-level up at sumubok sa public service, this is your sign!
Kung ikaw ay naghahanap ng oportunidad upang makapagsimula ng karera sa serbisyo-publiko, maaari mong subukan ang pagkakataon sa Go STAN Recruitment Activity na isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial PESO.
Gaganapin ito sa ika- 12 ng Marso, 2026 (Huwebes) mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon sa Culture and Arts Center (dating Bulwagang Kalilayan), Brgy. 10, Lucena City.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga mapipiling benepisyaryo ay bibigyan ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwang pagsasanay at apprenticeship upang makakuha ng mahalagang karanasan sa larangan ng paglilingkod-bayan.
PAALALA: Ang Go STAN Program ay inilaan para sa mga nakapagtapos o graduates na nais makapagsimula ng karera sa serbisyo-publiko.
MGA KINAKAILANGANG KWALIPIKASYON
1. Edad: 18 hanggang 30 taong gulang (preferably first-time jobseekers)
2. Antas ng Edukasyon:
โข Nakatapos ng High School (Old Curriculum) o Senior High School, o katumbas nito sa ilalim ng ALS, o
โข Nagtapos ng Technical-Vocational course o kolehiyo
3. Katayuang Pang-ekonomiya:(Kailangang kabilang sa alinman sa mga sumusunod)
โข Mula sa pamilyang may mababang kita o kabilang sa indigent sector
โข Ang mga magulang ay nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan
โข Ang pamilya ay naapektuhan ng sakuna o kalamidad
4. Karanasan sa Trabaho:
Mas kanais-nais ang mga aplikanteng walang dating karanasan sa trabaho, maliban sa mga kabilang sa ikatlong kondisyon.
5. Paninirahan:
Kinakailangang residente ng Lalawigan ng Quezon o nakatira sa lalawigan nang hindi bababa sa anim (6) na buwan.
MGA DOKUMENTONG KAILANGAN
1. Go STAN Application and Declaration Form
2. Dalawang (2) kopya ng photocopy ng PSA Birth Certificate
3. Katibayan ng pagtatapos tulad ng Diploma, Certificate of Graduation, o Transcript of Records (TOR)
4. Katunayan na kabilang sa low-income family (Certifi