Sangguniang Bayan ng Dolores

Sangguniang Bayan ng Dolores The Legislative Body of the Municipality of Dolores, Quezon (Vice Mayor and SB Members)

π‡πˆπ†π‡π‹πˆπ†π‡π“π’ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π πŽπ… πƒπŽπ‹πŽπ‘π„π’ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐂𝐋 ππ”π„π™πŽπ π…π„πƒπ„π‘π€π“πˆπŽπ π–π„π„πŠ π‚π„π‹π„ππ‘π€π“πˆπŽπ 𝐀𝐍𝐃 π’ππŽπ‘π“π’ 𝐅𝐄𝐒𝐓 πŸπŸŽπŸπŸ”Nakilah...
04/09/2026

π‡πˆπ†π‡π‹πˆπ†π‡π“π’ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π πŽπ… πƒπŽπ‹πŽπ‘π„π’ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐂𝐋 ππ”π„π™πŽπ π…π„πƒπ„π‘π€π“πˆπŽπ π–π„π„πŠ π‚π„π‹π„ππ‘π€π“πˆπŽπ 𝐀𝐍𝐃 π’ππŽπ‘π“π’ 𝐅𝐄𝐒𝐓 πŸπŸŽπŸπŸ”

Nakilahok ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa Philippine Councilors League (PCL) – Quezon Federation Week Celebration and Sports Fest 2026 na ginanap noong Setyembre 3–4, 2026 sa Batis Aramin, Lucban, Quezon.

Pinangunahan ang makabuluhang pagtitipon ni PCL Quezon Chapter President Hon. Aileen Malabanan Dellosa, na naglalayong higit pang palakasin ang pagkakaisa, pakikipagkaibigan, pagtutulungan, at ugnayan ng mga konsehal mula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Quezon.

Dumalo at nakibahagi mula sa Sangguniang Bayan ng Dolores sina Hon. Rodel Pionela (PCL BOD), Hon. Ma. Aileen Cabrera Corabo, Hon. Ma. Lilibeth AcuΓ±a, Hon. Archie Abrigo, Hon. Erik Vincent Generoso, Hon. Arturo Bagsit, Hon. Alfonso Santos, at Hon. Kryzt Andrey Bacay.

Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, patuloy na isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Dolores ang pagkakaisa at matibay na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa lingkod-bayan, tungo sa mas mahusay at sama-samang paglilingkod para sa mamamayan ng Quezon.

π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π π’π”πππŽπ‘π“π’ 𝐓𝐇𝐄 πƒπŽπ‹πŽπ‘π„π’ πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ πŽπ… 𝐓𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐒Kaisa ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa Dolores Dis...
02/09/2026

π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π π’π”πππŽπ‘π“π’ 𝐓𝐇𝐄 πƒπŽπ‹πŽπ‘π„π’ πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ πŽπ… 𝐓𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐒

Kaisa ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa Dolores District Festival of Talents 2026, na dinaluhan ngayong umaga nina Hon. Renato Alilio Jr., Hon. Ma. Aileen Cabrera Corabo, Hon. Kryzt Andrey Bacay, at Hon. Ma. Lilibeth AcuΓ±a. Ang programa ay isinagawa sa Pedro Bombane Elementary School.

Sa ilalim ng temang β€œQuezonian Talents Beyond Horizons: Empowering Learners with AI Innovations Rooted in Values,” layunin ng aktibidad na mabigyan ng malawak na espasyo ang mga mag-aaral upang maipakita ang kanilang natatanging talento, kasanayan, at kaalaman sa iba’t ibang larangan.

Bahagi ng festival ang mga kompetisyon at gawaing Technovators, Pintabulilit, Indak ng Lahi, Awit ng Lipi, Plot Twisting Challenge, STEMazing, Math Quiz Bee, at Pop Quiz, na nagsusulong sa pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, kahusayan, at pagpapahalaga sa kultura at edukasyon.

Naging bahagi rin ng pagtitipon sina PSDS Dr. Gilbert Alva, Punong Barangay Kgg. Renelyn Felismino ng Brgy. Manggahan, TOO Mr. Renan Panganiban, Ma'am Mae Airish J. Casires (Principal I- PBES), iba pang mga g**o at School Heads, at iba pang mga katuwang mula sa sektor ng edukasyon.

Ang Sangguniang Bayan ay patuloy na nakikiisa sa mga programang nagbibigay-daan upang higit na malinang ang kakayahan ng kabataan. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, nabibigyan sila ng pagkakataong mahasa ang kanilang talento at maipamalas ang kanilang potensyal bilang mga kabataang magiging bahagi ng kinabukasan ng Bayan ng Dolores.

Mula sa Sangguniang Bayan ng Dolores, taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga kapwa kabataang lingkod-b...
02/09/2026

Mula sa Sangguniang Bayan ng Dolores, taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga kapwa kabataang lingkod-bayan ni SK Darwin Angeles, SK Councilor ng Barangay Kinabuhayan, sa kanyang pagpanaw.

Isang masigasig at dedikadong kabataang lingkod-bayan si SK Darwin na naglaan ng panahon, malasakit, at serbisyo para sa kanyang komunidad at kapwa kabataan. Mananatili sa aming alaala ang kanyang kabutihan, dedikasyon, at mga ambag sa paglilingkod.

Nawa’y magsilbing lakas at ginhawa sa kanyang pamilya at mga naiwan ang mga alaala ng kanyang buhay at paglilingkod.

Paalam, SK Darwin. Maraming salamat sa iyong serbisyo.

REQUIESCAT IN PACE.

π’π“π‘π„ππ†π“π‡π„ππˆππ† π‹πŽπ‚π€π‹ π‘π„π’ππŽππ’π„ 𝐀𝐍𝐃 ππ‘πŽπ“π„π‚π“πˆπŽπ | πŸ‘π‘πƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐋𝐂𝐀𝐓-𝐕𝐀𝐖𝐂/𝐋𝐂𝐏𝐂 πŒπ„π„π“πˆππ†Dumalo sina Hon. John Edward Reyes, RN, ...
01/09/2026

π’π“π‘π„ππ†π“π‡π„ππˆππ† π‹πŽπ‚π€π‹ π‘π„π’ππŽππ’π„ 𝐀𝐍𝐃 ππ‘πŽπ“π„π‚π“πˆπŽπ | πŸ‘π‘πƒ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐋𝐂𝐀𝐓-𝐕𝐀𝐖𝐂/𝐋𝐂𝐏𝐂 πŒπ„π„π“πˆππ†

Dumalo sina Hon. John Edward Reyes, RN, LE at Hon. Kryzt Andrey Bacay sa 3rd Quarter Meeting ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) at Local Council for the Protection of Children (LCPC), na isinagawa ngayong Setyembre 1, 2026 sa Kalinga Hall.

Pinangunahan ni Hon. Mayor Orlan Calayag ang nasabing pagpupulong at pinangasiwaan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Cipriana A. Montierro.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon ng mga tanggapan at katuwang na institusyon sa pagpapatupad ng mga programa at mekanismo para sa proteksiyon, kapakanan, at karapatan ng kababaihan at mga bata sa Bayan ng Dolores. Kaisa at sumusuporta ang Sangguniang Bayan sa mga hakbang na ito tungo sa pagkakaroon ng ligtas at protektadong pamayanan para sa lahat.

ππ‘πŽπŒπŽπ“πˆππ† π„π…π…πˆπ‚πˆπ„ππ“ π‹πŽπ‚π€π‹ π†πŽπ•π„π‘ππ€ππ‚π„ | πŸ”πŸŽπ“π‡ π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπIsinagawa ang ika-60 Regular Session ng San...
01/09/2026

ππ‘πŽπŒπŽπ“πˆππ† π„π…π…πˆπ‚πˆπ„ππ“ π‹πŽπ‚π€π‹ π†πŽπ•π„π‘ππ€ππ‚π„ | πŸ”πŸŽπ“π‡ π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπ

Isinagawa ang ika-60 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Dolores, Quezon bilang bahagi ng patuloy na pagtupad sa tungkulin nitong magbalangkas ng mga panukala, resolusyon, ordinansa, at iba pang mga hakbang para sa kapakanan at kaunlaran ng mga mamamayan.

Sa naturang pagpupulong, masusing tinalakay ng mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan ang mga nakatakdang usapin at panukalang may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng serbisyo at pamamahala sa Bayan ng Dolores.

01/09/2026

πŸ”πŸŽπ”±π”₯ π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€π˜π€π 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπ
π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟎𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ” | πŸ—:πŸ‘πŸŽπšπ¦ | 𝐒𝐁 π’πžπ¬π¬π’π¨π§

π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ π— π—’π—‘π—œπ—§π—’π—₯π—œπ—‘π—š π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿ | 𝟯π—₯𝗗 𝗀𝗨𝗔π—₯π—§π—˜π—₯π—Ÿπ—¬ π— π—˜π—˜π—§π—œπ—‘π—šDinaluhan ni Hon. Erik Vincent Generoso, Committee Chair on Infr...
28/08/2026

π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ π— π—’π—‘π—œπ—§π—’π—₯π—œπ—‘π—š π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿ | 𝟯π—₯𝗗 𝗀𝗨𝗔π—₯π—§π—˜π—₯π—Ÿπ—¬ π— π—˜π—˜π—§π—œπ—‘π—š

Dinaluhan ni Hon. Erik Vincent Generoso, Committee Chair on Infrastructure, ang 3rd Quarterly Meeting ng Local Project Monitoring Council (LPMC) noong August 26, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay at pagsusuri sa pagpapatupad ng mga proyekto sa Bayan ng Dolores.

Pinangasiwaan ng Municipal Planning and Development Office sa pangunguna ni Ms. Sheryl Cabrera ang naturang pagpupulong, na pinangunahan naman ni LPMC Chairperson EA Jayson Ocado.

Layunin ng pagpupulong na mapanatili ang maayos na koordinasyon, transparency, at epektibong monitoring sa mga proyekto para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Dolores.

π‚π„π‹π„ππ‘π€π“πˆππ† πŸ—πŸŽ π˜π„π€π‘π’ πŽπ… π…π€πˆπ“π‡ 𝐀𝐍𝐃 π”ππˆπ“π˜Nakibahagi ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa pagdiriwang ng ika-90 Anibersaryo ...
27/08/2026

π‚π„π‹π„ππ‘π€π“πˆππ† πŸ—πŸŽ π˜π„π€π‘π’ πŽπ… π…π€πˆπ“π‡ 𝐀𝐍𝐃 π”ππˆπ“π˜

Nakibahagi ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa pagdiriwang ng ika-90 Anibersaryo ng Samahan ng Tatlong Persona Solo Dios na ginanap ngayong araw sa Balangay ng Yawe, Padre Burgos, Quezon.

Dumalo sa makabuluhang pagdiriwang sina Hon. Renato Alilio Jr., Hon. Ma. Aileen Cabrera Corabo, Hon. Rodel Pionela, Hon. Arturo Bagsit, at Hon. Ma. Lilibeth AcuΓ±a.

Buong pusong ipinapaabot ng Sangguniang Bayan ng Dolores ang pagbati sa Samahan ng Tatlong Persona Solo Dios. Nawa’y patuloy na maging matatag ang inyong samahan sa pagpapatibay ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagkakapatiran.

π‹πˆπ†π“π€π’ π“πˆπ†πƒπ€π’ | ππ‘π†π˜. 𝐒𝐓𝐀. π‹π”π‚πˆπ€Nagpatuloy ang pakikiisa ni Hon. John Edward J. Reyes, RN, LE sa Rural Health Unit (RHU)...
26/08/2026

π‹πˆπ†π“π€π’ π“πˆπ†πƒπ€π’ | ππ‘π†π˜. 𝐒𝐓𝐀. π‹π”π‚πˆπ€

Nagpatuloy ang pakikiisa ni Hon. John Edward J. Reyes, RN, LE sa Rural Health Unit (RHU) ng Dolores sa pagpapatupad ng Ligtas Tigdas (MR-SIA with Vitamin A Supplementation) Program sa Brgy. Sta. Lucia.

Kasama niya sina Dra. Ezralaine BendaΓ±a, mga Barangay Health Workers (BHW) ng Brgy. Sta. Lucia, Kgg. Sandy Mendoza katuwang si Nurse Mary Grace Seriban sa pagsasagawa ng pagbabakuna at paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga batang kabilang sa programa.

Sa patuloy na pagtutulungan ng RHU at barangay, naipagpapatuloy ang mahalagang hakbang para maprotektahan ang mga batang Doloresin laban sa tigdas at iba pang vaccine-preventable diseases.





𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—˜π——π—œπ—‘π—šπ—¦ 𝗒𝗙 π—§π—›π—˜ πŸ±πŸ΅π—§π—› π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—¦π—˜π—¦π—¦π—œπ—’π—‘ | π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗒𝗙 π——π—’π—Ÿπ—’π—₯π—˜π—¦Isinagawa ngayong araw ang ika-59 na Regular Sessi...
24/08/2026

𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—˜π——π—œπ—‘π—šπ—¦ 𝗒𝗙 π—§π—›π—˜ πŸ±πŸ΅π—§π—› π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—¦π—˜π—¦π—¦π—œπ—’π—‘ | π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗒𝗙 π——π—’π—Ÿπ—’π—₯π—˜π—¦

Isinagawa ngayong araw ang ika-59 na Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Dolores, bilang bahagi ng patuloy na pagtupad sa tungkulin nitong magbalangkas ng mga kinakailangang hakbang at patakaran para sa kapakanan ng mga mamamayan ng bayan.

Sa nasabing sesyon, dahil si Hon. Vice Mayor Renato Alilio Jr. ay kasalukuyang nagsisilbing Officer in Charge (OIC) ng Bayan ng Dolores, ay nahalal si Hon. Kryzt Andrey Bacay bilang Temporary Presiding Officer upang pangasiwaan ang naturang sesyon.

Samantala, bahagi rin ng sesyon ang paggawad ng Commendation Resolution bilang pagkilala sa mga Doloresin na lumahok sa katatapos na Likhang Niyogyugan Festival 2026. Ang naturang pagkilala ay pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap, husay, at pakikiisa sa mga gawaing nagtataguyod sa talento at karangalan ng Bayan ng Dolores.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa maayos at responsableng pagtupad sa mandato nito para sa kapakanan at pag-unlad ng buong pamayanan.




Address

Dolores Municipal Hall
Dolores
4326

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639851210663

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Dolores posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan ng Dolores:

Share